Kabanata II: Pangarap na pamilya

632 28 8
                                    

"Kay ganda ng anak ni Pirena no mahal ko?" napatingin si Aquil sa asawa na nakahiga na sa kanilang higaan. Tumabi na si Aquil sa asawa, at kinumutan ang sarili. "At nakakatuwa marinig ang kanyang mga munting unggol. Nakakalambot ng puso"

"Bakit tila ngayon ka lamang nakasaksi ng sanggol? Hindi mo ba iyan naramdaman kay Mira?" iniangat ni Aquil ang ulo ng asawa at iniunan ang kanyang bisig dito.

"Naramdaman ko rin naman, ngunit kay tagal na panahon na iyon. Lalo tuloy akong nasabik sa ating anak. Sana ay makita ko na siya" hinalikan siya ni Aquil sa noo at sinabi na kaunti nalamang ang kanyang ipag-aantay.

Habang nahihimbing ang mag-asawa ay biglang nagliwanag muli ang palad ni Danaya kasabay nito ang pagsakit ng kanyang tiyan. Napaupo ang sanggre at napahawak sa kanyang tiyan. "panahon na" ginising niya si Aquil at sinabing mangangak na siya.

Kaagad lumabas sa pasilyo si Aquil upang utusan ang kawal na ipatawag ang mga babaylan sapagkat manganganak na ang asawa. Nang manakbo na ang kawal ay kaagad naman na pumasok si Aquil sa loob at kanya itong inalalayan. "Kaya mo iyan mahal ko"

Hindi nagtagal ay dumating na ang mga babaylan at naisilang na ni Danaya ang kanyang panganay. Tanging ang pamilya nalamang ang nasa loob ng silid, "Sabi ko sa'iyo babae ang ating anak"

Masayang tinignan ni Aquila ng kanyang mag-ina, humalik siya sa labi ng asawa at tsaka hinalikan sa pisngi ang munting diwani "Avisala Aria aking anak"

"Kay gandang ngalan" napantingin sila sa direksyon kung saan nanggaling ang boses, at doon nakita nilang nakatayo si Pirena na inaalalayan ng kanyang asawa. "Nasabi sa akin ng dama na ikaw ay nagsilang na kaya ako'y pumarito. Sana ay hindi kami nakakaabala"

"Hindi Pirena, tignan niyo ang aking panganay" lumapit ang mag-asawa sa kanilang bagong hadia, at marahang hinaplos ni Pirena ang pisgi ni Aria. Iniwan pansamantala ni Aquil at Azulan ang magkapatid upang makapag-usap."Kay ganda niya hindi ba?" sumang-ayon si Pirena sa kapatid, tunay ngang namana nito ang ganda ni Danaya at satingin niya miski ang pagiging pasaway nito ay mamamana rin ng hadia.

"Isang bagong diwani"wika ni Alena na nag-ivictus sa silid. Umupo siya sa tabi ni Pirena at tinignan ang diwani Aria.

"Nais kong makilala mo ang aking anak, si Aria" wika ni Danaya. Halata sa mukha ng mga sanggre ang kasiyahan sa pagdating ng kanilang mga bagong tagapagmana, ngunit pansin ng magkapatid na meron pang iba kay Danaya bukod sa tuwa.kung kaya't tinanong nila ito "Kay sarap pala sa pakiramdam na maging isang ina" mangiyak-ngiyak na salita ni Danaya na nakatitig sa anak."Ngayon ay naiintindihan ko na ang pakiramdam niyo nila Alena kapag may nangyayari sa inyong mga anak. Sapagkat unang silay ko palamang kay Aria ay nakuha na niya ang aking puso. Na tila hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanya." hinawakan ni Pirena ang kamay ng apwe kaya napatingin ito sa kanila "Ganito pala ang pakiramdam ng maging isang ina" ang tanging nagawa ng mga sanggre ay yakapin ang kanilang bunsong kapatid.

*** makalipas ang ilang taon***

Nagising si Pirena nang maramdaman niya na may yumakap sa kanya mula sa likuran "Magandang umaga mahal kong asawa" hinalikan sa pisngi ni Azulan ang bagong gising na asawa, at niyakap ng mahigpit. Hinawakan ni Pirena ang mga bisig ng na nakapalibot sa kanya "Ang sarap naman magising sa ganito" hinalikan niya ang kamay nilang magkahawak.

"Parang ayoko nang bumangon pa dito sa ating kinalalagyan, dito nalamang tayo buong araw" bulong ni Azulan sa Hara ng hathoria.

Umikot si Pirena upang humarap kay Azulan, Hinawakan niya ang mukha nito at tinitigan ang mga mata "Naisin ko man ang iyong tinuran, kailangan parin natin umalis sa kamang ito at gawin ang ating mga responsibilidad. At tsaka ilang sandali nalamang ay darating na ang ating anak" pagkasabing iyon ni Pirena ay kaagad nagbukas ang pinto ng kanilang silid at patakbong pumasok si Serena.
"Yna! Ama!" tumalon sa kama ang munting diwani,kaya umupo na ang mga magulang niya dito. "Mayroon ba kayong sasabihin sa akin?"

"At ano naman iyon aking mahal na diwani?" nakangiting tanong ni Azulan sa anak.

"Ama naman" nagsisimula nang malungkot ang diwani sa biro ng kanyang ama. "Maging si Apwe Mira ay hindi naalala ang aking-"

Naputol ang sinasabi ni Serena nang biglang nag ivictus sa harap nila si Mira. Nagkangitian sila Pirena, Azulan at Mira at tsaka sabay-sabay na binati si Serena ng "Hasne Ivo Live!" Napatalon sa tuwa ang diwani at pinanood ang mga makukulay na paputok na alay ng ina.

"Ang ganda yna" niyapos ni Serena ang mga magulang at tumabo para pasalamatan ang kanyang apwe Mira. Itinayo ni Mira sa kama ang kapatid at inilahad ang kanyang kamay. Tinignan ito ng diwani at namangha ito ng lumabas ang isang regalo "Ang galing! Apwe turuan mo ako kung paano gawin iyan" ngumiti si Mira sa niyakap ang kapatid.

"Lahat ng nalalaman ko ay ituturo ko sa iyo wag ka mag-alala mahal kong apwe"

"Avisala Eshma apwe!"

"Payakap nga sa aking mga pinakamamahal na anak" tumayo si Pirena at lumapit sa mga anak. Sumunod si Azulan na sumama sa yakapan ng kanyang mag-iina.

Nang maghiwa-hiwalay ang pamilya pansamantalang umalis si Azulan upang magpalit ng damit kung kaya't naiwan ang mag-iina sa loob ng silid. Umupo muli si Pirena at kinalong ang bunsong anak habang sa tabi niya naman naupo si Mira.

"Mamaya pagbalik naming ng inyong ado ay maghahanda na tayo para sa piging na ipinahanda ng inyong ashti Alena." Tumingin si Pirena sa kanyang bunso "Sapagkat mamaya magaganap na ang iyong banyuhay"

"Huwag ka mag-alala yna, sisiguraduhin kong magiging maganda ang aking apwe mamaya sa paging. Hindi siya magmumukhang pashneyang naliligo sa putik" natawa si Pirena nang mapansing naasar si Serena. Ngunit totoo, minsan napapasobra sa paglalaro ang mga diwani na kada nakikita nila ang mga ito ay parang mga gusgusing bata.

"Siya sige, ako'y maghahanda na upang maaga kami makabalik ng inyong aldo" tumayo na si Pirena upang maghanda sa kanilang paglalakbay ni Azulan, kaya niyakag na ni Mira ang kapatid na kumain.

Pinanood nalamang ni Pirena na magkahawak kamay na lumabas ng kanilang silid ang mga anak, nang mapansin niya na katabi na niya si Azulan. "Napakagandang pagmasdan ng ating mga anak. Sana ay hindi nila pagdaanan ang nangyari sa amin noon ng aking mga kapatid"

"Sisikapin nating hindi nila ito maranasan; Mamahalin natin sila upang sa gayon ay ito ang kanilang maging gabay" sagot ni Azulan sa asawa.

***

Bago umalis ng Lireo sila Azulan ay dumaan muna sila sa tanggapan ng Hara upang magpaalam. "Pagpalain nawa kayo ni Emre sa inyong mga paglalakbay" pagbibigay basbas ni Imaw sa kanila.

"Mauna na kami hara, malayo-layong lakbayin pa ang punjabwe" wika ni Azulan. Pasakay na sila ng sasakyang panhimpapawid nang marinig nila ang pagtawag ng kanilang mga anak.

"Mag-iingat po kayo yna, ama" pagyapos ni Serena sa magulang, "Isang matiwasay na paglalakbay ado, ada" sambit naman ni Mira.

Nang makaalis ang mga magulang ay hinawakan na muli ni Mira ang kamay ng kapatid at niyayang mag-ensayo. Tulad ng kanyang pangako noon ay pinapangalagaan tunay ni Mira ang bunsong apwe. Pagkat nais niya at ng kanilang yna na hindi sila matulad sa relasyon noon ng kanyang mga ashti. Nais niya na iparamdam sa kanyang apwe ang pagmamahal na natanggap niya noong munting diwani palamang siya at ang pag-aaruga ng isang kapatid na hindi naramdaman ng kanyang yna noong ito ay lumalaki.Kung tutuusin pareho sila ng nais ng kanyang yna, na hindi matulad si Serena sa nakaraan, na maging matigas ang puso at itaboy ang lahat ng nagmamahal sa kanya.

***

Kasalukuyang kausap ni Azulan ang namamalakad sa kanilang sinaksakyang sasakayang panhimpapawid, nang matanaw niya si Pirena na nakatayo sa kabilang dulo ng sasakyan at nakatitig lamang sa malayo. Nang matapos ang kanilang pag-uusap ay kaagad siyang pumunta sa asawa sapagkat batid niyang may gumagambala sa isipan nito.

"May nararamdaman akong hindi maganda" salita kaagad ni Pirena nang hawakan ng asawa ang kanyang balikat. "Sana ay mali ang ating pakiwari"

Sinigurado ni Azulan na panatag ang loob ng asawa bago siya bumalik sa kanyang trabaho. Tinignan ni Pirena ang Encantadia mula sa himapapawid, at napabuntong hininga, "sana mali ang aking nadarama"


Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon