Ginagawa ni Liway ang kanyang trabaho sa palasyo ng bigla siyang higitin ni Alipato mula sa likod ng isang malaking poste ng lireo. Sisigaw na sana si Liway kung hindi lang niya nakita kaagad si Alipato malamang nakuha na nila ang atensyon ng mga kawal.
"Ano ba naman kasi!" inis na sabi ni Liway na tinanggal ang kamay ni Alipato na nakatakip sa bibig niya "Bakit ka ba kasi nanghihila bigla?!"
"Kailangan tayo ni Hara" kaagad nakuha nito ang atensyon ni Liway "Nakulong siya sa isang silid at kailangan niya makalabas" sabi ni Alipato na tumitingin-tingin sa paligid.
"Paano natin siya tutulungan?" tanong ni Liway dito.
"Alam mo baa ng daan patungo sa silid ng hara?" tanong nito sa diwata na siyang tumango sa tanong nito. Sila ay nag-evictus patungo sa silid ni Demiera.
Lumitaw sila sa pasilyo malapit sa silid, ngunit nang makita nilang pumasok ang mashna ni Demiera sa silid, kaagad nagtago ang dalawa sa likod ng isang poste.
"Napakalaking pakinabang talaga ng mga poste dito sa Lireo" wika ni Liway sa gabay-diwa na sumang-ayon sa kanya.
Tinignan nalamang siya ni Alipato na halatang nainis sa pagkadaldal niya. Sapagkat marinig lamang silang dalawa ng kahit sino malamang ay lalo nilang hindi matulungan si Pirena.
Pinagmisdan nila kung ano ang gagawin nila Demiera at ng kanyang mga mashna, tumayo sila sa harap ng isang pader, at naghanda ang mga mashna upang sumugod nang buksan ni Demiera nag pader.
Pero wala, wala silang nakitang kakaiba. Pinapasok ni Demiera ang mga ito, ngunit hindi pa man nagtatagal lumabas na ang mga ito "Walang ibang nilalang dito hara" wika ng mga ito.
Nagkatinginan si Alipato at Liway "Nakaalis na siya" humawak kaagad si Liway sa gabay-diwa at kaagad silang nag-evictus palayo.
*
*
*
Kasalukuyang nagpupulong ang kunseho ng hathoria. Pinag-usapan nila ang pagpapadala kay hitano upang magmanman sa Lireo, at alamin kung sila ang may kagagawan sa pagkawala ng brilyante ni Pirena.
Galit na galit si Azulan nang malaman hinyaan nilang makaalis ang encantadong kumuha sa kaisa-isang alaala ng kanyang namayapang asawa "Paano makukuha basta-basta ang brilyante? Gayong ang sabi ng gabay diwa nito ay ang susunod na tagapangalaga lamang ang makakakuha ng brilyante ng apoy" tanong ni Eara.
"Matagal nang walang na ngangalaga sa brilyante, maaring mabilis nitong kinilala ang kumuha, o ang susunod na tagapangalaga ay hindi natin kaanib" wika ni Likban.
"Paano nakapasok sa Hathoria, at sa kamara ang encantado?" madiing tanong ni Azulan sa mga mashana "Wala man lamang kayong napansing kakaiba?!"
"Ang pananggalang!" napatingin ang lahat kay muros na nakatayo sa likod ni Aquil "Kanina, may isang encantadang pumasok sa Hathoria kasabay ng mga mangangalakal at magsasaka. Nang siya ay pumasok ay nag-iba ang liwanag ng pananggalang"
"Bakit hindi mo kaagad ito pinansin, at hinintay mo pang mawala ang brilyante" tanong ni Azulan,na batid ng lahat ang galit.
"Poltre mahal na hari"
"Anong magagawa ng paghingi mo ng tawad?!" sigaw ni Azulan na napatayo na sa galit.
"Azulan! Huminahon ka!" pagsaway ni Ybrahim dito.
"huminahon?! Paano ko iyon gagawin? Kung ang kaisa-isang pag-asa natin mapabagsak si Demiera at ang kaisa-isang alaala na naiwan sa akin ni Pirena ay nawala pa?!"
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...