Kabanata LVIII: Simula ng pagbagsak ng Lireo

311 15 3
                                    

Pagdating ni Mira sa labas ng Lireo, tahimik silang nag matiyag, at sinigurado ang bilang ng mga vedalje. Nais nilang makapasok sa palasyo ng walang ano mang ingay nang sa gayon ay maging mas mabilis ang kanilang trabaho. Nang masigurado na nila nag bilang ng mga kawal isolde na nag babantay sa Lireo, isinagawa na nila ang plano.

Nagpanggap na sugatan ang kanyang mga kawal na nakabihis na parang kawal isolde. Lumapit ito sa mga lagusan, at nang makita sila ng bantay ay itinanong nito kung bakit sila bumalik.

"Pinabalik kami ng hara sapagkat kami ay mga sugatan na" wika ng isa, naglakad na muli sila papasok ng Lireo nang biglang napaisip ang mga bantay.

"Paano kayo papabalikin dito gayon hanggang kamatayan ang nais ng hara? Liban nalamang kung!" hindi na pinatapos pa ng mga kawal hathor ang mga ito sa pagsasalita. Sinaksak na ng mga kawal hathor ang mga ito kaya naman hindi na nagawa pang manlaban ng mga kawal isolde.

Ganoon ang kanilang ginawa sa lahat ng lagusan papasok ng lireo, kung kaya't matagumpay ang kanilang plano na makapasok sa Lireo ng payapa.

Pagdating sa loob ng lireo, kaagad nagtungo si Mira sa kamara ng mga sandata. Ibinuka niya ang kanyang palad, at ito ay nagliwanag. "Gamit ang kapangyarihang iginawad ng brilyante ng apoy sa akin, ang mga sandatang ito ay mag-iinit mistulang kumukulong putik, na nagmula sa pinakamainit na bulkan dito sa Encantadia; walang sino mang kakampi ni Demiera ang makakahawak ng mga sandatang ito nang hindi napapaso, sundin mo ang aking sinasabi" ang liwanag sa kamay ni Mira ay unti-unting nawala at bumalot sa bawat sandata sa kamara.

Nang makita niya ang kanyang ginawa, ngumisi siya at umalis na upang isagawa ang susunod na plano.

*

*

*

Sa gitna ng digmaan sa hathoria, nakita ni Khalida si Danaya, kaya ito ay kanyang sinugod. Hindi ito kaagad napansin ni Dilon sapagkat abala ito sa pakikipaglaban.

"Maghanda ka nang mamatay sanggre" wika ni Khalida, na nakangisi sa sanggre ng lupa.

"Baka ikaw ang mawalan ng buhay" pagsagot ni danaya.

Sumugod si Khalida, at sila ay nagpatagisan ng galing sa pakikidigma. Sinipa ni Danaya si Khalida kaya ito ay tumalsik papalayo. Dahil sa ginawang iyon ni Danaya, lubos na nanghina si Khalida, kaya siya ay umurong pa palayo hanggang sa marating niya ang isang bangin.

"Marami ka nang nagawang kasalanan sa amin Khalida" wika ni Danaya sa mashna nasa halos hindi na makatayo dahil sa kanyang mga sugat. Inilabas ni Danaya ang kanyang brilyante at galit na tumingin kay Khalida.

Ito ang nasaksihan ni Dilon "Khalida!" sigaw nito ngunit tila hindi siya narinig ng kapwa mashna. Hindi nagtagal nakita niyang kumukha ng bwelo si Khalida, sumugod ito sa sanggre ngunit ipinatikim ni Danaya ang kanyang bagsik kaya naman tumalsik si Khalida at nahulog sa bangin.

"khalida!!" sigaw ni Dilon na mabilis na tumakbo patungo sa lugar kung saan nahulog ang sinisinta.

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na niya ito matanaw, tanging ang malalakas na alon na humahampas sa mga malalaking bato ang kanyang nasaksihan.

"Pashneya!" humarap siya kay Danaya at kinalaban ito. "Pagsisisihan mo ang ginawa mong ito" wika ni Dilon at siya ay nakipaglaban kay Danaya.

Ano mang laban ni Dilon si Danaya parin ang nananaig. Lagi lamang siyang bumabagsak sa lupa, "Tapusin na natin ito" pinukpok ni Danaya sa batok ang mashna, kaya ito ay nawalan ng malay. Siya ay nagbalik na sa puso ng digmaan upang hanapin at kaharapin naman si Demiera.

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon