Nang makarating kay Demiera ang balitang pinakawalan si Cassiopeia, kaagad niyang isinagawa ang planong pag-atake sa Lireo. At ngayon nakatago at napapaligiran na nila ang kaharian ng mga diwata.
"Mahal na reyna" bati ni Dilon na kadarating lamang sa pwesto ni Demiera "Handa na ang lagusan na gagamitin ng ating mga kawal"
Ngumiti naman kaagad si Demiera at sinabing susugod sila sa kanyang hudyat.
Nagbigay pugay si Dilon at bumalik sa kanyang hanay "Simula na ng pagbagsak ng iyong mga pinapanigan Evades... simula na ng aking pamumuno"
*
*
*
Iniwan ni Pirena sa Hathoria ang kanyang mga anak, habang sila ni Azulan ay sumaglit sa Lireo upang dumalo sa pagpupulong na ipipatawag ng reyna.
Habang sila ay gumagamit ng evictus, napansin ni Pirena na parang may kakaiba sa paligid; kung kaya't sila ay tumigil.
Malapit na sila sa pananggalang ng Lireo, ngunit dahil balot ng nyebe ang kapaligiran hindi mabatid ni Pirena kung ano ang iba sa kanyang paningin.
"Anong problema pirena?" tanong ni Azulan sa asawa. Tumingin lamang sa paligid si Pirena, ngunit wala siyang nakita.
"Wala, akala ko lamang ay may nakita ako. Tayo na" hinawakan na muli ni Azulan ang kamay ng asawa at sila'y nag-evictus.
Matapos maglaho ng mag-asawa ay lumabas na sa pinagtataguan ang mga kawal ni Demiera,tumingin sila paligid upang siguraduhin na wala na ang hara ng hathoria.
"Sinasabi ko na nga ba!" sigaw ni Pirena at sinuntok ang isa sa mga kawal Isolde. Dahil wala siyang dalang sandata ay kinuha niya ang espada ng kawal at itinarak ito dito.
Ganoon rin ang ginawa ni Azulan, isa-isa nilang kinalaban ang mga kawal, habang siya ay nakikipaglaban sa kanluran parte ng gubat na kinaroroonan nila napatingin siya sa asawa.
Nakita niya kung paano ito makipaglaban kahit na hindi ito naka gayak pandigma. Balewala ang haba ng bestidang suot, ganoon parin makipaglaban ang asawa, kaya naman lalo siyang namangha sa galing ni Pirena.
"Madami sila Pirena" wika ni Azulan na ngayon ay katalikuran ng asawa.
"Sumusuko ka na ba?" panghahamon ni Pirena sa asawa.
"Baka ikaw ang napapagod, lalo na't nakabestida ka pa ngayon" natatawang tanong ni Azulan sa asawa. Hindi na nakasagot pa si Pirena dahil sumugod na muli ang mga kawal sa kanila.
Hindi nagtagal na paslang na nila ang mga kawal na kalaban. Tinignan nila ang paligid at naghanap pa ng kalaban. Nang makasigurado sila na wala na ay ibinagsak nilang dalawa ang mga espada na ginamit.
"tayo na" wika ni Pirena kaya naman hinawakan na kaagad ni Azulan ang kanyang kamay at sila ay nagevictus papasok ng Lireo. Nang dumating sila ay magsisimula na ang pagpupulong.
Nagmamadali silang pumasok sa silid na pagdadausan ng pulong, at kanilang nakita ang isang mapa na nakalahad dito.
"Pirena, Azulan mabuti naman dumating na kayo" bati ni Alena. Tinignan ni Pirena lahat nang nasa silid, ang mga kapatid; ang rama at ang mga mashna na sila Muros, Aquil at hafte na si Hitano.
"May kailangan kayong malaman" wika ni Azulan.
"May nakalaban kaming kawal ni Demiera sa labas ng Lireo. Mukhang mas maaga kaysa sa ating inaasan ang kanilang paglusob" pagpapatuloy ni Pirena sa sinasabi ng asawa.
"Kung gayon kailangan na natin maghanda" wika ni Muros.
"Madaliin na ang pagpupulong na ito" wika ni Alena. Inilabas niya ang kanyang brilyante at ikinulong ang mga kasali sa pulong sa loob ng isang pananggalang upang walang makarinig sa kanilang pag-uusapan.
"Tulad ng ating napagdesisyunan noon, magpwesto ng mga kawal sa bawat moog, ngunit siguraduhin niyo muros na mag tatalaga ka ng mga kawal na tutulong sa paglikas ng mga encantado.
