sorry if it took me a week to post an update... medyo naging busy with acads, so here it is...
Sinundan ni Alena at Danaya si Pirena, kanila ito naabutan sa loob ng kanyang silid na nakaupo sa kanyang kama at tumatangis. "Edea" mahinang tawag ni Alena sa kanilang panganay na kapatid.
Pinahid ni Pirena ang kanyang mga luha "nais ko munang mapag-isa" wika ni Pirena sa mga ito.
"Hindi apwe. Noong kinakailangan ka naming lagi ka naajan sa amin tabi... kaya hayaan mong damayan ka naming ngayon" lumingon si Pirena sa mga ito at sila Alena ay mabilis na tumabi sa kanilang edea upang ito ay yakapin.
Sa yakap ng kanyang mga kapatid, muling umiyak si Pirena "Iiyak mo lamang lahat edea" sabi ni Alena na hinihimas ang likod ng kapatid.
"Naandito lamang kami ni Alena, hindi ka naming iiwan" sabi naman ni Danaya na inalis ang buhok na humaharang sa mukha ng kapatid.
"Ano ba ang mali kong nagawa at nagkaganito kami ni Azulan?"
"sshhh" wika ni Danaya "wag mo sisihin ang iyong sarili sa iyong pagkawala. Hindi mo ito ninais, at kung hindi ito naganap, baka noon pa man ay umiiyak na kami sa iyong bangkay." Sabi ni Danaya na naalala ang pagsasalaysay ni Pirena sa lahat ng naganap sa kanya.
Ang ilang taong pagkakahimbing at ang sumpa ni Demiera sa kanya na tanging si Cassiopeia lamang ang nakakabatid. Ngunit isa lamang ang sigurado niya, kung hindi ito naganap, ay baka matagal nang nasa devas si Pirena.
"ngunit para na din akong paulit-ulit pinapatay kapag nakikita ko silang magkasama" pagtukoy ni Pirena kay Azulan at Eara.
"Ano ba naman kasing problema ni Azulan? Akala ko ba ay sisikapin niyang makuha kang muli... ngunit bakit lagi siyang dumidikit sa Eara na iyon?" dere-derechong wika ni Alena.
"Alena!" pinandilatan ng mata ni Danaya ang kapatid, sapagkat hindi naman atang sulsulan pa nila si Pirena na batid nilang gulong-gulo na sa nangyayari.
Humingi ng tawag si Alena, at bumitiw sa yakap si pirena "hindi mo kailangan humingi ng tawad alena, sapagkat tama ka. Ipinangako sa akin noon ni Azulan na gagawin niya ang lahat upang maibalik ang aking tiwala. Ngunit wala naman siyang ginagawa upang matupad iyon. Iisa lamang ang ibig sabihin nito" nagkatinginan si Alena at Danaya sa sinabi ng kapatid, parehong nag-aantay kung ano ang susunod nitong sasabihin "Sa kanyang mga inaasal, batid kong hindi na maibabalik pa ang aming dating pagsasama. Sapagkat masyado na kaming magkaiba."
"Pirena... huwag ka mawalan ng pag-asa" napatingin si Pirena kay Alena nang marinig ito.
"Alena hindi ganoon kadali para sa akin na tanggapin na baka nga hindi na maari pang maibalik ang pagsasama naming ni Azulan. Ngunit sa aking mga nakikita, nawawalan na ko ng pag-asa" muling niyakap ni Alena ang kanyang apwe at hinayaan itong umiyak.
*
*
*
Nagpahangin si Azulan kaya siya lumabas ng palasyo. Hindi niya mapigilan itanong sa sarili kung ano ang nagaganap sa kanya... bakit ganoon nalamang ang init ng kanyang ulo, kung bakit lubos siya magalit kay Pirena.
"Azulan?" napalmingon siya sa tumawag, at kanyang nakita si Eara "Anong ginagawa mo dito? akala ko ba ay may gagawin ka sa palasyon?" tanong nito sa kanya.
"Nagpapahangin lamang ako" naiinis parin niyang sabi, at siya ay tumingin na sa iba.
"Mukhang nag-away na naman kayo ni Pirena. Ayos ka lamang ba?" sinabi ni Azulan na nais niya mapag-isa ngunit nagsalita muli si Eara "Sa tingin mo ba ay iiwanan kita ngayon batid kong kailangan mo ng kaibigan?"
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...