Kabanata XV: Tunay na Pagkatao

364 19 5
                                    

“Yna” patakbong yumapos si Mira kay Pirena, mahigpit niya itong niyakap kagaya ng magbalik ito noong siya’y pansamantalang namayapa.

Bumitiw si Cahira sa kanilang yakapan at hinawakan ang pisngi ng nakababatang sanggre “tunay nga bang ikaw ay narito? Ikaw nga ba si Mira? Ang diwata sa aking mga panaginip”

“Anong nangyayari?” sabi ni Gamil na gulong-gulo sa mga nagaganap “Bakit mo tinawag na yna si Cahira”

“Sapagkat yon po ang totoo” wika ni Paopao “Si ate pirena ang nanay ni Mira”

Inulit ni Gamil ang pangalang sinambit ni Paopao at tumingin kay Cahira. Ito na ang kanyang kinatatakutan, ang magbalik ang mga ala-ala ni Cahira.

Hinawakan niya ang kamay ni Cahira at hinila palabas ng kweba. “saan mo ako dadalhin Gamil?” pilit nagpupumiglas si Cahira sa pagkakahawak ni Gamil, ngunit patuloy lamang ito sa paghila sa kanya palayo sa kweba.

“Yna” narinig nilang sigaw ni Mira.

“Gamil kailangan kong bumalik doon, nais kong makausap si Mira”

Lumingon si Gamil sa kanya na galit na galit “At bakit? Upang pakinggan ang mga kasinungalingang kanilang sasambitin?” sigaw nito sa kaharap

“Oo!” sigaw pabalik ni Cahira “Simula nang dumating ako dito, kada ipipikit ko ang aking mga mata, nakikita ko ang mga taong hindi ko naman kilala, mga mukhang pamilyar ngunit hindi ko maalala.”

Tinanggal ni Cahira ang kamay ni Gamil na hawak-hawak ang kanyang braso “At ang encantadang iyon, nasilayan ko na siya sa aking panaginip. At ngalan na sinambit ng encantado iyong Pirena; maging iyon ay nasa aking panaginip”

Dumako ang tingin ni Gamil sa mga luhang namumuo sa mga mata ng kausap “Kaya kung kasinungalingan man ang kanilang sambitin sa akin, pakikinggan ko ito. Ngunit ramdam ng aking puso na may katotohanan sa kanilang tinuran kanina”

Tuluyan nang binitawan ni Cahira ang kamay ni Gamil “Agape Ave, ngunit kailangan kong balikan sila Mira at alamin ang tunay kong pagkatao”

Pilit man pigilan ni Gamil ang pag-alis ni Cahira ay wala na siyang nagawa. Buo ang loob nitong alaman ang katotohanan paukol sa kanyang nakaraan at pinagmulan.

*

*

*

Napaupo nalamang sa kung saang bato si Mira nang ilayo sa kanya ng ama ang kanyang yna.

Hahabulin sana niya ito ngunit lumapit sa kanya si Paopao at ipinatong ang kamay sa balikat ng sanggre. Sinabi nito na bigyan sila Pirena at Gamil ng kanit kaunting panahon upang makapag-usap.

Lumingon si Mira sa kaibigan, pansin kaagad ang mga luha sa mata ng sanggre “Paano kung hindi naisin ng aking yna na bumalik sa Lireo?”

“Kilala mo si Ate Pirena hindi niya iniiwan ang kanyang responsibilidad bilang Yna, Hara at tagapangalaga ng brilyante. Kaya wag ka na malungkot, kasi kailangan pa natin ipaalala sa kanya lahat”

Pinahid ni Paopao ang mga luha ng kaibigan. Sabay silang napatingin sa bungad ng kweba nang makarinig sila ng mga yabag.

Doon, nakatayo si Pirena “Encantada” salita nito habang papalapit sa kanila “Anong alam mo paukol sa aking pagkatao?”

“Ikaw ay isang sanggre” tuamyo si Mira mula sa pagkakaupo at dahan-dahang lumakad papunta sa yna “Anak ni Hara Mine-a, Ina ng Encantadia”

Hinawakan ni Mira ang mga kamay ni Pirena “Ikaw din ang tagapangalaga ng brilyante ng apoy at ikaw ang aking yna” mangiyak-ngiyak na sabi ni Mira.

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon