Nang maramdaman ni Azulan ang init ng sinag ng araw sa kanyang balat, iminulat niya ang kanyang mga mata. Kanyang nasilayan ang magandang nilalang na nahihimlay sa kanyang tabi. Humarap siya dito at hinawi ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa kagandahan nito.
"Kung panaginip ito ay hindi ko na nanaisin pang magising" nakangiting wika niya dito.
Iminulat ni Pirena ang kanyang mga mata nang marinig ang isang tinig at maramdaman na may humawak sa kanyang pisngi. Kanyang nakita ang nakangiting wangis ni Azulan na nakatitig lamang sa kanya.
"Avisala Mahal ko" bati niya dito. Inilapit ni Azulan ang kanyang mukha at hinalikan ang hara sa labi.
Nang matapos ang maiksing halik na kanilang pinagsaluhan, nakita ni Azulan sa mukha ng hara ang labis na saya, "Kay tagal kong pinanabikang makita ang mga ngiti mong iyan" hinawakan ng punjabwe ang pisngi ng hara.
"Lubusin mo na ang mga ngiti na to sapagkat pansamantala akong aalis ng Hathoria" nakangiting wika ni Pirena, ngunit dahil sa kanyang tinuran nawala ang ngiti sa mukha ng encantado.
"Anong ibig mong aalis ka? Saan ka patutungo?"
"Sa Lireo, ito ay parte ng aming plano upang mabawi ang kaharian aming kinalakihan" hinawakan ni Pirena ang kamay ni Azulan na nakahawak sa kanyang pisngi "huwag ka mag-aalala, pangangalagaan ko ang aking sarili, at may kasama din naman ako doon"
"Sino?"
"Si Alipato" napaupo naman si Azulan, kaya bumaba ang kumot mula sa kanyang bigbig hanggang sa kanyang balakang.
"Bakit sa dinami-dami ng pwede mong makasama ang gabay-diwa pa na iyon?" napatingin lamang si Pirena sa himutok ni Azulan. Hinawakan niya ang kumot na bumabalot sa kanyang hubad na katawan, nang hindi ito mahulog sa kanyang pag-upo.
"Nag seselos ka ba kay Alipato?" nakangising sabi nito nang magtabi muli sila sa pagkakaupo. Umiling lamang si Azulan, at hindi nito magawang tumingin sa kanya; kaya napilitan si Pirena na hawakan ito sa mukha gamit ang isang kamay upang iharap ito sa kanya.
Hindi niya binitawan ang pagkakapisil niya sa pisngi ng punjabwe na ngayon ay tinitignan niya sa mata, "Umamin ka nagseselos ka ba kay Alipato?"
"oo na" nahihirapan bigkas ni Azulan sapagkat kay higpit ng hawak ni Pirena sa kanyang pisngi at ipit na ipit ang kanyang mga labi.
"Sinasabi ko na nga ba!" bumitiw sa kanyang pagkakahawak si Pirena at tumawa ng malakas kay Azulan.
"Anong nakakatawa?" tanong ni azulan na para bang bata na inagawan ng laruan.
"Ikaw! Dahil nagseselos ka kay Alipato na wa-"
"akala mo hindi ka nagselos kay Eara ah!" mabilis na tugon ni Azulan kaya hindi nakatapos si Pirena sa pagsasalita.
Nang maisaisip ng hara ang sinabi ng punjabwe, kanyang pinalo ito sa braso "Hindi ako nagselos sa punjabwe na iyon. Huwag ka gumawa ng kwento" wika ni Pirena.
"Hindi ka nagselos? Totoo ba iyan Pirena? Sapagkat sa pagkakatanda ko... ikaw ang nakipaghiwalay" natatawang wika ni Azulan. Pigil na pigil ang kanyang paghalakhak sapagkat nakikita na niya na napipikon si Pirena.
"Bahala kang maniwala sa nais mong paniwalaan" patayo na sana si Pirena sa kama, nang higitin siya ni Azulan pabalik sa kanya.
"hindi ka na mabiro" wika ni Azulan nang bumagsak sa kanyang dibdib ang likod ng hara. Ipinulupot ng punjabwe ang kanayang mga bisig sa figura ng sang'gre "Kay ganda mo parin talaga lalo na pag galit" natawang wika ni Azulan.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...