Nagpalit narin si Pirena ng gayak pandigma bago sila muling bumalik sa palasyo ng Lireo. Sa kanialng pagdating doon naghiwalay sila ni Danaya upang mas mapabilis ang kanilang paghahanap sa kanilang apwe na si Alena.
Si Pirena ay nagpanggap muling kawal samantalang si Danaya ay nagpanggap bilang isang napakaliit na pashneyang lumilipad. Nilibot nila muli ang mga piitan at silid upang maghanap ng ano mang bagay na makakapagsabi kung saan nakatago ang kanilang kapatid.
Dumadapo sa mga poste si Danaya kapag nakaka salubong ng mga kawal, ngunit ngayon na siya ay lumilipad, at nakita ang mashna ni Demiera na padating, wala siyang nagawa kung hindi pumasok sa maliit na butas ng isang pinto.
Pagpasok niya sa silid, kadiliman ang sumalubong sa kanya, nagpatuloy siya sa paglipad, kahit na maari na siyang mag-anyong tao. Sa kanyang paglibot sa silid, nakarinig siya ng kaluskos kaya naman nagtungo kaagad siya sa pinanggalingan nito at kanyang nakita si Lilasari na nakagapos, at kasama nito si Nunong imaw.
Sinigurado ni Danaya na walang sino man ang naroon sa silid bukod sa kanilang tatlo bago siya nag-anyong tao "Lilasari" pagtawag niya dito. tumingala ang sapiryan at kanya agad nakilala ang sanggre.
"Sanggre Danaya! Buhay ka!" kaagad lumapit si Danaya upang kalagan sa pagkakagapos si Lilasari at nunong imaw, gamit ang brilyante ng lupa "Akala namin tulad ni Sanggre Pirena, ikaw ay namayapa na"
"Mahabang salaysayin tsaka ko na ito sasabihin. Ngunit may nais ako malaman" napansin niya ang balintataw na hawak ni Imaw. "nuno, maari mo bang gamitin ang balintataw upang malaman kung nasaan si Alena?"
Tumango ang adamyan at inutusan ang kanyang balintataw. Ipinakita nito ang isang kweba, na minsan na nilang natunton ni Alena, doon nakita niyang nakahimlay si Alena na balot ng yelo "Alena!" halos maluha-luha si Danaya nang makita ang kalagayan ng kanyang apwe. "Pashneya ka Demiera" galit na turan niya.
Ibinaba na ni Imaw ang balintataw, at nagpasalamat na si Danaya dito. humarap ang sanggre kay Lilasari "Kaya mo pa bang gumamit ng evictus?" tumango ang sapiryan sa sinabing ito ng sanggre "Mabuti. Nais kong mag evictus kayo ni Nunong imaw paalis dito sa Lireo at magtungo sa Hathoria. Mas makakatiyak ako sa kaligtasan ninyo ni Imaw kung naandoon kayo"
"Masusunod sanggre danaya" hinawakan ni Lilasari sa balikat si Imaw at sila ay nag-evictus na paalis. Tumingin naman sa paligid ni Danaya at nag-evictus na upang hanapin ang kanyang apwe, nang mailigtas na nila si Alena.
*
*
*
Kasalukyang hindi makita si Adamus at Serena buhat nang malaman nila ang mga bagay-bagay paukol sa kanilang mga magulang. Si Azulan na nakita ni Serena na may kasamang iba, at si Alena na hanggang ngayon ay hindi parin nakikita.
Matagal nahiwalay ang mga diwani sa mga magulang, at lubos silang nanabik, ngunit hindi nila naisip na habang patagal ng patagal ang kanilang pamamalagi sa mundo ng mga tao, patuloy ang buhay ng kanilang mga naiwan sa encantadia.
Kanina pa naglilibot sa hathoria si Azulan, at sa wakas, nakita na niya si Serena na nakaupo sa hardin na ipinagawa ni pirena noon para sa kanila ni Mira.
"Maari ba kitang makausap?" bungad ni Azulan sa anak. Siya ay natayo lamang sa may lagusan patungo sa hardin, at nakatanaw sa anak na nakatalikod sa kanya.
"Nais ko mapag-isa ado" hindi man lamang nilingon ni Serena ang kanyang ado, sapagkat hindi niya pa nais harapin ito.
"Poltre Serena kung ikaw ay aking nasaktan sa iyong nakita. Maniwala ka sa akin hindi ko-"
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...