Kabanata XXXVI: Pagbagsak ng Lireo

244 17 6
                                    

Pagdating nila Pirena at Ybrahim ay kaagad nilang nakita ang mga kawal na nakahandusay at wala nang buhay, "Sana ay hindi pa tayo nahuli" wika ni Pirena.

Narinig nila ang pagsigaw ni Cassandra kung kaya't kaagad sila nag tungo sa pinanggalingan nito.

Pagdating nila sa punong bulwagan ng Sapiro, nakita nila si Lira na nakahandusay at walang malay "Lira" lumapit kaagad dito ang hara ng hathoria habang hinarap ni Ybrahim si Cassiopeia.

"Bitawan mo ang aking apo" babala ni Ybrahim sa hara durie. Ngunit hindi siya pinakinggan nito, sa halip ay inilapit ni Cassiopeia ang kabilan sa leeg ng paslit.

Kaya bago pa man nito masaktan si Cassandra ay nag evictus si Pirena sa likod nito at sinugatan ang bathaluman. Gumana naman ang ginawa ng sanggre sapagkat nabitawan ni Cassiopiea ang diwani, na kaagad tumakbo patungo sa kanyang ilo.

"Pashneya!" at nagpasiklaban nga ng kapangyarihan si Pirena at Cassiopeia. Muling gumamit ng evictus si Pirena upang tumabi kila Ybrahim.

Hindi nagtagal ay gumising na si Lira, "Ilayo mo na dito si Cassandra, lira. Magtungo na kayo sa Hathoria" mahinang utos ng rama sa kanyang anak.

Tumango si Lira at tumayo, mahina pa man siya ay ginawa niya ang ipinag-uutos ni Ybrahim. Hinawakan niya si Cassandra at nagsimula nang maglakbay patungo sa Hathoria.

"Tanakreshna!" wika ni Cassiopeia nang makitang inilayo na ni Lira ang diwani. Kaya nang sundan niya ang mga ito ay siya naman sunod sa kanya nila Pirena.

Sa kalagitnaan ng pag-eevictus ni Cassiopeia ay hinataw siya ni Pirena ng dulo ng kanyang sandata kaya naman napatigil at bumagsak sa lupa si Cassiopeia.

"Hindi ka magtatagumpay Bathaluman" nakatalikod ang sinaunang diwata kay Pirena at nang bigla itong humarap ay pinatamaan niya si Pirena nang kapanyarihan.

Ngunit nakita ito ng rama kaya sinalag niya ang dapat sana kay Pirena, tumalsik ang dalawa, sabay silang bumagsak sa lupa, ngunit nawalan ng malay si Ybrahim.

"Ybrahim!" pag ugoy ni Pirena sa rama na nakapatong sa kanya. Ngunit hindi ito nagising kaya mahina niyang itinulak ito sa tabi at tumayo. Nakita niyang tulad niya ay tumatayo narin si Cassiopeia upang sundan sila Lira.

"Hindi mo mahahawakan pang muli si Cassandra, o sino man sa mga diwani habang ako'y nabubuhay" wika ni Pirena.

Tumingin si Cassiopiea sa sa kanya narinig nito sa kanyang utak ang utos ni Demiera, patayin lahat ng humadlang sa iyong misyon pauulit-ulit ito sa kanyang isipan kaya naman inihanda niya ang kabilan at sumugod kay Pirena.

Nagpatagisan sila ng galing sa paghawak ng sandata, bagamat pareho na nilang nasugatan ang isa't-isa walang sino man sa kanilang dalawa ang nais sumuko.

Sa huli ay napabagsak ni Pirena si Cassiopeia sa pamamagitan ng isang encantasyon. Tinanggal niya ang init sa katawan nito na tanging babalik lamang kapag nawalan na ng bisa ang lason sa kanyang katawan.

Lumapit si Pirena sa rama na hanggang ngayon ay wala paring malay. Hinawakan niya ito sa pisngi at mahinang sinampal habang sinasambit ang ngalan nito.

"Rama!... Ybrahim!" unti-unting dumilat ang sapiryan, na nakatitig lamang sa mukha ni Pirena.

"Si Cassandra?" mahinang sabi nito.

"Nakalayo na sila ni Lira, bumangon ka at kailangan pa ng iba ang ating tulong" wika ni Pirena na inalalayan ang rama upang makaupo.

*

*

*

Dinatnan ni Danaya sa bungad ng Lireo ang mga kawal na wala nang buhay, kaya kaagad niyang naisip ang kanyang mga kapatid.

