AN: poltre kung na late ang isang chap... I attached a vid above, pambawi lang...made that too for all the azpirennials out there! See may YouTube page sarabeckle for more videos :)
Pumalibot ang lahat sa mesa, kung saan nakalahad ang mapa ng encantadia, na gawa ng brilyante ng Lupa. Nababalutan sila ng pananggalang na bigay naman ng brilyante ng tubig.
Naninigurado lamang si Alena na walang sino man ang makakarinig sa kanilang plano, lalo na ang kalaban na hindi nila lubos pang kilala.
“Inasahan namin ni Danaya na sasalakayin kami ng encantadong iyon sa pagtungo naming sa Adamya” panimula ni Alena, “Sapagkat, inuna niya si Pirena, na alam naman natin na tagapangalaga ng brilyante ng apoy. Isang element na tatalo sa kanyang kapangyarihan”
“Sa amin ding palagay, ay iisa-isahin niya ang mga tagapangalaga ng mga brilyante nang sa gayon ay mas madali niyang makuha ang kanyang nais” dagdag pa ni Danaya.
“Na napatunayan niyong tama, dahil sa kanyang pagpapakita kanina sa adamya?” tumango ang mga sanggre sa tanong ni Azulan. Lumipat naman ang tingin ng lahat kay Lira na pumalakpak at sinabing ang galing talaga ng kanyang mga ashti.
“At dahil nga sa inasahan namin ang kanyang ginawa, ay nilagyan ni Danaya ng encantasyon ang aming mga sandata” tinanong ni Mira kung anong klaseng encantasyon ang sinasabi ng hara “Isang encantasyon na maari natin gamitin upang malaman kung saan nagkukuta ang ating kalaban.”
“Brilyante ng Lupa” pagsusumamo ni Danaya sa kanyang brilyante “Inuutusan kita, ipakita mo sa amin ang kinaroroonan ng encantadong aming nakaharap kanina”
Gumalaw ang mapa na nasa kanilang harapan, at napansin nilang hindi na ito ang mapa ng encantadia, bagkus isang isla na medyo may kalayuan sa lupain ng mga encantado. “Anong lupain ito ashti?” tanong ni Mira.
“Iyan ang isla Isolde” wika ni nunong imaw “Isang isla sa labas ng encantadia, kung saan ipinatapon ni Evades ang isa mga sinaunang diwata.”
“Sinaunang diwata?” tanong ng hara “sino ang sinasabi ninyo nuno?”
“Ang kapatid ni Cassiopeia na si Demiera” nagulat ang lahat na may kapatid pala ang hara durea at ngayon ay bathaluman na si Cassiopeia.
“Kagaya ni Cassiopeia, si Demiera ay isang makapangyarihan nilalang. Sa kanilang paglaki, napansin ni Evades ang pagkagahaman ni Demiera sa kapangyarihan, hangang sa dumating ang panahon na hamunin na ni Demiera ang matandang etherian.” Paglalahad ni Imaw, habang ipinapakita ng kanyang balintataw ang mga nangyayari.
“Si Demiera ay nilamon ng kagahamanan; ginamit niya ang kanyang kapangyarihan sa kapwa diwata, at iba pang encantado; kung kaya’t siya ay ikinulong ni Evades sa isla ng isolde.” Ibinaba na ni Imaw ang kanyang tungkod kung kaya’t tumigil na ang balintataw sa pagpapakita ng mga wangis ng sinaunang diwata at etherian.
Itananong naman ng mga sanggre kung bakit ni minsan ay hindi naikwento ito sa kanila kahit noon sila ay bata pa. “Sapagkat labis na nasaktan si Cassiopeia sa ginawa ng kanyang kapatid na ninais niya na huwag na ipagpatuloy ang digmaan laban sa mga etherian. Sa kadahilanang iyon ay mas minarapat ni Evades na burahin ang alaala ng lahat paukol kay Demiera”
“Kung gayon ay paano mo naalala ang tungkol sa kanya?” tanong ni Azulan
“Dahil isa ako sa mga lumikha ng encantasyon upang malimot at makulong si Demiera” dadag ng matandang adamyan “Masakit man sa akin na ipatapon ang isa sa mga kinilala kong anak-anakan, ay kailangan itong gawin para sa encantadia”
Nagkatinginan ang lahat, mas lalo lamang dumami ang tanong ng mga sanggre sa kanilang utak, paano nila tatalunin ang isang sinaunang encantada? Gayon lalo lamang nalakas ang isang diwata habang ito ay natanda; ano ang nais makuha ni Demiera sa kanila? Kaharian? Brilyante? Ano nga ba talaga?
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...