Matapos ang kanilang naging pag-uusap ni Gamil ay nagsimula nang maghanda si Pirena sa kanilang pagbalik sa kuta, inutusan niya sila Mira na mauna na doon at sumabay kay Memeng.
Habang siya sasabay nalamang kay Gamil, sapagkat kailangan pa nila muling pag-usapan ang mga bagay-bagay.
Nang pumasok si Gamil sa kanilang silid ay nakita niyang suot Pirena ang kanyang kalasag "Saan ka patutungo?"
Ikinagulat ng sanggre ang biglaang pagsasalita ni Gamil. Nilingon niya ito at nakita ang kamao nito na duguan "Anong nangyari sa iyo?" kaagad niyang hinawakan ang kamay ni Gamil, at sinabing gagamutin niya ito.
Binawi ni Gamil ang kanyang kamay at inulit ang kanyang tanong "Hindi ba't babalik na tayo sa kuta ng mga diwata?"
"Hindi tayo babalik doon" umalis si Gamil sa harapan ni Pirena at nilagpasan niya ito.
"At bakit hindi?" pagtataka ni Pirena "Hindi ba't napag-usapan na natin ito?"
"Babalik ka sa mga encantadong itinaboy ka? Sa mga hindi nanindigan para sayo?" batid ni Pirena na masama parin ang loob nito sa mga nanganap.
"Oo, dahil sila ay akin...ating pamilya" Hinawakan siya ng encantado sa kanyang magkabilang balikat.
"Nahihibang ka na ba?" tinitigan ni Pirena sa mata si Gamil "lalapit ka muli sa mga taong hindi ka man lang ipinagtanggol?"
"Minsan na kong lumayo sa aking pamilya, hinayaan ko na lamunin ako ng aking poot dahil hindi nila ako pinanigan; At iyon ang pinakamalaking pagkakamali na aking nagawa" tinangal ni Pirena ang kamay ni Gamil na nakahawak sa kanya at hinawakan ito sa pisngi "Pamilya mo sila Gamil, wag mo silang tiisin"
Kahit papaano pansin ni Pirena sa mga mata ng kausap na pinakinggan nito ang kanyang tinuran "Gamil..."
Hindi naituloy ni Pirena ang kanyang sinasabi nang bigla niyang narinig na sumisigaw si Mira at tinatawag siya. Bumitiw siya kay Gamil at nagtungo sa kinaroroonan ng anak.
"Yna!" Nakita ni Pirena na tila hapong-hapo si Mira, at may dugo ang kanyang sandata.
"Anong nangyari?"
"Ang mga etherian... sinugod nila ang kampo nila Ornia" Hindi makapaniwala si Pirena sa narinig "Yna naroon din ang mga heran ni Avria"
"Kung gayon ay tayo na" papalapit na sana siya kay Mira nang hawakan ni Gamil ang kanyang braso at pigilin siya sa paglisan.
"Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa?" naiinis na tanong niya dito.
"Hindi mo tutulungan ang mga diwatang iyon. Hindi ka aalis dito"
Hindi makapaniwala si Mira sa narinig na turan ng ama, na para bang ni minsan ay hindi niya inakala na masasabi ito ni Gamil lalo na sa kanyang yna.
Mahigpit na hinawakan ni Pirena ang kamay ni Gamil at ito kayang inalis "Sa iyong ipinapakita marahil tama ngang ilayo ko sa iyo ang ating anak. Sa iyong inaasal wala ka nang pinagkaiba sa mga etherian na sarili lamang ang iniisip"
Lumapit siya dito at tinitigan niya si Gamil sa mata "Huwag ka gumawa ng isang bagay na pagsisisihan mo"
Paalis na sana si Pirena nang masalita muli si Gamil "Huwag mo isugal ang iyong buhay Cahira, pakiusap" tumingin siya sa encantado at purong sinseridad ang nakita niya sa mga mata nito.
"Tungkulin kong pangalagaan ang mga diwata" pagkasabi niyang ito ay tumingin na siya kay Mira at sabay silang nag evictus.
*
*
*
Pagdating na pagdating ni Pirena at Mira sa kuta ay kaagad nilang nakasagupa ang mga kawal etherian.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...