Naramdaman ni Pirena ang lamig ng kanyang paligid, isang kapanipanibagong pakiramdam na matagal niyang hindi nadama.
Sinubukan niyang imulat ang kanyang mga mata, at sa unang pagkakataon mula noong siya ay mahimbing, nasilayan niya ang sikat ng araw.
Hindi niya alam kung ito ba ay isang Panaginip o totoong gising na siya at pinapalaya na ng puno ni Mine-a. Hinintay niyang luminaw ang kanyang paningin na silaw na silaw sa liwanag, ngunit bago pa man ito umayos, nakarinig si Pirena ng isang boses.
Pinilit ni Pirena intindihin ang sinasabi nito ngunit parang ngayon lang siya nakarinig muli ng ingay. Na isang maliit na ingay ay Kay sakit na kaagad sa tenga.
Naaninag Ng Sanggre Ang isang wangis, na papalapit sa kanya, at habang palapit ito ng palapit mas naintindihan niya ang sinasabi nito.
"Sanggre Pirena! Naririnig mo ba ako?" Tanong ng encantada. Hinawakan niya si Pirena mukha, "ako ito si Liway" tinitigan siya mabuti ng sanggre , at nang luminaw ang paningin ni Pirena ay nakita niya ang isang dalagang diwata.
"Liway?" Naaalala niya si Liway, ngunit malayo ang wangis ng Liway na kanyang Kilala sa encantadang kaharap niya ngayon.
"Oo Hara, ako nga ito" hinawi niya ang buhok na humaharang sa mukha ng diwata "marahil ay hindi mo na ako mamukhaan, ilang taon na din ang nagdaan"
Pinagmasdan Lang ni Liway ang hara na tabinging nakahiga at mistulang kinukumutan ng mahabang buhok nito. Tumingin siya sa paligid upang siguraduhing walang nakakakitang iba sa kanila.
"Tanakreshna" napatingin siya sa Hara na nagsalita. Nakita niya itong nakaupo na at nakatalikod sa kanya. Ngayon lamang niya napagtanto na walang suot si Pirena at tanging ang mahabang buhok lamang nito ang nagsisilbing harang.
"Tanakreshna nga!" Napatingin si Pirena kay Liway "saglit lamang Hara, ako ay kukuha ng damit para sa inyo"
"Avisala Eshma Liway" tumango si Liway at tsaka ito mabilis na umalis.
Naiwan si Pirena doon, tumingala siya at nakita muli ang puno ng kanyang ynang Reyna "Avisala Eshma yna at hindi mo ako pinabayaan" buong pagmamahal na wika ng sanggre.
*
*
*
Magkakaharap sa hapag si Pirena, Alipato at Liway; sila ay ipinaghanda ng diwata ng makakain lalo na't batid niyang matagal nang Hindi kumain si Pirena.
Kaya naman ikinagulat niya nang sinabi ng sanggre na siya busog pa "Anong kinakain mo sa ilalim ng lupa?" Biglang tanong nalamang ni Liway.
Para naman nasamid sa sariling laway si Alipato dahil sa pagpipigil ng tawa sa itinanong ni Liway "poltre panginoon" wika ng gabay-diwa nang napansin ang masamang tingin ni Pirena sa kanilang dalawa.
"Mga Ashtadi!" Sabi ni Pirena sa dalawa "maari bang magsimula nalamang kayo magkwento paukol sa mga naganap?"
"Poltre Hara" wika ni Liway.
"Siya nga pala Liway, paano mo nalaman na naandito si Hara Pirena?" Tanong ni Alipato Dito.
"Noong nagkaroon ng digmaan sa Sapiro, tumakas ako Kay Yna at sumunod sa digmaan"
"Ano? Bakit mo iyon ginawa?" tanong ng nabiglang sanggre.
"Dahil gustong-gusto ko makita kung paano ka makipaglaban" nahihayang sabi ni Liway "dahil sa mabagal akong manakbo, nang dumating ako sa Sapiro nagsimula na ang digmaan, pero wag ka mag-alala Hara, hindi ako nagpunta sa mismong digmaan, nagmashid lamang ako mula sa gubat. Tinatanaw lamang kita noong ikaw ay nakikipaglaban sa moog. Pero hindi ko inaasahan yung huling atake sa iyo ni Demiera"
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...