Lumitaw si Demiera sa kanilang pansamantalang kuta sa kagubatan malapit sa Lireo. Dinala niya ang hiyas na walang kupas, para sa pagkakataong tulad nito- na lubha siyang napinsala.
Nang hawakan niya ito naghilom ang kanyang mga sugat at muling nanumbalik ang kanyang lakas.
Ngumiti siya at muling nagbalik sa Lireo upang tuluyan nang sakupin ang kaharian ng mga diwata.
*
*
*
"Yna!" patakbong sinalubong ni Serena ang hara nang dumating ito sa Hathoria "Ano't kasama niyo sila Adamus at Aria?... bakit kayo umiiyak?" lumapit ito sa mga kapwa diwani.
Nakita naman ni Pirena na pumasok sa silid si Mira "Mira anak" pagtawag nito kaya kaagad lumapit ang panganay "Nais kong maghanda kayo dito sa Hathoria, ihanda ang ating hukbo sakaling sugudin rin tayo ng mga alagad ni Demiera"
"Sugudin? Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Mira sa yna.
"Kasalukuyang sinusugod ngayon ang Lireo, kung kaya't kailangan ko nang bumalik para tulungan ang aking mga kapatid. Ikaw na muna ang bahala dito, at sa mga diwani" mabilis na wika ni Pirena.
"Masusunod yna" iyon nalamang ang nasabi ni Mira sa yna.
Lumuhod si Pirena upang kausapin si Adamus at Aria "dito muna kayong dalawa, makikinig kayo sa lahat ng ipag-uutos at sasabihin ni Mira. Naiintidihan niyo ba ako?"
Tumango ang dalawang diwani kaya naman ngumiti si Pirena at hinalikan ang mga ito sa noo. Bumaling siya ng tingin kay Serena "Anak" hinawakan niya ang pisngi nito "maging ikaw, makikinig ka sa iyong apwe. Pakiusap ko sa inyo wag kayong maging pasaway sapagkat seryoso ang kinakaharap natin ngayon... mahal na mahal kita" matagal-tagal din hinalikan ni Pirena sa noo si Serena.
Tumayo siya at humarap kay Mira "Aking panganay; sa iyo ko ipinagkakatiwala ang pangangalaga sa Hathoria at sa mga diwani. Mag-iingat kayo dito anak. Sapagkat hindi ko kakayanin kapag naulit muli ang nakaraan" maluha-luhang wika ni Pirena.
"Maging ako yna. Kaya pakiusap, ingatan mo ang iyong sarili at bumalik ka sa amin ng ligtas" pagluha ni Mira, sabay niyakap ang yna ng mahigpit.
Nagpaalam na si Pirena at siya'y bumalik na sa Lireo. Tinawag na ni Mira ang mga diwani upang sila ay makapagpahinga muna; sinahaman ang mga ito ng mga dama, patungo sa silid nila ni Serena.
Naiwan siya sa punong bulwagan upang kausapin ang mashna "Nais kong higpitan niyo pa ang pagbabantay sa mga moog at magtalaga ka rin ng mga kawal malapit sa pananggalang; at ilan kawal na mag-iikot sa buong hathoria" utos niya sa mashna.
"Masusunod mahal na sanggre"
"At isa pa mashna, sabihin sa ating mga kawal na maghanda sila sa lahat ng maaring mangyari. Nagsisimula na naman muli ang kaguluhan sa encantadia"
Nagbigay pugay ang mashna at tsaka ito umalis upang gawin ang pinag-uutos ng sanggre.
Kausap ni Mira ang ilang dama, para iutos na huwag nilang iwan ang mga diwani ano man ang mangyari, ngunit habang kinakausap niya ang mga ito ay biglang nagevictus si Danaya na inaalalayan si Azulan.
"Ado! Ashti!" kaagad niya dinaluhan ang kanyang ado azulan. "Anong nangyari?"
"Nakaharap niya si Demiera" maikling sagot ni Danaya. Tinawag ni Mira ang mga kawal upang dalhin sa silid nila ni Pirena ang rama ng hathoria.
Pasunod na sana si Mira sa kanyang ado nang magsalita si Danaya "Nandirito ba ang aking anak?"
Tumingin si Mira sa kanyang ashti at sinabing nagpapahinga ang mga diwani sa kanilang silid ni Serena.
Tumango si Danaya at sinabing bibisitahin muna niya ang anak bago bumalik sa Lireo.
*
*
*
Mula sa kanyang kulungan, naririnig ni Cassiopeia ang kaguluhan sa palasyo "Anong nangyayari?" tanong niya sa mga kawal na nagbabantay sa kanya.
Ngunit tinignan lamang siya ng mga ito at nagpatuloy sa pagmamatiyag sa paligid.
Nagulat nalamang siya nang makita si Demiera sa kanyang harapan "Avisala apwe" nakangiting sabi nito sa kanya. tinignan niya ang mga kawal para humingi ang mga ito ng tulong ngunit nakita nalamang niya ang mga ito na wala nang buhay.
Itinapat ni Demiera ang kanyang palad kay Cassiopeia "Mukhang hindi pa nawawala ang bisa ng lasong aking ipinainom sa iyo"
"Anong lason? Anong-" hindi na natapos si Cassiopeia sa sinasabi nang makaramdaman siya ng kirot sa kanyang utak.
"Isa kang bathaluman, kaya't hindi mo ikamamatay ang lason na aking ibinigay. Ngunit sapat na iyon upang ikahina mo at nang mapasok ko ang iyong isip." Paliwanag ni Demiera sa kakambal, ngunit ni isang salita ay walang naintindihan si Cassiopeia.
Ang tanging naririnig niya lamang ay ang matinis na tunog na umuugong sa kanyang tenga; na sinabayan pa ng matinding pagkirot ng kanyang ulo kung kaya't wala na siyang ibang nagawa kundi ang sumigaw sa sakit.
Ibinaba ni Demiera ang kamay at nawala ang kirot sa ulo ni Cassiopeia. Tinanggal niya ang panganggalang na nagkukulong sa bathaluman "Susundin mo ang aking nais Cassiopeia. Magtungo ka sa Sapiro at pabagsakin ang kaharian ng mga sapiryan. Paslangin mo si Cassandra, at kung kinakailangan, maging ang rama at ang yna ng diwani. Patayin mo lahat ng humadlang sa ipinauutos ko sa iyo"
Tumingin si Cassiopeia sa kanya, na tanging itim lamang ang kulay ng mga mata "Masusunod panginoon" sagot ng bathaluman sa apwe; at siya'y nagevictus na patungo sa Sapiro.
Ang hindi alam ni Demiera ang narinig ni Alena ang lahat ng iniutos niya sa kapatid. "Kailangan kong balaan si Ybarro" at siya'y nag-evictus.
Hinanap niya si Ybrahim sa loob ng palasyo at dinatnan niya itong nakikipaglaban sa may Azotea. Tinulungan niya ito at nang magapi nila ang mga vedalje na kanilang kalaban ay kaagad niya sinabi ang misyon ni Cassiopeia sa Sapiro.
"Tanakreshna! Kailangan kong makabalik kaagad sa Sapiro" inis na turan ng rama.
"Poltre Ybarro ngunit hindi kita masasamahan ngayon patungo sa Sapiro, mas kailangan ako ng Lireo"
"Anong nangyayari?" tanong ni Pirena na kaka evictus lamang sa harapan ng dalawa.
"Si Cassiopeia, patungo siya sa Sapiro upang patayin ang aking apo"
"Pashneya! Paano siya nakatakas?" pagtataka ni Pirena
"Mahabang salaysayin. Sa ngayon ay kailangan niyong makarating sa Sapiro" tumingin si Alena kay Ybrahim, at pagkatapos ay kay Pirena "Apwe samahan mo ang rama pabalik ng Sapiro"
Tumango si Pirena at sila'y naglapit ni Ybrahim upang sabay na mag-evictus.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...