Gawin niyo ang lahat upang ipagtanggol ang Lireo. Buhay man natin ang maging kapalit huwag lamang mapasakamay muli ng kalaban ang kaharian ng mga diwata.
Ngunit sa oras na madehado ang Lireo, Rama at Hitano, pamunuan niyo ang paglikas ng mga diwata. Hatiin sa dalawa ang mga ito. Ang isang grupo ay dadalhin sa Hathoria at ang isa ay sa Sapiro.
At ang mga diwani. Pirena kayo na ni Azulan ang inaatasan kong maglikas sa kanila dito sa Lireo, upang masigurado ang kanilang kaligtasan. Habang kami nila Danaya, Muros at Aquil ay mananatili dito upang ipagtanggol ang Lireo."
Tumango ang lahat sa plano ng hara "Pagnasigurado ko nang ligtas ang mga diwani ay agad akong magbabalik dito sa Lireo" wika ni Pirena na sinuklian naman ng ngiti ni Alena.
Tinapos na ni Alena ang pagpupulong at tinanggal ang pananggalang na mayroon habang nagpupulong.
"Magsimula na tayong mag handa" at silang lahat ay lumabas sa silid liban sa mga sanggre.
"Aking mga kapatid" hinawakan ni Alena ang kamay ng dalawang apwe "Hindi natin alam kung ano ang magaganap, ngunit sana sumunod kayo sa pinag-usapan. Para sa kinabukasan ng encantadia"
Malungkot na nagtinginan ang mga sanggre "Para sa Encantadia" hinawakan ni Danaya ang kamay ni Alena at ngumiti kahit na bakas parin ang kalungkutan.
"Gabayan nawa tayo ni Emre sa labang ito" tanging nasabi nalamang ni Pirena.
*
*
*
Nang magbigay ng hudyat si Demiera, isang hanay ng kawal ang umatake sa bungad ng Lireo, at pilit na sinisira ang pananggalang. Habang ang dalawang hanay ay ganoon rin ang ginagawa sa kanluran at silangan bahagi ng Lireo.
Pinanood lamang ng kawal Diwata ang mga ito na pilit sinisira ang pananggalang, habang ang mga hara ay nanonood sa isa sa mga moog ng lireo.
"May mali" wika ni Pirena. Napatingin si Alena at Danaya sa panganay na kapatid. Kanilang tinanong kung ano ang ibig sabihin ng hara ng hathoria "ayon sa inuulat ni Muros, puro kawal at hafte ang narito. Nasaan ang mashna? At si Demiera?"
"Maaring hindi sila sumama sa pagsugod na ito" wika ni Danaya.
"O maaring sa ibang parte sila sumugod" lumingon kaagad si Alena kay Muros na nasa likuran lamang niya "Muros magmadali kayo at magtungo sa silangan ng Lireo" kaagad na sinunod ni Muros ang utos ng hara.
Paalis palamang sila Muros nang makarinig sila ng pagsabog sa loob ng palasyo "Mashna nakapasok na ang mga vedalje galing sa silangan" wika ni abog na tumakbo papunta sa kanila.
Kaagad tumakbo ang mga sanggre patungo sa pinangyarihan ng pagsabog, at tama ang kanilang sapantaha, naroon nga ang mga kaaway, at kasama nila ang mashna na si Dilon.
"Avisala mga diwata!" mayabang na bati ni Dilon sa mga diwata.
Sumugod si Dilon kay Danaya at kaagad naman nasalag ng sanggre at sinipa ang mashna dahilan para tumalsik ito. "Ang galing mo magyabang wala ka naman palang binatbat" tumawa si Pirena sa sinabi ni Danaya sa mashna.
"Tignan natin kung sino ang may huling halakhak" at naglaban si Danaya at dilon habang si Pirena at Alena ay sinalubong ang mga kawal na papasok sa palasyo.
Ganoon rin naman ang ginawa nila Muros, ang pigilan ang mga vedalje na makapasok sa Lireo. Habang nakikipaglaban, nakaramdam si Pirena ng kakaiba. Tumingin siya sa paligid niya ngunit wala naman hindi ordinaryo sa paningin.
Ngunit ramdam parin niya na may ibang nilalang doon bukod sa kanila. Naramdaman niya muli ito na papasok sa Palasyo. Napatingin siya pasilyo na papasok ng Lireo.
"Ang mga diwani" bulong ni pirena at siya naman gumamit ng evictus. Nagkatinginan sila Alena at Danaya, kaagad nila pinaslang ang mga kalaban na sumusugod sa kanila at sumunod kay Pirena.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...