Katatapos lamang ng pag-eensayo ni Mira at Serena nang ipatawag ang sanggre sa punong bulwagan. Sa kanyang pagdating doon ay nakabilog ang lahat at nagpupulong sa harapan ng nakalahad na mapa ng encantadia.
“Anong nangyayari?” tanong niya sa mga nakakatanda sa kanya. Humarap si Danaya sa kanya at sinabing nagsimula nang umulan ng nyebe sa adamya.
“Mira, Lira, inaatasan ko kayong dalawa na magbantay dito sa Lireo habang inaasikaso naming ni Danaya ang paglikas at pagsasaayos sa mga adamyan at mga pashneya sa adamya” utos ni Alena sa dalawang nakakabatang sanggre. “Muros, siguraduhin na bantay sarado ang bawat lagusan dito sa Lireo habang wala kami ng aking apwe”
Napagkasunduan ng Hara, Rama at mga sanggre na mas pag-igtingin ang pagbabantay sa Lireo at mas paghandain ang mga encantado para sa taglamig sapagkat hindi ito tulad ng nakalipas na pagpapalit klima sa encantadia.
Batid nilang may kakaiba sa pagpapalit panahon na ito, at nais din nilang malaman kung tunay nga bang may kinalaman ang hinahanap nilang encantado sa mga nangyayari.
***
Sa adamya, naroon sila Danaya at Alena. Inaalalayan ng hara ang mga adamyan na sumakay sa sasakayang panhimpapawid ng Lireo, upang dalhin ang mga ito sa kaharian ng mga diwata, upang doon pansamantalang manatili habang hindi pa lubusan naiihahanda ang kanilang mga tirahan para sa taglamig.
Samantalang si Danaya naman ay ginagabayan ang mga pasheya upang makahanap ng matinong pamamahayan sa gayon ay hindi nila masyadong indahin ang matinding lamig.
Abala ang dalawang sanggre ng marinig nila ang sigaw ng isang kawal “vedalje!” kaagad sila nag-evictus patungo sa pinanggalingan ng sigaw.
Kanilang napagtanto na ang vedalje na sinasabi ng kawal ay ang encantadong nagdala kay Pirena sa nakaraan. “Sino ka? Inuutusan kitang magpakilala” itinutok ni Alena ang kanyang sandata sa kalaban habang si danaya ay naghanda sa mga posibleng mangyari.
“Kayo marahil ang ibang anak ni Mine-a at pinuno ng mga diwata” nagtaka naman si Alena kung bakit nasambit ng encantada ang ngalan ng kanilang yna ngunit gayon pa man hindi niya ito hinayaan na maging rason upang hindi siya maging alerto.
“Tulad ng inyong apwe ay likas ang inyong ganda” sabi ng malalim nitong boses.
“Tanakreshna! Kay dami mong sinasabi!” naiinis na wika ni Danaya “bakit hindi mo nalamang ibigay sa amin ang gintong orasan ng sa gayon ay tapos na ang usapan?”
Natawa ang nakaputing kalasag sa sinabi ni Danaya at kanya itong pinuri sa galing nitong magpatawa. “Sigurado ka bang naging Reyna ka ng mga diwata sanggre?” panglalait nito kay Danaya, pansin ni Alena ay nainis pa lalo.“Ngunit ano pa nga bang aking aasahan sa inyong mga hara, kung si Pirena nga ay kay dali kong napatumba” sa sinabing iyon ng encantado ay sumugod na si Danaya at Alena. Nagpalitan ang tatlo ng mga atake, nasugatan ng encantado si Danaya, ngunit nasugatan naman siya ni Alena. “Pashneya!” sigaw niya nang masaksak siya ni Alena sa tagiliran. Nag evictus ang kalaban, kaya naman kaagad pinuntahan ng hara ang sugatan na apwe.
“Nagtagumpay tayo” wika ni Danaya, na biglang nawalan ng malay. Dahil sa pagkahimatay ni Danaya ay kaagad nagevictus si Alena pabalik ng Lireo at siyang tumawag ng mga babaylan na maaring bigyan lunas ang mga sugat ng apwe.
***
“Esta sectu!” sambit ni Cahira sa sinasanay na paslit. “Ire! Dure! Kaskil!” sa bawat bilang ay siya namang hampas ng mga sandata ni Cahira at Linay sa isa’t-isa. At nang dumating ang bilang sa ikatlo ay biglang sumugod si Cahira sa paslit na siyang napigil nito, kung kaya’t natuwa ang diwata sa galing ng paslit. Niyakap niya ang paslit at binati sa galing nito.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...