Lumingon sila Pirena at Azulan nang marinig ang pagtawag ni Serena na mangiyak-ngiyak nang makita silang dalawa na magkasama at kaharap si Cassiopeia.
Kaagad tumakbo ang diwani patungo sa kanyang magulang at yumapos sa mga ito "masaya akong makita kayong magkasama ado, ada, ngunit bakit tila may nagaganap na seremonyas dito?" tanong ni Serena na napansin na maging ang kanilang mga ashti at ang rama ay nasa silid.
"Yna... ado azulan anong nangyayari?" tanong ni Mira sa dalawa. Kababalik lamang nila Mira at Serena mula sa kanilang pagsasanay nang maabutan ang mga magulang na kasama si Cassiopeia.
"Mira, Serena" lumapit si Pirena sa dalawa at hinawakan ang mga kamay ng mga anak. "hindi ko alam kung paano namin sasabihin ito sa inyo, kung paano niyo matatanggap ang desisyon"
"teka yna... magpapakasal ba muli kayo ni ama?" tanong ni Serena na kita ang saya sa mga mata. Tumingin siya kay Cassiopeia, at sa kanyng mga ashti, at doon niya napagtanto na may mali.
Umiwas ang mga ito ng tingin sa kanya na para bang may lihim ang mga ito na hindi dapat nila malaman ng kanyang apwe. Hindi lamang si Serena ang nakapansin ng kakaibang ikinikilos ng mga encantado sa silid, pati narin si Mira ay nakita ang mga ginawa ng mga ito.
"Yna anong nangyayari?" matigas na tanong ni Mira sa kanilang ynang reyna.
"Mga anak, napagdesisyunan namin ng inyong yna na putulin na ang aming pagsasama" parang nabuhusan ng malamig na tubig si Serena at Mira sa narinig na salita ni Azulan.
"Alam naming na mahirap ito para sa inyo ngunit ito ang-" naputol ang pagpapaliwanag ni Pirena nang magsalita si Serena.
"Maghihiwalay kayo ni ama?" hindi makapaniwala na turan ng diwani. Hindi niya alam kung ano o paano nangyari ang mga ito kaya wala na siyang ibang nasabi kung hindi "Bakit?"
"ilang taon ang nagdaan, at amin napagtanto na ibang-iba na kami ng inyong ama. hindi na naming kilala ang isa't-isa"
"kilalanin niyo muli ang isa't-isa... nang hindi kayo naghihiwalay" alam ni Serena na kapag naghiwalay ang kanyang mga magulang kukuhanin ni Eara ito na pagkakataon upang mas mapalapit kay Azulan. "Nakikiusap ako sa inyo yna.. ama... huwag niyo ito ituloy"
"Serena" napatingin siya sa kanyang kapatid "Huli na tayo. Hiwalay na sila" sinundan ni Serena ang tingin ni Mira, na nakatuon lamang kay Cassiopeia na hawak ang mga lantang bulaklak na minsan ay ipinatong niya sa kamay ng mag-asawa noong sila ay ikinasal "iisa lamang ang ibig sabihin ng pagkamatay ng mga bulaklak na iyong hawak... putol na ang basbas na ipinataw mo sa pagsasama ni yna at aldo azulan"
"Ginawa niyo iyon nang hindi man lang sinasabi sa amin?" tanong ni Serena sa magulang.
"Anak pataw-" hindi na natapos pa ni Pirena ang sinasabi sapagkat nanakbo na palayo si Serena, na kaagad hinabol ni Azulan.
"Serena!" sigaw ni Pirena na akmang susundan ang kanyang bunso pero pinigil siya ni Mira.
"Hayaan niyo munang mag-usap sila ni Aldo Azulan" seryosong sabi ni Mira.
Tinitigan siya ni Pirena at hinawakan sa kanyang pisngi "Poltre anak, patawarin mo ako. hindi ko nais na maipit kayo sa amin ni azulan"
Hinawakan ni Mira ang mga kamay ni Pirena na nasa kanyang mukha, "Yna, hindi mo kailangan humingi ng tawad sa akin, ako pa nga dapat itong nagtatanong kung kamusta ang iyong kalagayan" wika ni Mira na hinawakan naman ang pisngi ng yna "Batid kong hindi madali sa iyo ito yna, kaya maari mong sabihin sa akin lahat"
"Avisala eshma Mira" maluha-luhang niyakap ni Pirena ang kanyang panganay.
*
*
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...