Matapos ihatid ni Azulan sa lugar kung saan magsasanay ang mga diwani ay kaagad siyang tumungo sa kinaroroonan ng mga sanggre.
Pagpasok pa lamang niya ng silid ay kaagad niyang napansin ang katahimikan na bumabalot dito.
Kanyang nakita si Lira na nakaupo sa upuan habang hawak-hawak nila Danaya at Alena ang kamay nito, samantalang nakataas naman ang balintataw ni Imaw at ginagamit nila ito kay Lira.
"Anong-"kaagad siya sinenyasan ni Alena na manahimik kaya tumayo nalamang siya at pinanood ang mga nangyayari.
Sa pagpikit ni Lira, dinala siya ng kanyang panaginip sa gitna ng kagubatan. Siya'y naglakad-lakad, wala siyang ibang naririnig kung hindi angm ga huni ng ibon at agos ng tubig. "teka may ilog ba dito?"
Sinundan ni Lira ang tunog ng tubig at siya'y dinala nito sa isang batis. Nagtago siya sa likod ng isang malaking bato nang may marinig na paparating, laking gulat niya nang makitang si Mira ito.
"Bessy!" sigaw niya na ikinagulat ni Mira.
"Lira?" pagtatakang tanong ni Mira. Patakbong yumakap si Lira sa pinsan at ibinalik naman ito.
"teka... kailagan ko iexplain kung bakit ako nandito sa dreams mo" sabi ni Lira nang makabitaw na sa yakap nilang mag pinsan "kailangan niyo bilisan ni Ashti makabalik. May nakuha sila Ashti danaya na drawing ng mukha ng mga diwani"
"Drawing? Paanong drawing?"
"hindi naming alam kung anong totoong ibig sabihin nun pero hula nila ashti next in line na ang mga diwani na titirahin ng kalaban kay please bumalik na kayo ASAP!" kaagad nakaramdam ng pag-aalala si Mira para sa kanyang apwe.
"Kung gayon kailangan nga na makabalik na kami nila Yna, ngunit Lira, may kailangan pa kaming ayusin bago kami bumalik" itinanong ni Lira kung ano ito ngunit hindi ito sinabi ni Mira.
"Sa aming pagbabalik ipapaliwanag ko ang lahat. Ngunit ngayon kailangan pa namin ng kahit kaunting panahon para ayusin ito"
"Sige, sa loob ng tatlong araw mira, bubuksan muli namin ang lagusan. Sa pagsikat ng araw doon open sesame na ha! Di pwede late!" tumango si Mira kaya nagpaalam na si Lira dito para gumising.
*
*
*
Nang magising si Mira ay kaagad hinanap ng kanyang paningin si Pirena "Wala sila dito, may pinag-uusapan silang dalawa ni Gamil" wika ni paopao na papalapit sa kanya at may dalang pagkain.
"Kailangan kong balaan si Yna, sapagkat nagkita kami ni Lira sa aking panaginip" iniabot ni Paopao ang pagkain at malugod naman niya itong tinanggap "avisala eshma"
"Anong sinabi ni Lira?" sa kanyang tanong pansin ni Paopao ang kaba at takot ni Mira "ayos ka lang ba?"
"Ang mga di-"hindi natapos ni Mira ang sinasabi nang makarinig siya ng nagssalita. Tatayo na sana siya para puntahan ito ngunit pinigilan siya ni Paopao.
"Si gamil yun, kanina pa sila nag-uusap ni Ate Hara Pirena. Medyo malakas nga boses niyan kanian pa"
"Paopao masamang makinig sa usapan ng iba" saway ni Mira
"Hindi ko naman pinapakinggan eh... kaya nga ako lumabas ng kweba; yung pagsasalita niya yung malakas." Ngumisi si Mira dahil sa pagiging pilosopo ng kasama.
Samantalang sa loob ng kweba nag-uusap si Gamil at Pirena. Ipinaliwanag na ni Pirena ang katotohanan, na alam na iya lahat, na siya ay hindi mula sa panahong iyon.
"Anong ibig mong sabihin na hindi maaring maging tayo? Masaya naman tayo Cahira hindi ba? Nalaman mo lamang ang iyong nakaraan, ano ang dapat mag-iba?" gulong-gulo si Gamil sa tinuran ni Pirena, paano ito nagmula sa ibang panahon?
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...