Kabanata XLIX: Sirang pagtingin

316 19 18
                                    


Nakaupo sa kanyang trono si Demiera nang dumating si Dilon at ang ilan pang kawal Isolde. Nagbigay pugay ang mga ito at tsaka iniulat ang kanilang mga napag-alaman sa kanilang pagmamatiyag sa Hathoria.

"Kasalakuyan na mayroong kasiyahan sa Hathoria, ang aming narinig ay nagbalik na ang mga sanggre" sa narinig na iyon nila Dilon sa mga kawal na nagbabantay sa bungad ng hathoria, inakala nilang tanging si Alena at Danaya lamang ang nagbalik, sapagkat kasunot ito ng pagkawala ng dalawang sanggre sa kanilang piitan.

"Kung gayon nakabalik na nga si Danaya at Alena sa kanilang kampo. Maghanda kayo, lulusob tayo bago pa man magkaroon ng lakas ng loob ang mga diwata na sugudin at kalabanin tayo" nagbigay pugay na muli si Dilon at umalis.

Nang mag-isa na sa punong bulwagan si Demiera, sinamo niya ang pashneyang alaga, at inutusan itong magmatiyag sa Hathoria.

*

*

*

Naglalakad pabalik ng bulwagan sila Pirena at Azulan nang makita ng punajabwe na naglalakad si Eara sa isang pasilyo. Nagpaalam siya kay Pirena upang kausapin na ang prinsesa ng mga punjabwe para linawin na kung ano man ang namamagitan sa kanilang dalawa.

"Eara" pagtawag pansin niya dito, ngunit hindi tumingin si Eara, nagpatuloy lamang ito sa paglalakad "Eara!" paulit na tawag ni Azulan dito "Sandali lamang" tumigil si Eara, kaya siya ay naabutan na ni Azulan.

Pagharap niya ay bigla niyang sinampal si Azulan, na ikinagulat ng encantado "Para yan sa lahat ng sakit na idinulot mo sa akin"

"Eara" masakit man ang mukha niya, mas nasaktan si Azulan nang makitang umiiyak ang kaibigan. Hindi niya kailanman ninais na masaktan ito sapagkat mula pa man noong pagkabata, ay kapatid na ang turing nito kay Eara.

"Simula palamang noon tayo'y mga paslit ikaw na ang aking nais makasama. Hindi ako umibig sa kahit sino man, hindi ako namili ng mapapangasawa kahit noong mawala ang aking aldo. Dahil naghihintay ako sa iyong pagbabalik!" pinukpok siya sa dibdib si Azulan "Pero anong ginawa mo? Hindi ka bumalik! Nagpakasal ka kay Pirena"

"Poltre Eara"

"Ano pang magagawa ng paghingi mo ng tawad, gayong lubog na lubog na ako sa pagmamahal sa iyo" umiiyak na sagot ni Eara. Hindi malaman ni Azulan kung ano ang dapat niyang sabihin, lalo na sa pangyayaring ito.

"Eara... si Pirena..." tumuwid ang tindig ni Eara at pinahid ang kanyang luha.

"Si Pirena na naman ang iyong iniisip. Na ano... baka masaktan siya? Na baka lumayo siya sa iyo? Azulan ano bang mayroon ang diwata na iyon at siya nalamang ang iyong iniisip sa bawat kilos na iyong gawin?"

"Asawa ko siya, at mahal ko siya"

"At ako? ano ako sa buhay mo?" pinagmasdan ni Eara ang mukha ng punjabwe, at doon nakita niya ang sagot sa kanyang tanong "Ni minsan ba ay minahal mo ako?"

"Eara" hinawakan ni Azulan ang kanyang magkabilang balikat "mahal kita, maniwala ka. Ngunit hindi ito tulad ng iyong ninanais. Sapagkat noon pa man ay kapatid ang aking tu-" sinampal muli siya ni Eara

"Kaptid... may kapatid bang pumayag kang pakasalan!?" sa sinabing ito ni Eara, naalala ni Azulan ang panahon kung saan sinabihan siya ng ama nila Manik at kanyang ama na siya ang nais nitong mapangasawa si Eara. Nais mang humindi ni Azulan sapagkat kailanman hindi niya pinangarap sa isang babaeng hindi niya ginugusto. Alam niyang wala na siyang magagawa pa sa desisyon ng kanyang ado at ng hari.

"hindi ko ginusto ang kasunduan iyon"

"Kaya umalis ka? Kaya ba ginawang dahilan yung pagsugod sa punjabwe para takasan ang responsibilidad mo? Azulan hinintay kitang tuparin ang kasunduan, ngunit ang tanging nagbalik sa akin ay ang balitang nakipag-isang dibdib ka sa Hara ng Hathoria.

Noong siya ay mawala, umasa ako na baka ito na ang panahon upang ako ay iyong mahalin... pero siya parin yung iniisip mo. Hanggang noong may nangyari sa atin, akala iyon na ang simula ng buhay nating magkasama. Pero bakit ba bumalik pa muli yan diwata na iyan! Sana ay tuluyan nalamang siyang namayapa!"