Pagpasok palamang niya sa palasyo ay kay dami nang vedalje ang bumungad sa kanya. maigi nalamang at dumating si Muros at tinulungan siya puksain ang mga ito.

"Nasaan si Alena?" tanong niya matapos nilang mapaslang lahat ng sumugod sa kanila.

"Huli naming siyang nakita ay patungo siya sa punong bulwagan" tumango si Danaya at tumakbo patungo sa bulwagan.

Tama nga ang ulat ni Muros, nandoon si Alena kalaban si Demiera. Naka higa sa sahig si Alena, na mistulang wala nang buhay. Kaya kaagad siyang nag evictus nang makita na aatake si demiera sa walang laban na apwe.

Sila ang naglaban ni Demiera, kanya-kanyang atake hangga't isa ang bumagsak, ngunit sa kasamaang palad si Danaya ang natalo.

Hindi niya alam kung paano nagagawa ni Demiera na maghilom kaagad, ilang Segundo matapos masugatan, na para bang taglay nito ang kapangyarihan ng brilyante ng lupa.

"Akin na ang Lireo!" sasaksakin na sana ni Demiera ang dalawang sanggre, na parehong walang malay na nakahiga sa sahig nang dumating si Pirena at binato siya ng boalng apoy.

Kaagad itinakas ni Pirena ang kanyang mga apwe; sila ay gumamit ng evictus hanggang sa bungad ng Lireo, kung saan walang vedalje.

"Hara" tawag sa kanya ni Muros nang makita siya nito mula sa di kalayuan.

Kasama ng mashna si Aquil at Hitano, na kaagad lumapit sa kinaroroonan ni Pirena. Tumakbo kaagad si Aquil patungo sa asawa habang si Muros ay tumabi sa hara.

"Anong nangyari sa kanila?" tanong ni Aquil sa hara ng hathoria.

"Nang dumating ako sa punong bulwagan ay ganyan na ang kanilang kalagayan. Natalo na sila ni Demiera" paliwanag ni Pirena

"Kung ay..." tumingin si Muros sa hara ng Hathoria.

"Ikinakatakot kong sabihin na muli na namang bumagsak ang Lireo" nanghihinang sambit ni Pirena.

"Mahabaging emre" wika ni Aquil "Ang brilyante ni sanggre amihan?" bigla nalamang niya naitanong.

Ibinuka ni Pirena ang kanyang palad at doon sabay na lumabas ang brilyante ng hangin at Apoy.

"Kailangan na natin umalis dito" kaagad isinara ni Pirena ang palad matapos marinig na magsalita ang mashna.

"May natitira pa bang encantado dito?"

"Nailikas na naming ang iba kanina Hara, at ngayon kasalukuyang naglalakbay sila abog at ilan pang nakaligtas"

"Mabuti, humawak kayo sa akin" hawak ni Aquil at Muros ang kamay ng dalawa pang sanggre bago sila kumapit sa kamay ni Pirena, habang si Hitano ay sa balikat ng hara humawak.

*

*

*

Pagdating nila sa Hathoria ay kaagad inutusan ni Pirena ang mga babaylan na daluhan ang kanyang mga kapatid; pumasok naman sa silid si Azulan at kaagad lumapit sa asawa.

"Pirena anong nangyari?" tanong nito.

Yumuko si Pirena, at tumingin sa kanyang kabiyak. Ngunit napansin niya ang iba pang tagapangalaga na pumasok sa silid.

"Ashti, ano pong nangyari? Bakit nagkaganun sila Ashti Danaya?" tanongn ni Lira.

"Ikinalulungkot kong ibalita, ngunit muli na namang bumagsak ang Lireo sa kamay ng ating mga kalaban" malungkot na sabi ng Hara ng Hathoria.

"Ashti! Masamang biro yan!" wika ni Lira "Wag ka naman mag biro nang ganyan"

"Sana nga ay nagbibiro ako Lira. Ngunit iyon ang totoo"

Nawala ang emosyon sa mga mukha ng lahat ng nasa silid matapos magsalita ni Pirena "Ano ang ating susunod na hakbang?" tanong ni Mira.

"Kailangan natin pagtibayin ang pagbabantay dito sa ating Kaharian. Ngunit kakailanganin ko ang tulong ng aking mga apwe. Sana nga lang ay magising na silang dalawa" nagkatingin sila si Mira, Lira, Aquil, Muros, Hitano at Azulan sa sinabi ng hara.

"Gabayan nawa kami Emre" bulong ni Pirena sa sarili

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon