Naglalakad noon si Azulan sa palibot ng palasyo upang siguraduhin na tahimik ang lahat para sa kasiyahan na gaganapin mamayang gabi sa palasyo dahil sa pagdating ng mga diwani at sanggre.
Siya ay maligayang nakikisalamuha sa mga encantado at encantada na naroon sa pamilihan nang may tumawag sa kanya na isang encantada. Lumapit siya dito "Avisala rama Azulan" wika ng encantada.
"Avisala..." tumigil sa pagsasalita si Azulan upang alamin ang ngalan ng encantada.
"Rosas, rama. Ang ngalan ko ay Rosas. Galing ako sa tribo ng Yudo-o, at sa kasamaang palad ay ako nalamang ang natitira sa amin pangkat."
"Ikinalulungkot kong marinig iyan Rosas"
"Hindi dapat kayo malungkot rama, sapagkat buong tribo na sana naming ang nawala kung hindi ka dumating. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nabubuhay, kayo ni Rama Ybrahim. Kaya asahan niyo ang aking katapatan sa inyong pamumuno" magalang na turan ni Rosas.
"Avisala Eshma" nagpaalam na si Azulan para ipagpatuloy ang kanyang paglalakad, nang magsalita muli si Rosas. Humingi siya ng pahintulot makita ang palad ni Azulan, sapagkat ipinaliwanag niya na siya ay isang Adoyaneva Mo-Re.
Pumayag si Azulan at kanyang iniiabot ang kanyang palad sa encantada. Tinignan ni Rosas ang mga linya sa kanyang palad nang biglang maging puti ang mga mata nito "Sa gabi ng pagtutuos hangarin para sa kapayapaan ay magbabaga; paligid ay mag-aapoy para sa kamatayan ng encantadang ipinakilala ng emosyon"
Nagbalik sa dati ang mata ni Rosas, at siya'y napatitig kay Azulan "Ano ang ibig sabihin ng iyong nakita?"
"Isang encantadang nakapula" kaagad naisip ni Azulan ang kanyang asawa. Ngunit hindi iyon maari sapagkat wala na ang kanyang asawa. Kung kaya't kaagad niya naisip ang kanilang mga anak, lalo na si Serena. "ang siyang iyong tagapagligtas. Buhay kapalit ng buhay. Isa ang mananatili sa encantadia, at isa ang maglalakbay patungong devas"
"Sino ang encantadang iyong sinasabi?" pagtatanong ni Azulan sa adoyaneva Mo-Re.
"Poltre mahal na hari ngunit hindi ipinakita sa akin ng kapalaran ang mukha ng encantada"
Tila nabagabag si Azulan sa naganap kaya siya ay nagpaalam na at nagpatuloy sa kanyang paglalakbay. Paulit-ulit sa kanyang isipan ang sinabi ni Rosas, "Sa gabi ng pagtutuos hangarin para sa kapayapaan ay magbabaga; paligid ay mag-aapoy para sa kamatayan ng encantadang ipinakilala ng emosyon" sino... iyan ang tanong ni Azulan sa sarili. Sino nga ba ang encantadang sinasabi ni Rosas.
Maari kayang si Mira? O si Serena? Imposible naman na si Pirena ang sinasabi nang propesiya, wala na si Pirena. Matagal nang wala ang hara ng hathoria at hara ng kanyang puso.
Kaagad siya nagbalik ng palasyo upang humingin ng tulong kay Imaw upang malaman kung sino ang encantadang iyon, ngunit walang ipinakita ang balintataw ng adamyan sapagkat ang nais malaman ni Azulan ay ang hinaharap.
*
*
*
"Ado sabihin mo sa akin ang totoo... bakit mo nasabi na kailangan maging ligtas ni Yna mula sa iyo?" tanong ni Serena na sinundan lamang ng tingin ang ama na lumayo mula sa puno, at lumakad patungo sa kabilang dako ng hardin.
"Sapagkat lumalala ang init ng aking ulo" pagsisinungaling ni Azulan "Hindi ko nais pang masaktan si Pirena sa mga salitang hindi ko sinasadyang bitawan."
"Kung gayon ay kailangan mo lamang kontrolin ang iyong sarili"
"Hindi mo naiintindihan Serena" wika ni Azulan na humarap na muli sa anak "nawawala ako sa aking sarili sa tuwing nakikita ko ang iyong yna. Napupuno ako ng galit at poot, at hindi ko alam kung bakit ako nagkaka ganito.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...