Kabanata V: Huwad na katauhan

433 21 5
                                    

Naririnig niya ang ingay sa kanyang paligid ngunit hindi niya ito maintindihan dahil sa sakit na kanyang nadarama. Dahan-dahang iminulat ni Pirena ang kanyang mata at nakita niya ang mga bendang nakapulupot sa kanyang katawan. “Maigi at gising ka na diwata” wika ng encantadang nasa kanyang harapan. “ako nga pala si Ornia, kagaya mo ay isa rin akong diwata. Natagpuan ka ng aking anak-anakan na si Galen sa kakahuyan na sugatan at walang Malay kung kaya’t dinala ka niya dito sa aming kuta” nakangiting pahayag nito.

Sinikap ni Pirena na makaupo man lang, ngunit sadyang kay sakit ng kanyang mga sugat, na ni isa ay hindi niya maalala kung paano niya nakuha. “Avisala eshma sa iyong tulong”

“Ano ang iyong ngalan at saan ka nagmula encantada?” sa tinanong na ito ni Ornia ay napagtanto ni Pirena na ni isang memorya ay wala siyang maalala. Na tila nabura ang kanyang pagkaencantada.

“Poltre, ngunit hindi ko alam ang aking ngalan” ilan katanungan pa ang sinambit niya kay Pirena ngunit ni isa ay hindi nito nasagot. Nakita ni Ornia ang kaguluhan sa isip ng diwatang kaharap kung kaya’t pinabalik nalamang niya si Pirena sa kanyang pahinga; at nang makasigurado itong tulog na ang diwata ay marahan siyang lumabas ng kubol at nagtungo sa iba pang kasamahang diwata.

“Kamusta ang sugatang diwata?” tanong ng kanyang anak-anakan na si Galen.

“wala siyang maalala ni isa sa kanyang nakaraan” wika niya, na ipinagtaka naman ng mga kasamahan. “Hindi kaya tulad natin ay pinahirapan at sinaktan siya ng mga etherian?”

“Maari. ngunit anong alam ng encantadang iyan upang burahin ang kanyang mga alaala?” tanong ni tandang luyon, ang pinakamatandang diwata sa kanilang kuta.

“Ngunit maari rin naman kagagawan ito ni Hara Avria. Maaring alam na niya ang ating kuta at nagpasya na salakayin tayo.” Kaagad naman tumutol si Ornia sa kanyang minungkahi, sapagkat ano naman ang maidudulot ng isang diwatang walang katauhan “Matalino ang hara ng etheria. At alam nating malaki ang galit niya sa mga diwata”

“may punto ang iyong anak-anakan Ornia. Hindi dapat tayo basta-basta magtiwala sa baguhang diwata na iyan.” Saad ni tandang luyon.

***

Dahil sa paghadlang ng kanilang mga kaaway ay hindi matagumpay na nagbalik sila Aquil at Azulan sa Lireo. Sa kanilang pag pasok sa kaharian ng mga diwata ay kaagad nilang napansin na may nag-iba dito. alisto ang lahat ng kawal at nakahanda sa digmaan, habang papatungo sila punong bulwagan ay nasilayan nila ang azotea na madalas paglaruan ng mga diwani, ngunit nakakapagtaka sapagkat tahimik ito, kagaya ng mga haligi ng palasyo.

Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa nang makita nila ang isang hanay ng mga hathor na naglalakad patungo sa isang moog bantayan. “Kawal!” sigaw ni Azulan sa isa, kaagad lumapit ang kawal nang makita siya. “Anong nangyayari at kay tahimik ng paligid?”

“Ipinag-utos ni Hara Alena na magbantay ang lahat laban sa vedalje na umatake sa aming hara” nagulantang si Azulan sa sinabi ng kawal. Si pirena ay inatake ng mga vedalje? Kung kaya’t kaagad niya tinanong ang kawal sa kinaroroonan ng kanyang asawa, ngunit sa kasamaang palad ay hindi alam ng kawal ang dahilan sa pagkawala ng kanilang hara.

Nagmadali nang pumunta ang dalawa sa bulwagan ngunit nasabi sa kanila ng isang kawal na ang lahat ay nasa tanggapan ng reyna at nagpupulong.

Pagpasok nila sa tanggapan ay napatingin ang lahat sa kanilang dalawa ni Aquil. “Ado Azulan” malungkot na wika ni Mira.

“Nasaan si Pirena? Ano ang kanyang lagay?” wala pang nasagot kay Azulan kung kaya’t bigla nalamang siyang sumigaw “Nasaan ang aking asawa!”

“Azulan kumalma ka” tumayo si Danaya mula sa kanyang pagkakaupo. “Hayaan mong ipakita sayo ng balintataw ni nunong imaw ang mga naganap”

Matapos niya panoorin ang naganap sa asawa, at tila iniwan ng kanyang ivtre ang kanyang katawan. “Sino ang encantadong iyon?”

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon