Kabanata XLVIII: Tiwala kay Azulan

363 25 12
                                    


Habang si Pirena ay muling ipinapakilala ng kanyang mga kapatid bilang karapatdapat na reyna ng Hathoria, inilibot niya ang kanyang tingin sa paligid, at sa lahat ng encantadong naandoon. Kilala niya ang karamihan, ngunit hindi ang iba.

Siya'y napatingin sa kinaroroonan ni Azulan, at laking gulat niya nang makita si Mira at Lira sa tabi ni Aquil na di kalayuan sa kanyang asawa "Mira" nakangiting sabi niya, sa anak na nakatitig din naman sa kanya.

Sa tagal ng panahon na wala siya, muli niyang nasilayan ang mukha ng kanyang panganay at hadia, lubos niya itong ikinatutuwa, at noong oras na iyon, nais na niya manakbo patungo sa mga ito.

Nang matapos ang sinasabi ni Alena, kaagad siyang tumakbo patungo sa kanyang anak at Hadia "Mira, lira" pagkayap niya sa mga ito "Akala ko ay wala na kayo" bulong niya sa mga ito na kay higpit din ng yakap sa kanya.

"Hindi yna, sinunod namin ang iynong nais." Bulong ni Mira "Hindi ko inakala na makikita pa kitang muli" umiiyak na sabi ni Mira sa yna. Bumitiw si Pirena sa pagkakayakap sa dalawa, at maiging tinignan ang wangis ng mga ito.

"Wala parin ipinagbabago ang iyong mga tagalay na kagandahan. Tulad parin ito noong huli tayong nagkita"

"parang ikaw ashti" masayang sabi ni Lira. Ngumiti si Pirena dito at tsaka tumingin sa anak na lumuluha sa tuwa.

Pinahid niya ito at ikinulong ang mukha nito sa pagitan ng kanyang dalawang palad "lubos akong nanabik sa iyo Mira" at hinalikan ito sa noo, "Nasaan ang iyong kapatid?" bigla niyang tanong nang maalala si Serena.

"Yna" sa narinig bahagyang napatigil si Pirena, at dahan-dahang nilingon ang nagsalita na natakluban nila Mira at Lira. Bumitaw si PIrena sa pagkakahawak kay Mira, at tsaka naman nagbigay daan ang panganay upang masilayan na ni Pirena at Serena ang isa't-isa.

Umisod sa kaliwa si Mira habang si Lira naman sa kanan. Sa paggalaw ng anak at hadia, nasilayan ni Pirena ang isang encantadang tulad ni Mira ay naka pula, at nakangiti sa kanya. lumapit ito sa kanya at derechong yumakap sa kanya "akala ko hindi na kita mayayakap pa yna" mahinang iyak nito sa balikat ng sanggre.

Niyakap din siya ni Pirena "Serena?" tanong niya dito.

"Ako nga yna" mas lalo lamang umiyak si Serena, sapagkat lagpas kalahati ng buhay niya inakala niyang kailanman ay hindi na niya makakapiling pa ang yna. Hindi niya lubos isipin na sa pagbabalik niya sa Encantadia, ay siyang pagbabalik niya sa piling ng ada.

"Serena" nanginginig na hinigpitan ni Pirena ang yakap sa kanyang bunso "Kay laki mo na" maging siya ay napaluha, saya dahil kanya nang kapiling ang kanyang mga anak, ngunit kasabay nito ay ang kanyang panghihinayang na hindi niya nasaksihan ang paglaki ni Serena.Na hinayaan niya si Mira mag-isang itaguyod ang kanyang kapatid, at maniwala na siya ay namayapa na.

Bumitiw si Pirena sa yakap at tulad ng ginawa niya kay Mira, hinawakan niya ang mga pisngi ni Serena "Poltre anak, wala ako sa iyong paglaki... patawarin niyo ako" sabi niya sa dalawang anak. Hinawakan niya ang kamay ni Serena at Mira, at hinalikan ang mga ito "Patawarin niyo ako sapagkat hindi ko kayo nagabayan ng mahabang panahon"

"Ayos lamang yna" wika ni Mira "ang mahalaga ay magkakasama na tayo ngayon"

"Oo nga yna. Ang mahalaga buo na muli ang ating pamilya" nawala ang emosyon sa mukha ni Pirena sa narinig na sabi ni Serena, siya ay napatingin sa asawa na nakatitig lamang sa kanilang tatlo.

Sa mga oras na iyon pakiramdam ni Azulan, ay kay laki ng kasalanan niya sa kanyang mag-iina. Nakita niya ang sakit sa mata ng asawa kanina noong dumating ito at nasilayan silang dalawa ni Eara, hindi niya alam kung totoo ang kanyang sapantaha na alam ni Pirena ang paukol kay Eara. Ngunit gayon pa man kitang-kita niya ang sakit sa bilugang mata ni Pirena.

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon