AN:
I JUST WANTED TO SHARE KUNG SINO ANG NA-IIMAGINE KO TO PLAY THE ROLE OF ALIPATO.... SIYA TALAGA INSPIRATION KO PARA KAY ALIPATO EH
Ilang linggo na buhat noong gabi ng piging,at ilang linggo narin iniiwasan ni Pirena ang kanyang asawa. Tinanong siya noon nila Danaya kung bakit niya ginawang palayain si Azulan ganoon batid naman nilang lahat na nais parin naman ni Pirena na makasama ito.
Tinignan lamang ni Pirena si Danaya at mlungkot na ngumiti "Mas mabuti na kung ganito." yun lamang ang lumabas na paliwanag sa bibig ni Pirena.
"paanong naging mabuti kung pilit niyong isinasawalang bahala ang ubod na laking problema?"
"Anong gusto mong gawin ko Danaya? Itanong sa kanya kung mahal niya pa ako o hindi?" tinignan ng tuwid ni Alena at Danaya ang apwe, "Sa tingin niyo ganoon iyon kadali? Na hindi ako natatakot na baka hindi 'ikaw pirena.. ikaw ang aking pinipili' ang lumabas sa kanyang bibig?! Ilang taon akong nawala, napakadaming maaring magbago sa kanya at sa pagmamahal niya sa akin.
Oo ako ganoon parin ang aking pag-ibig, ngunit siya... batid kong hati na ang kanyang pag-ibig, hindi na ito buo kagaya ng dati. Marahil sa akin ilang araw lamang ang lumipas, ngunit sa aking asawa ay higit sampung taon iyon na wala ako sa kanyang tabi. Kaya sabihin niyo sa akin... paano ko aalisin itong takot sa aking dibdib?"
"Edea" lumapit si Alena sa kanya upang siya ay pakalmahin.
"Pirena, hindi naming nais masaktan o pagsisihan mo ang desisyon mong ito na humiwalay kay Azulan"
"Kung kami talaga ang itinadhana ni Emre para sa isa't-isa, darating muli ang panahon upang muli naming pagsaluhan ang pagmamahal na mayroon kami para sa isa't-isa." sagot ni Pirena na pinahid ang luhang pumatak sa kanyang mata.
Dahil sa naging reaksyon na iyon ni Pirena, hindi na muli siya tinanong ng kanyang mga apwe paukol sa desisyon nitong layuan at tapusin kung ano man ang mayroon sila ni Azulan.
At imbis na magmukmok, pinagtuunan pansin ni Pirena ang kanyang kaharian, at upang sauluhin ang Bagong Hathoria. Alamin ang mga naganap at kilalanin ang mga pinuno ng mga tribong bago sa kanyang paningin.
"Sanggre Pirena" napatingin siya sa pamilyar na boses na nagsalita. Paglingon niya ay masayang kumaway sa kanya si Liway, na kapwa niya palang kasabayan mamasyal sa pamilihan. Lumapit ito sa kanya at siya ay niyapos kaya naman napatingin ang ilang nakasaksi nito "Anong ginagawa mo dito sanggre?"
"Nais ko lamang mamasyal" wika nito sa diwata "Siya nga pala, nasaan ang iyong ada?" niyakag siya ni Liway patungo sa kanilang kubol, at doon nakipagkwentuhan si Pirena sa mag-inang kaibigan at doon narin siya kumain ng tanghalian.
"Avisala Eshma sa pagbabalik sa aking anak Hara" ilang ulit nang nagpapasalamat si Linay kay Pirena, at iisa lang din naman ang naisip ni Pirena na angkop na mga salita upang itugon dito.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...