Kabanata LIX: Nalalapit na katapusan

412 18 9
                                    

hello guys! its a long chapter, my gift for not updating after several weeks. this chap has 4k+ words (di kasama tong a/n syempre) so Enjoy this 2nd to the last chapter.



Lumabas ng kanyang silid si Demiera, at kaagad niyang napansin ang katahimikan ng lireo. Pinagmasdan niya ang paligid at napansin na walang ni isang kawal ang nagbabantay at gumagala sa pasilyo.

"Pashneya" kaagad sumagi sa kanyang isipan ang pagdating ng kanyang mga vedalje. Hindi na niya kinailangan pang mag-isip sapagkat alam na niya agad kung saan niya matatagpuan ang mga vedalje- sa punong bulwagan.

Mabilis siyang naglakad patungo sa trono at tama nga ang kanyang hinala, naadoon nga ang kanyang vedalje- si Alena. "Umalis ka sa aking trono" galit na turan ni Demiera "Sinasabi ko sa iyo Alena, wala akong panahon makipagbiruan" ibinuka ni Demiera ang kanyang palad at nagsimulang lumabas ang kanyang kapangyarihan.

"Bakit ka nagagalit? Hindi ba't ikaw ang nang-agaw? Ako parin ang tunay na reyna ng lireo!" ibinato ni Demiera ang isang nyebe na nag anyong isang malaking bola patungo kay Alena.

Hindi naman ito nakaabot ng buo kay Alena sapagkat ginamitan niya ito ng kapangyarihan at natunaw kaagad ito sa ere "Pashneya!"

"oh mukhang pinanghinaan ka pa ata ng loob kalabanin ako demiera?!" hinihimas ni Alena ang kanyang trono "ngunit wag ka mag-alala, ano man ang nararamdaman mo; isa lang ang sinisigurado ko. Hindi matatapos ang gabing ito nang hindi ko nakukuha ang dapat na akin" umupo si Alena sa trono na lubos na ikina init ng ulo ni Demiera.

"Maghunos dili ka Demiera, lubos ko lamang pinanabikan ang aking trono"

"Tapusin na natin ito!" galit na nagbuga ng kapangyarihan si Demiera, na kaagad naman na pinantayan ni Alena. Nagsagupaan ang kanilang mga kapangyarihan, ngunit mas malakas ang kay Alena, kaya naman unti-unting nanghina si Demiera, at napaluhod. Pilit niyang tinatapatan ang ibinabatong kapangyarihan ni Alena sa kanya, ngunit ano mang lakas ang ilabas niya hindi ito sapat.

Nang malapit na sa kanya ang kapangyarihan ng sanggre naramdaman niya ang init nito, doon niya napagtanto na hindi niya kakayanin ang kapangyarihan ni Alena sapagkat ito ay kasalungat ng kanyang kakayahan "Pashneya!" sigaw niya sapagkat hindi na niya kinaya ang ibinabatong kapangyarihan ng sanggre, at ito ay tinamaan siya kaya siya napahiga sa lupa.

Itinigil ni Alena ang pag-atake kay Demiera habang pinapanood niya itong muling tumatayo "Paano ka nagkaroon ng ganoong kapangyarihan?" tanong ni Demiera nang ito ay tumatayo, at laking gulat niya nang makitang may apoy sa braso ang sanggre ng tubig "Paano?"

"ito ba ang hinahanap mong sagot?" ibinuka ni Alena ang kanyang palad at lumabas ang brilyante ng apoy.

"Paano napunta sayo ang mailap na brilyante? Hindi ba iyan ay nanakaw?"

Tumayo si Alena mula sa pagkakaupo sa trono "sapagkat nagbalik na ang tunay na tagapangalaga ng brilyante ng apoy" at doon ipinakita ng sanggre ang tunay niyang anyo.

Tumayo si Alena mula sa pagkakaupo sa trono "sapagkat nagbalik na ang tunay na tagapangalaga ng brilyante ng apoy" at doon ipinakita ng sanggre ang tunay niyang anyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon