“Ivo live Cahira!” sigaw ng mga diwata sa kuta. “Dahil sa iyong lihim na galing ay nailigtas itong si nanang Ornia. Avisala eshma sa iyo Cahira” sabi ng isang diwata.
“Napakagandang ngalan naman ng Cahira nanang Ornia” sabi ni linay, ang paslit na maagang naulila kaya’t kinupkop siya ni Ornia. “Bagay na bagay sa iyo apwe” dagdag pa nito at yumakap kay Cahira.
“Avisala Eshma Linay” nakangiting sambit ni Cahira sa paslit. “Poltre ngunit may kailangan lamang akong kunin sa aking kubol” pagpapaalam niya sa mga kasama.
Naglalakad si Cahira patungo sa kanyang kubol nang mapatigil siya nang maramdaman niya na may sumusunod sa kanya. “Anong iyong kailangan” wika niya sa nilalang na nakatayo sa kanyang likuran.
“Poltre kung ikaw ay aking natakot” natatawang sabi ng encantado; umikot si Cahira at siya niyang nakita ang isang encantadong nakatayo di kalayuan sa kanya; bahagya madilim sa kinatatayuan nito kaya hindi niya masyadong aninag ang wangis nito. “Nais lamang kitang pasalamatan sa ginawa mong pagliligtas sa aking ina. Avisala Eshma”
“Paumanhin ngunit sino ka?”
“hindi mo na ba matandaan ang encantadong nagligtas sa iyo sa gubat?” unti-unting lumakad sa liwanag ang encantado, nang makita ni Cahira ang kanyang wangis ay tila nakikilala niya ito. “Ano’t ganyan ang reaksyon mo? Hindi mo ba nais ang aking wangis?”
“Poltre, ngunit nagkakilala na ba tayo noon?” tanong ng diwata sa encantado.
“Ang una nating pagtatagpo ay noon nakita kita sa kagubatan kung kaya’t hindi maaring magkakilala na tayo noon. Maliban nalamang kung…” hindi na itinuloy ng encantado ang kanyang sinasabi bagkus ay nagpakilala nalamang ito “Ang aking ngalan ay Galen, ang anak-anakan ni Ornia”
“Ako nga pala si Ca-“
“Cahira. Ang ligaw na diwata; hindi mo na kailangan magpakilala sapagkat marami na kong narinig ukol sa iyo” ngumiti si Galen sa kaharap “Ako’y mauuna na, poltre kung ika’y akin nagambala” palakad na si Galen patungo sa hilaga, na kanina lamang ay tinatahak ni Cahira.
“Sa mga kubol Karin ba patutungo?” tanong ni Cahira na sinangayunan naman ni Galen. “kung gayon ay pareho pala tayo ng patutunguhan.”
“sa palagay ko ay tayo’y magsabay nalamang, sapagkat madilim narin naman” naglakad na nga silang dalawa patungo sa mga kubol.
Sa kanilang paglalakad ay tanging mga pashneya sa paligid ang maririnig; at ang liwanag ng mga buwan ang gumagabay sa kanilang nilalakaran, “Ang iyong kaalaman sa pakikidigma, saan mo iyong natutunan?” tanong ni Galen sa diwata.
“Hindi ko alam. Hindi ko batid kung mula ba noong ako’y isa pa lamang paslit ay nagsanay na ako, o kaya naman ay kung ano ang aking katayuan sa buhay upang matuto ng paggamit ng sandata, hindi ko ito tanda.” Malungkot na sagot ni Cahira.
“Ano ba talagang nangyari sa iyo?” hindi rin alam ni Cahira ang sagot sa katanungang ito kung kaya’t nanahimik nalamang siya “maaring isa kang encantadang may malaking atraso sa mga makakapangyarihan dito sa encantadia upang ika’y ay ipapatay. O di kaya ay isang vedalje ng etheria” napatigil si Cahira sa kanyang paglalakad, maari nga ba? Na isa siyang makasalanan o di kaya ay kalaban ng mga etherian? Paano kung sundan siya ng mga kawal at mapahamak ang kanilang tribo?
“Kung totoo ang iyong tinuran, maaring mapahamak ang tribo nang dahil sa akin.” Napatingin si Galen sa diwata, nakonsiyensya siya sapagkat mukhang nabigyan niya ng maling ideya si Cahira. “Kailangan kong lisanin ito bago pa man may masamang mangyari”
“At saan ka pupunta? Hindi mo tanda kung saan ka nang galing, kung sino ka, at kung ano ang mga kakayahan mo?” pangangatwiran ni Galen na hinarap ang kausap. “Makinig ka sa akin Cahira, kailangan mo muna kilalanin ang iyong sarili bago ka sumabak sa mundong hindi mo rin kabisado. Nang sa gayon ay kahit papaano ay kilala mo ang isa sa magiging kalaban mo” pangagaral nito at siya’y tuluyan na ngang nagpatuloy sa paglalakbay.
*
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...