"Ssheda Eara! Huwag na huwag mong hihilingin ang bagay na iyan" napahawak ng mahigpit si Azulan sa balikat ni Eara.

"Sige saktan mo ako" matapang na sabi ni Eara "hindi naman ako katulad ng iyong asawa na kayang ipagtanggol ang sarili. Umaasa lamang naman ako sa iba para iligtas ako sapagkat isa akong mahinang babae"

Binitawan ni Azulan ang prinsesa "Wag mong isipin na ikaw ay mahina, at lalong wag mong mamaliitin ang iyong sarili"

"totoo naman hindi ba? Kumapara sa reynang iyong iniibig kay liit ng aking katayuan. Isa siyang sang'gre, isang hara' isang reyna ng encantadia. At ako? isang prinsesa ng isang nasirang tribo"

"Ssheda Eara. Wag mo nang maliitin ang iyong sarili" niyapos niya ang umiiyak na si Eara "sa tuwing ginagawa mo iyan ay hindi lamang sarili mo ang iyong sinasaktan, maging ako. mahalaga ka sa akin Eara, hindi man ikaw ang aking piliin, mahalaga ka prin sa akin sapagkat kayo ni Malik ay itinuring ko nang pamilya at matatalik na kaibigan." Bumitaw sa yakap si eara, at humalik kay Azulan.

Sumakto naman na dumaan si Pirena na kasama ang kanilang mga anak upang magtungo na sa kanilang silid. Halos madurog ang puso ni Pirena nang makita ang itsura ni Azulan at Eara.

Ang ngiting kanina ay kitang-kita sa kanyang mukha ay napaltan ng sakit at lungkot "Ama" narinig nalamang niyang sabi ni Serena. Kaagad napalingon sa kanilan si Azulan, na gulat na gulat na makita silang tatlo na nakatayo sa dulo ng pasilyo.

"Poltre" bumitiw si Pirena sa pagkakaakbay sa kanyang mga anak at mabilis na umalis. Kaagad naman siya sinundan ni Azulan, na lumagpas nalamang sa kanyang mga anak.

"Pirena! Saglit lamang!" paghabol niya sa asawa "Pirena pakiusap pakinggan mo ako!"

"Sapat na ang aking nakita" wika ni Pirena na patuloy lamang sa paglalakad. Kaya tumakbo na si Azulan upang maabutan ang sanggre.

"Pakinggan mo muna ang aking paliwanag" wika ni Azulan na naabutan na si Pirena at kasalukuyang pinipigil sa paglalakad ang asawa.

"Sabihin mo nga sa akin azulan" tumigil na si Pirena sa paglalakad at kasalukyang kaharap nito ang asawa "ano ba talaga ang totoo? Akala ko ba ay tatapusin mo na lahat kay Eara... ano iyon? Ano ang aking nakita?"

"Pirena maniwala ka hindi ko alam na gagawin iyon ni Eara"

Natawa Pirena sa dahilan ni Azulan "wag mo na kong lokohin Azulan. Dahil naiintindihan ko na lahat. Ilang taong akong wala, madaming nangyari, madaming nagbago. Kaya wag mo na pilitin pang ibalik ang damdamin mo para sa akin... dahil pinapalaya na kita bilang aking asawa" nagsimula na muling maglakad si Pirena ngunit muli pinigil siya ni Azulan.

"Hindi... pakiusap Pirena, huwag mong tapusin ang ating pagsasama... totoo ang aking sinasabi! Mahal kita! Ikaw ang aking pinipili" mangiyak-ngiyak na sabi ni Azulan.

"hindi iyon ang aking nakikita Azulan. Aminin mo man o hindi, mayroon pagmamahal diyan sa puso mo para sa punajabwe na iyon." Pagduro ni Pirena sa dibdib ng asawa "Ayusin mo muna ang iyong sarili, bago mo ako kausapin muli" tuluyan nang umalis si Pirena, kaya naiwan si Azulan doon na nakatayo at hindi makapaniwala sa sinabi ng kanyang asawa.

Napakamot sa kanyang ulo si Azulan, sapagkat hindi na niya alam kung ano pa ang nararapat na gawin. Hindi niya nais masaktan si Eara, pero alam niya sa kanyang puso si Pirena ang nais niyang makasama at mahalin habambuhay.

Ngunit hindi ito makita ni Pirena, sapagkat lubos itong nasaskatan sa kanyang mga nakikita, sa mga nasisilayan.

"Ado Azulan!" napatakbo si Mira at Serena sa kanilang ama, "Anong nangyari?" tanong ni Mira.

Napasandal si Azulan sa pader at napaupo nalamang "Wala na" narinig nila Mira at Serena ang sinabi nito pero kanila itong ipinaulit sapagkat kung tama man ang kanilang iniisip na ibig sabihin nito, hindi na nila alam ang gagawin "nais na niyang tapusin ang lahat"

Natakot sila Mira sa narinig, ang pamilya nila ang kanilang pundasyon, paano nalamang kung iyon ang gumiba? Ano nalamang ang kanilang gagawin? 

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon