Kabanata XLIV: Nalalapit na pagsasama

330 17 8
                                    

"Bilis Aria" sigaw ni Mira na pumapalakpak pa upang mas ganahan ang pinsan sa paglaban. Kasalukuyang nag eensayo ang mga diwani, at kanilang pinagtutuunan ng pansin ngayon ay ang kanilang bilis at liksi sa pagsalag ng mga atake ng kalaban.

Ginamit ni Paopao ang brilyante ng diwa upang makagawa ng mga pekeng vedalje, na kakalabanin ng mga ito. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nila naisipan na bumili ng isang bahay malayo sa cuidad at sa ibang tao.

Habang tinuturuan ni Mira at paopao ang mga diwani, nasa veranda naman si Lira kasama si Enuo na naghahanda ng kanilang makakain.

"Magaling na ang mga diwani. Magaling kayong tatlo sa pagtuturo" wika ni Enuo sa sanggre.

"Salamat po. Pero totoo po niyan lahat ng nalalaman namin ay dahil kila ashti" napatingin naman si Enuo na kasalukuyang inilalagay ang mga plato sa ibabaw ng mesa "bago po kasi kami pumunta dito, binasbasan kami ni Ashti Pirena upang mas mapabilis ang pagsabay namin dito, para hindi narin mahirapan ang mga diwani.

Pero ang pinakamagaling po na ginawa nila Ashti, ung binasbasan nila kami upang mabilis naming magets yung ituturo nila. Sa loob ng ilang oras, madami kaming nagets na lessons! Kasi pagkatapos po nila kami basbasan, gumawa sila ng isang panaginip kung saan, sama-sama kami, at doon nila kami sinanay.

Sinigurado nila na magiging maayos ang pagpapalaki naming sa mga diwani, at magiging magaling sila sa pakikidigma. Pero minsan, miss na miss ko na sila Ashti. Sila na yung tumayong nanay ko nung nawala si Inay; lalo na si Ashti Pirena, na kahit laging triggered sakin yun... mahal na mahal ko yun; kaya lang kinuha na siya ni lord"

"Alam kong pinapanood kayo ni Sanggre Pirena mula sa Devas Lira, at tiyak akong natutuwa siya na mabuti niyong napalaki at nasanay ang mga diwani" ngumiti nalamang si Lira sa sinabi ni Enuo.

Ipinagpatuloy nila ang paghahain, at nang tatawagin na nila sila Mira ay biglang lumiwanag ang kapaligiran. Nang makita ito ni Mira mula sa kanilang kinatatayuan, kaagad siyang nag evictus sa tabi ni Lira at itinaas ang kamay upang tawagin ang kanyang sandata.

"esta sectu lira" wika ni Mira sa pinsan na kaagad nitong ginawa.

Nang mawala ang liwanag ay kanilang nasilayan si Cassiopeia na nakatayo di kalayuan sa kanila "Great Grandmother!" pagbati ni Lira, na lalapit n asana dito nang pigilin siya ni Mira.

"Anong ginagawa mo dito? sino ang nagpadala sa iyo?" tanong ni Mira na nakatutok parin ang kanyang sandata sa bathaluman.

Umilaw ang noo ni Cassiopeia "Hindi mo kailangan gamitin ang iyong sandata Mira. Hindi ako naparito upang manggulo"

"Eh bakit ka nga ba nandito great grandmother?" tanong ni Lira.

"Upang kayo ay ibalik sa Encantadia; sapagkat dumating na ang takdang panahon upang magbalik ang mga sanggre at ang pag-asa sa encantadia" makahulugang wika ni Cassiopeia sa magpinsan.

"Anong ibig mong sabihin?" hindi na muna sumagot si Cassiopeia nang makitang parating ang mga diwani at si Paopao. Tinitigan ni Cassiopeia ang tagapangalaga ng brilyante ng diwa, batid niyang hindi din ito tumanda, kahit na ito ay isang tao, ang tanging nagbago kay paopao ay ang balbas na nasa kanyang mukha. Kanyang naiisip ay para ito sa kanilang pagbabalat kayo at walang makakilala sa kanya dito sa mundong kanyang pinagmulan.

Matapos siya batiin ng mga diwani, ay humingi si Cassiopeia ng pagkakataon upang makausap ang mga sanggre, at si Paopao. Kaya habang naguusap ang tatlo ay kumakain naman sila Enuo at ang mga diwani.

"dito nalamang tayo mag-usap" wika ni Mira, na isinara ang pinto ng silid aklatan "Ano ang iyong sasabihin?"

"Madami nang naganap sa Encantadia buhat nang mawala kayo"

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon