“Danaya sa likod mo!” sigaw ni Alena kasabay nito ay ibinato ng Hara ang kanyang sandata na siyang pumatay sa vedalje na kamuntik nang masaksak si Danaya.
Kinuha ni Danaya ang agos na nakatuhog parin sa kalaban, at iniabot ito sa kanyang apwe “Avisala Eshma”
“Sa tingin ko’y panahon na upang tayong umusad” wika ni Danaya, na inilabas ang kanyang brilyante. Tumigil sa pagsugod ang mga vedalje nang maramdaman nilang unti-unting naninigas ang kanilang katawan.
Hindi tumagal ay binalot ng putik ang kanilang mga katawan na di kalauna’y tumigas at naging bato. Nang makasigurado ang mga sanggre na wala nang vedalje maari pang humarang sa kanila ay tumungo na sila sa palasyo.
Ginamit nila ang kanilang evictus kung kaya’t mabilis silang dumating sa bungad ng palasyo “Mukhang napasok na nila Ybarro ang palasyo” wika ng hara na tumingin sa kanyang kapatid.
“Siyang tunay. Ngunit nasaan na ang hanay nila Aquil?” tumingin sa paligid si Danaya, ngunit wala siyang nakitang bakas ng asawa.
May lumapit na kawal sapiryan sa magkapatid at iniulat na kailangan nila ng tulong tumingin si Alena sa kapatid at sinabing “Kaya nila Aquil ang kanilang sarili kung kaya’t tayo na”
Nais man niya hanapin ang asawa ay sumunod nalamang siya sa kapatid na hara papasok ng palasyo.
*
*
*
Muling binaril ni Azulan ang Abhor sa mukha nito, at sa wakas ay nasugatan niya na ito sa mata. “Aquil! Esta Sectu” sigaw niya habang ikinakasa ang kanyang sandata.
Binato ng mga kawal ang mga lubid na hawak sa abhor upang ito ay igapos, maswerte naman na imikot ito sa mga bisig ng pashneya “pagbilang ko ng kaskil! Sabay-sabay niyo hilahin ang mga lubid” sigaw ni Azulan.
“Iri! Due! Kaskil! Aquil ngayon na!” mula nga sa isang mataas na tumpok ng yelo ay tumalon si Aquil na lumapag sa likod ng higanteng pashneya. Nang maramdaman ito ng Abhor ay nagpumiglas ito “Hila!” sigaw ni Azulan nang magsimulang magpumiglas ang pashneya.
Sa paghilang ito ng mga lubid ay nawala ang balanse ng Abhor kung kaya’t kinuha itong pagkakataon ng mga diwata upang patirin ang pashneya, na ikinadapa nito. “isang matiwasay na paglalakbay patungong balaak” sigaw ni Aquil na kumuha ng bwelo upang itarak ang kanyang sandata sa batok ng pashneya.
Umugong sa lugar ang malakas na angal ng pashenya. Nagwala pa ito kung kaya’t lalo ibinaon ni Aquil ang sandata niya batok nito. Hanggang sa unti-unti na itong bawian ng buhay at bumagsak sa lupa na nagdulot ng malakas na pagyanig.
“Aquil!” tumakbo si Azulan patungo sa kinaroroonan ng kaibigan. “Ayos ka lamang ba?” tanong niya sa mashna na tila hapong-hapo.
“Avisala Eshma sa iyong plano azulan” sabi ng mashna na inaalalayan ni Azulan na tumayo. Kinuha niya ang kanyang Sandata mula sa batok ng pashneya at itinaas ito “Ivo live Encantadia!” sigaw ng mashna, na sinundan ng lahat.
“Tayo nang tumulong sa iba pa nating kaanib” wika ni Aquil na ikinatuwa naman ni Azulan.
Sinimulan na nilang maglakbay patungo sa gitna ng isla upang tumulong sa hanay nila Ybrahim, at maari rin naandon na ang hanay nila Danaya.
***
Naglalakbay sila Cahira, Linay at Galen mula sa batis kung saan nilabhan ng kababaihan ang mga damit nila. Pinatigil ni Galen ang dalawa nang makarinig ito ng kaluskos “Anong problema aldo?” tanong ng paslit.
Itinapat ni Galen ang hintuturo nito sa kanyang labi, pagsenyas sa paslit na manahimik. Ngunit huli na ang lahat sapagkat dumating na ang mga kawal etherian sa kanilang harapan.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...