Kabanata III: Pangungulila

541 23 3
                                    

Ang piging sa Lireo ay magsisimula na ngunit si Serena ay hindi parin lumalabas sa kanyang silid, kung kaya’t siya ay pinuntahan na ng kanyang apwe. Nadatnan siya ni Mira na nakaupo sa kama at nakatanaw sa bintana. “Serena, ano’t hindi ka pa tumungo sa bulwagan?” bagamat tinanong niya, alam ni Mira ang dahilan kung bakit ayaw ng kapatid lumbas ng silid-wala pa ang kanilang mga magulang.

Tumabi siya dito at hinawakan ang maliliit na bisig nito “Huwag ka mag-alala, aabot sila Yna bago ang iyong banyuhay” paninigurado nito sa kapatid. Di nagtagal ay sabay na silang pumunta patungo sa kinaroroonan ng piging.

Masaya ang lahat sa piging, at si Serena ay nalibang na kasama ng kanyang mga pinsan at hadia na si Cassandra. Magkakahawak kamay na nagsasayaw ang mga diwani, maging si Paopao at Lira ay masayang umiindak sa tugtog; samantalang si Mira ay kausap ang kanyang mga ashti.

“Magbigay pugay sa hara ng Hathoria” sigaw ng kawal na nagbabantay sa pinto. Pumasok ng silid ang magkahawak kamay na mag-asawa, na kaagad sinalubong ng kanilang anak.

“Ado! Ada! Ikinagagalak ko na dumating na kayo” humingi ng patawad ang mag-asawa na hindi sila nakarating ng maaga, na tinanggap naman kaagad ni Serena.

Niyakag ng munting diwani ang mga magulang na magsayaw ngunit humindi muna ang mga ito, kung kaya’t bumalik nalamang siya sa kanyang mga pinsan.

Lumapit sila Pirena sa kanyang kapatid upang bumati, at nang magkatinginan sila Alena at Pirena, alam na ng bawat isa na may importante silang kailangan pag-usapan. “Avisala Eshma kay Emre at ligtas kayong nakabalik dito apwe” wika ni Danaya, na pinasalamatan naman ni Pirena.

Tinawag sa gitna ang dalawang diwani na nagdiriwang ng kanilang kaarawan, at isa-isa namang hinandugan ng mga nakakatandang sanggre at Rama ng mga regalo sila Serena at Aria. “Kagaya ng dalawang nakakatandang diwani na si Adamus at Cassandra kayong dalawa, Serena at Aria ay nakatadakdang dumaan sa inyong banyuhay, kung saan ipapamalas ninyo ang kapangyarihan taglay ng mga Sanggre.” wika ng hara Alena.

Ibinigay na ni Alena ang hudyat upang simulan ang pagbabasbas sa mga diwani na kaagad naman ginawa ng lahat.

Tumingin si Serena at Aria sa isa’t-isa bago nila sinubukan mag-evictus, nagpalakpakan ang mga tao sa bulwagan nang maglaho ang dalawang diwani.

Tuwang-tuwa ang lahat para sa kanila, lalo na ang kanilang mga magulang. Hindi nagtagal ay bumalik na ang dalawang diwani sa Bulwagan kung kaya’t nagpatuloy na muli ang kasiyahan. Sa pagkakataong ito ay niyaya na ni Azulan at Aquil ang kanilang mga asawa upang sumayaw.

***

“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Danaya sa kanyang kapatid.

“hindi normal ang kalagayan sa ibang sulok ng Encantadia. Kay laki ng ibinaba ng temperatura” Sagot ni Pirena sa kapatid

Mula sa kabilang parte ng silid ay naglakad si Azulan patungo sa kinauupuan ng asawa. Hawak niya sa kanyang kamay ang alak na para dito “Sa aming nasaksihan, batid naming hindi handa ang mga encantado para sa taglamig. Sapagkat matagal narin noong huling nagkaroon ng taglamig dito sa encantadia”iniabot nito ang baso ng alak kay Pirena at dumerecho sa kanyang upuan.

“Kung gayon ay kinakailangan natin maaksyunan ito kaagad. Azulan, maari bang kayo ni Aquil ang mangalap ng impormasyon paukol sa pinagmulan o dahilan ng pagbabagong ito sa ihip ng hangin.”tumango si Azulan sa tinuran ng Hara, “Mira, Lira, kayo ay aking inuutusan upang tulungan si Pirena at Danaya na ihanda ang mga encantado sa taglamig na maari nating maranasan.” Tumango ang tatlo sa utos ng hara.

Nang matapos ang pagpupulong ay kaagad na inasikaso ng mga sanggre ang kanilang tungkulin. Sila Azulan at Aquil ay naghanda na para sa kanilang paglisan nang sa gayon ay malaman nila kung saan o ano ang sanhi ng mga kaganapang ito.

Papalabas na si Azulan nang salubungin siya ng kanyang anak. Nasaksihan ito ni Mira sa di kalayuan, hindi niya maiwasan na hindi maingit sa tuwing nakikita niya ang mag-ama. Paano kung lumaki siya na kasama ang kanyang ama? paano kung simula pa lamang ay si Pirena na ang nakilala niyang yna? Pilit niyang inalis ang ideya sa kanyang isip at umalis nalamang. Ang hindi alam ni Mira ay habang siya ay naglalakad palayo ay pinagmamasdan siya ng kanyang yna.

Pumunta si Mira sa kanyang silid at sa kanyang taguan ay kinuha ang kaisa-isang bagay na mula sa kanyang ama na si Gamil. Isang pigurin na ginawa nito para sa kanya. Naala ni Mira ang una’t huli nilang pagtatagpo ng kanyang tunay na ama.

Mira” kaagad siyang lumingon sa pinangalingan ng tinig at nakita ang isang ivtre na nakatayo di kalayuan sa kanya. Napansin niya ang mga luha na pilit kumakawala sa mga mata nito, kung kaya’t tinanong niya kung sino ang encantado. Bago pa man makapagsalita ang diwata ay nakita niyang papalapit ang kanyang yna.

Hinawakan ni Pirena ang kamay ng kanyang anak, tumingin si Mira sa mga mata ng kanyang Yna na batid niyang may importanteng sasabihin “Mira, hindi ba’t tinanong mo ako noon kung sino ang iyong ama?” sa sinabi pa lamang iyon ni Pirena ay nagkaroon na ng ideya si Mira sa tunay na katauhan ng encantado sa kanyang harapan.

“Anak, siya si Gamil, siya ang iyong ama” dumako ang kanyang tingin sa Ivtre at doon, kaagad naman na lumapit si Gamil sa kanyang anak, at humingi ng pahintulot upang mayakap ang kanyang prinsesa. “Ama” mahinang bulong ni Mira.

Humiwalay sa yakap si Gamil, at kinuha ang isang kahoy na kahugis ng brilyante ng apoy mula sa kanyang bulsa. Sa gitna nito ay nakaukit ang dalawang ulo, isang lalaki at isang babae, na parehong nakaharap sa isa’t-isa at magkadikit ang mga noo. “Ginawa ko iyan para sa iyo, habang pinapanood ko ang iyong paglaki mula sa Devas.” Kinuha ni Mira ang piguring inaabot ng kanyang ama.

“Tayo ba ang naka-ukit dito ama?” mangiyak-ngiyak na wika ni Mira. Tumango lamang si Gamil bilang tugon sa anak, kaagad naman siya niyakap ni Mira at umiiyak na sinabing “E correi diu Ama”.

Sa narinig ay lalo pang hinigpitan ni Gamil ang yakap sa anak, lumipat ang kanyang tingin kay Pirena at nakatayo lamang sa di kalayuan. Inilahad niya ang kanyang bisig upang anyayahan ito na sumama sa kanilang yakapan, na ginawa naman ng hara ng hathoria. “E correi diu ado, ada” sambit ni Mira nang yakapin siya ng mga magulang.

Pumasok sa silid ng kanyang anak si Pirena at kanya itong dinatnan na nakaupo sa kanyang tanggapan, nakatalikod man sa kanyan ay nabatid din ni Pirena ang pag-iyak nito habang hawak ang pigurin na ibinigay ni Gamil noon. “Ama, sana’y payagan muli kayo ni Emre na bumaba dito sa encantadia, nang sa gayon ay makapiling pa kita”.

“Poltre” malungkot na sambit ni Pirena sa anak. Pinahid ni Mira ang kanyang luha at humarap sa kanyang yna. Palapit sa kanyang si Pirena kaya napagdesisyunan ni Mira na salubungin nalamang ito “kung dahil sa akin ay hindi mo nakapiling ang iyong ado” pagpapatuloy ni Pirena sa kanyang sinasabi.

Kaagad sinabi ni Mira na hindi dapat sumama ang loob ng kanyang yna, ngunit alam ni Pirena na naiingit si Mira sa tuwing nakikitang magkasama si Azulan at Serena.

Hinawakan ni Mira ang kamay ng kanyang yna at sinabi “oo yna, aaminin ko nakakaramdam ako ng ingit, ngunit alam ko rin naman ang naidudulot ng sobrang pagka ingit, at huwag ka mag-alala sapagkat hindi ko hahayaan na mamayani ang ingit sa aking puso. Hindi ko man kapiling ang aking ama, alam kong pinapanood niya ako mula sa devas, at alam ko rin na hindi niya nanaisin na ako ay umiyak sapagkat alam ko darating ang panahon muli kaming magkakasama”

Hindi tuloy maiwasan isipin ni Pirena kung gaano siya kasuwerte na may anak siyang tulad ni Mira.

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon