Nag evictus patungo sa lagusan ng nakaraan sila Lira at Mira. Inilabas ni Mira Mula sa isang balot ang ginintuang orasan.
"Parating na ko yna" wika ni Mira. Itinaas niya Ang orasan at inutusan itong ipakita ang panahong kinaroroonan ni Pirena.
Paikot-ikot na sa buong palasyo ang magkapatid na sanggre, nang makaramdam sila na tila may sumusunod sa kanila. Kaya kaagad nila itong pinakiramdaman, “alam naming hindi lamang kami ang naririto. Magpakita at ipinapangako kong hindi ka naming sasaktan” pananalita ni Danaya.
“Grabe ka naman ashti! Ang brutal!” wika ni Lira na kasamang nagpakita si Mira.
“Anong ginagawa ninyo dito? sino ang naiwan sa Lireo?”
“iniwan naming si Paopao at iba pang mashna. At huwag kayong mag-alala sa mga diwani sapagkat ligtas sila. Humingi kami ng tulong kay nunong imaw para patulugin ang mga diwani” panimula ni Mira
“Oo nga ashti! Para hindi na pumasok pa sa anong gulo yung mga batang yun! Alam niyo naman riot kapag gising yung apat na yun” dagdag pa ni Lira.
“Ashti danaya, ashti hara mas importante na malaman niyo na nakita na naming ang orasan. ngunit hindi naming ito maalis sa kinalalagyan nito. Kailangan namin ng panahon” tuwid na sabi ni Mira.
“Kung gayon ay kami na ang bahala, balikan niyo ang orasan at siguraduhing makukuha niyo ito.” Pagkasabi na pagkasabing iyong ni Alena ay naglaho ang mga nakakatandang sanggre.
“Effective din tong invisibility fruit nila Deshna ha! Bright idea!” tumingin si Mira sa pinsan at inaya na itong bumalik sa silid kung saan naroon ang orasan.
Lumingon si Mira sa kanyang pinsan "Lira, ikaw na muna Ang bahala sa aking apwe"
"Bessy sasama ako"
"Wag na Lira, ako nalamang. Protektahan mo nalamang Ang Lireo, at Ang mga diwani. Mas kailangan ka nila dito"
"Kung gayon ako nalang ang sasama sa iyo mira" sabat ni paopao na kadarating lamang.
“Ano’t nandito ka paopao? Bakit mo iniwan ang Lireo?” tanong kaagad ni Mira.
“Nilagyan nila Ate Danaya at Ate Reyna Alena ng pananggalang ang lireo kaya hindi medaling makakapasok ang mga kaaway” wika ni Paopao “Kaya sige na Mira, hayaan mo na kong sumama. Delekado mira, kaya please hayaan mo na ko”
"Sige na Mira, kahit si paopao Lang Ang isama mo okay na"
Wala nang nagawa si Mira Kung Hindi Ang pumayag sa dalawa. Yumapos na sila Mira Kay Lira upang magpaalam.
"Mag-iingat kayo" Sabi ni Lira sa pinsan habang yakap yakap ito. Inabot ni Mira ang orasan sa pinsan at sinabihan itong pangalagaan Ang orasan, sapagkat sa panahon na Kasama na niya si Pirena ay kakailanganin nila Ito upang makabalik.
Papasok na ng lagusan si Mira nang biglang dumating si Danaya "ano sa tingin niyo Ang inyong ginawa?"
"Ashti? Anong ginagawa mo dito? Tapos na po ba yung fighting moments niyo nila ashti Hara?" Tanong ni Mira.
Tumingin at tumango si Danaya sa sinabi ng hadia "Saan ka patutungo aking hadia?" Tanong niya Kay Mira.
"Susunduin ko na Ang aking yna ashti. Poltre Kung Hindi ko ito naipaalam sa Inyo kanina" magalang na sagot ni Mira.
"Bakit Hindi mo ito binanggit kanina? Ayoko sa lahat ay nagawa Ng desisyon Hindi ko nalalaman" nagkatinginan sila Lira at Mira, dahan-dahang hinawakan ni Mira ang kanyang sandata.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...