Kabanata XIX:Pamamaalam

362 16 7
                                    

Dali-daling pumasok si Azulan sa silid ni Serena nang marinig itong umiiyak "Anong nangyari serena?"

Tumabi siya dito at sinalubong siya nito ng yakap "Ama si Yna... nakita ko sa aking panaginip na may masama daw nangyari kay yna" pag-iyak ng munting diwani.

Kinabahan naman si Azulan sa sinabi ng anak, sana nga ay panaginip lamang talaga ito at ligtas si Pirena.

Paulit-ulit niyang hinimas ang likod ng anak "Tahan na mahal ko... panaginip lamang iyon. Wag ka umiyak, hindi ba't malapit na bumalik ang iyon yna at apwe?" tumingin sa kanya ang anak.

"Ngayon ang ikalawang araw na ibinigay ni Lira" sagot ni Serena sa ama. Ngumiti si Azulan sa anak "At bukas ay babalik na sila yna"

Unti-unting nagkaroon ng ngiti sa mukha si Serena, tama bukas ay darating na ang kanyang yna't apwe "Kaya huwag ka nang malungkot aking anak. Tahan na"

Hinalikan sa ni azulan sa noo ang anak at niyakag na itong kumain sapagkat may pagsasanay pa ito mamaya.

***

Kanina pa hawak ni Gamil ang kamay ni Pirena. Dinala nila ito sa bagong pinagtataguan ng mga diwata para doon ito gamutin.

Hindi batid ni Gamil na ginamitan ni Paopao ng brilyante ang sanggre sapagkat tanging ang mga sanggre at kapwa tagapangalaga lamang ang nakakakita dito.

Noong una nilang nakaharap si Gamil at ito'y sugatan, si mira ang unang lumapit dito. Habang siya'y nakatalikod sa mga ito, inilabas niya ang brilyante at inutusan itong wag magpakita sa mga etheria, at sa iba pang encantado liban nalamang sa mga tagapangalaga ng brilyante at ang mga sanggre na kilala niya.

Sinunod ito ng brilyante ng diwa, kaya naman noong ginamot niya si Gamil ay idimpi lamang nito ang kanyang kamay sa sugat nito. Habang ang isang palad niya ay naroon ang kanyang kaibigan.

Tanging si Mira lamang ang nakakita dito, tinignan niya ng makahulugan si Mira na kaagad naman naintidihan ng sanggre.

Habang sila'y naglalakbay patungo sa tirahan ni Gamil ay ipinaliwanag niya kay Mira na kailangan niyang itago ang brilyante upang hindi sila paghinalaan ng iba.

"Agape Ave kung hindi kita natulungan Cahira" lumuluhang wika ni Gamil "Kung ako lamang sana ay hindi naging matigas sana'y naipagtanggol kita"

Naramdaman niya ang isang kamay na humawak sa kanyang balikat "Huwag mong sisihin ang iyong sarili Gamil" wika ni Mira "Magiging ligtas din siya"

Niyaya ni Mira si Gamil sa labas upang ito'y makapagpahangin muna; at para gamutin muli ni Paopao ang kanyang yna; bagamat mayroong kapangyarihan tulad ng iba ang ikalimang brilyante, hindi ito kasing bilis umaksyon tulad ng apat na brilyante.

Mas mabilis makapagpagaling ang brilyante ng lupa kaysa sa brilyante ng diwa, dahil sa ito ay isa lamang maliit na parte at di kasama sa apat na elemento.

"Ate Hara Pirena, pakiusap gumising ka na" wika ni Paopao habang itinatapat sa hara ang brilyante na nagpapagaling sa kanya.

*

*

*

Naglakad-lakad ang mag-ama nang umupo si Gamil sa isang natumbang puno "Anak ka pala niya" mahinang sabi ni Gamil at tumingin kay Mira. Tumango lamang si Mira sa kanyang ama.

"Paano siya maging yna?" tanong ni Gamil dito.

"Maalaga, Mapangaral at po-protektahan ka niya ano man ang mangyari" umupo si Mira di kalayuan sa kanyang ama "Ngunit hindi naging maganda ang simula namin ni Yna"

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon