A/N ang kabanata na ito ay mahahati sa dalawang parte... kaya eto na ang una :)
Nang makita nilang nawala si Demiera, kaagad tumakbo si Pirena patungo kay Alena na nakaupo parin sa sahig at inaalalayan ni Mira. "Apwe poltre, ngunit kinailangan kong gawin iyon upang mawala lahat ng bahid ng kapangyarihan ni demiera sa iyong dugo" paliwanag ni Pirena.
"naiintindihan ko apwe" ngumiti si Alena "Avisala eshma" hinawakan ni Alena ang kamay ng panganay niyang kapatid. Hinalikan naman ito ni Pirena, na masayang nagising na ang kapatid.
"Bitawan mo ang akin yna!" napalingon sila sa nagsalita. Nakita nila si Adamus na kasama si Azulan. Mabilis na nagtungo si Adamus sa tabi ng kanyang yna at itinulak palayo ang kanyang ashti pirena dahilan upang bumagsak ito sa lupa at mapahiyaw sa sakit dulot ng mga sugat nito.
"Adamus!" sabay sabay na sabi ni Mira, Lira at Danaya na kapwa nabigla sa ginawa ng diwani. Hindi sila pinansin ng diwani bagkus si alena lamang ang kinausap nito. Maging si Mira at lira ay ipinalayo nito sa kanyang yna.
"Pirena" mabilis na tumakbo si Azulan sa tabi ng iniibig. "mahal ko ayos lamang ba?" Kanyang nakita ang mga sugat ni Pirena "Ang lalim ng iyong mga sugat! Danaya maari ba?"
Kaagad tumango ang sanggre at inilabas ang kanyang brilyante. Hindi nagtagal gumaling ang mga sugat ni Pirena at itinago na ni Danaya ang kanyang brilyante. Itinuon niya ang pansin sa hadia na si Adamus, "At bakit mo ginawa iyon sa iyong ashti?" tanong ni Danaya.
"nararapat lamang iyon sa kanya sapagkat sinaktan niya ang aking yna"
"Ssheda anak" pag-awat ni Alena "Wag mo pagsalitaan ng ganyan ang iyong mga ashti. Humingin ka ng patawad sa kanila sapagkat sila ang nagligtas sa akin. Kung hindi iyon ginawa ni Pirena, ako pa mismo ang magdudulot ng kasawian sa inyong lahat" paliwanag ni Alena. Bigla naman nahiya si Adamus dahil sa kanyang mga nagawa at nasabi.
"poltre" halos maluha na si Adamus sapagkat napagtanto niya na tama ang sinabi ni Serena- na madalas siyang magpadalos-dalos "ashti patawarin mo ako" wika ni Adamus na tumingin sa kanyang ashti pirena na nakaupo parin sa sahig tulad ng kanyang yna.
"Naiintindihan ko adamus. Siguro nga nasa dugo natin ang mainitin ang ulo" nakangiting wika ni Pirena. Tumingin siya kay Azulan at danaya "Kailangan na natin kumilos upang hanapin si Demiera" sumang-ayon naman dito si Danaya, kaya tinulungan na nila ni Azulan na tumayo ang panganay na sanggre.
Pumusisyon na ang magkapatid, ngunit napansin ni Pirena na hindi kumilos si Azulan "hindi ka ba sasama?" tanong nito sa katipan.
"mas makakabuti siguro kung maghiwalay tayo... upang mas mapabilis ang pagbawi natin sa Lireo. At para narin may kasama sila alena" tumango si Pirena sa sinabi ng punjabwe. Tumingin ang hara ng hathoria sa kanyang anak at hadia, upang isama sila sa paghahanap kay Demiera. Hindi nagtagal sabay-sabay nag evictus ang apat, kanilang iniwan si Alena, Adamus at Azulan na magkakasama.
"Kailangan narin natin kumilos, tayo na" tinulungan ni Adamus na tumayo ang yna at sila ay agad na umalis, hindi nila namalayan na hindi sumama si Azulan.
"Mas makakabuti na lumayo na ako dito, para sa kaligtasan mo mahal kong reyna" wika ni Azulan na tumingin sa mga bituin sa langit. Kaagad niyang tinungo ang daan palabas ng lireo. Kailangan niyang makalayo sa kinaroroonan ng asawa sapagkat hindi niya nais maisakatuparan ang propesiya ni Rosas.
*
*
*
Lumitaw sa madalim na parte ng kagubatan si Demiera, puno ng sugat at masakit ang katawan "Kung hawak ko lang sana ang hiyas na walang kupas... papatayin ko na kayo mga sanggre" galit na wika niya habang pilit tinutuunan ang kanyang mga sugat upang tumigil ito sa pagdudugo "Pashneya hindi maaring ito ang aking katapusan"
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...