Kasalukuyang nagdadasal si Mira at Lira sa harapan ng rebulto ni Emre upang humingi ng gabay sa bathaluman.
"Gabayan niyo po ang aming pamilya at ang lahat ng nanalig sa iyo. Huwag naman po sana kaming sumuong sa panibagong digmaan, at hayaan na umagos muli ang dugo sa lupain ng encantadia" panalangin ni Mira.
"Lord please, huwag niyo na po paabutin sa digmaan ang nangyayari ngayon. Masyado na pong madaming namatay sa huling digmaan laban kila lolo hiphop at ether. Sana po talaga lord maayos naming ang gulong to bago pa man mag declare ng war sila ashti o yung chaka na vedalje na yun" dagdag pa ni Lira.
Pinigilan ni Mira na ngumiti sa dasal ng pinsan. Sapagkat hanggang ngayon ay hindi parin niya naaalis ang salita ng mga mortal sa kanyang sistema gayon napakatagal na ni Lira dito sa encantadia.
Matapos nilang magdasal ay sabay na lumabas ang mag pinsan sa silid upang gawin na ang ipinaguutos ng kanilang ashti Hara.
"Alam mo bessie, ang weird" wika ni Lira sa pinsan.
"Ng ano?" tanong naman kaaagad ni Mira.
"Kasi hindi parin nagpaparamdam si great grandmother Cassiopeia sa atin." Napaisip din si Mira sa sinabi ni Lira, matagal-tagal narin nung huling magpakita si Cassiopeia sa kanila.
"Alam mo naman na lagi nun binibisita tong Lireo kahit na sa devas siya nakatira ngayon" dagdag pa ni Lira "Hay nako nagkalove life ayan na tayo puntahan" palokong sabi ng tagapagmana ng Lireo.
"Sige ka marinig ka nun mula sa Devas" loko ni Mira sa pinsan. Kaagad naman tumingala si Lira at nag sorry kay Cassiopeia "Pero may punto ka besh. Hindi napaparito ang hara durie ano kayang nangyari dun?"
"Malay mo siya pala yung naikulong nila ashti!?" sabi ni Lira sa pinsan. Binigyan ni Mira ng seryosong tingin ang pinsan "to naman joke lang! pero aminin mo gandang plot twist nun" natatawang sabi ni Lira.
Nagtinginan ang dalawa at napangiti naman si Mira "Kung ano-ano talaga ang iyong naiisip lira" umiling nalamang ang sanggre ng hathoria at sila'y nagpatuloy na sa paglalakad.
*
*
*
Isinara ng mga sanggre ang isang moog ng Lireo; binalot nila ito ng pananggalang kung saan walang sino man ang maaring makapasok o makalabas.
Nakatayo ngayon ang mga sanggre, rama at si Paopao sa loob ng isang silid na nasa nasabing moog. Tumingin si Danaya sa kanyang mga apwe "esta sectu" wika nito.
Inilabas ng mga tagapangalaga ang mga brilyante at itinutok ito sa isa't-isa. Nagpakawala ang mga brilyante ng kapangyarihan na ipinatama nila sa kahon na kinakukulungan ni Demiera.
Unti-unting nanginig ang kahon at nagbuga ng asul na liwanag. Ipinagpatuloy lamang nila ang ginagawa, at hindi nagtagal ang enerhiya na nang galing sa mga brilyante ay nakabuo ng isang panganggalang na nagkukulong sa encantadang lumabas mula sa kahon.
Dahan-dahan iminulat ni Cassiopeia ang kanyang mga mata; silaw na silaw siya sa liwanag ng kanyang paligid. "Demiera" napatingin siya sa direksyon na pinanggalingan ng tinig.
Kanyang nakilala ito bilang boses ni Pirena. Pinilit niyang tumayo mula sa paghahaluhod sa sahig, at habang hinihintay niyang luminaw ang paningin kanyang nababakas ang liwanag na nagmumula sa mga brilyante.
Hindi niya alam kung bakit siya pinapalibutan ng mga tagapangalaga at kung bakit nila ginagamit ang mga brilyante laban sa kanya "Mga sanggre" wika niya "Anong ibig sabihin nito?"
"Huwag ka nang magkunwari na wala kang alam Demiera" wika ni Ybrahim. Kaagad naman lumipat ang nanlalabong tingin ni Cassiopeia sa rama.
"Hindi ako si Demiera. Ako ito sa Cassiopeia" nang lumiwanag ang paningin ng sinaunang reyna siya ay tumingin sa mga sanggre "Bakit hindi niyo utusan ang mga brilyante upang ako ay kilalanin"
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...