Kaagad pumunta si Mashna Mayca sa buwwagan ng Sapiro nang sabihan siyang ipinapatawag siya ng rama.
Siya ay nagbigay pugay Kay Rama Ybrahim na muling nakakunot ang noo "Anong balita San mga tribong nakapaligid sa Sapiro?"
"Nagbalik na ang mga kawal na pinadala natin sa Arjantao, habang si Wahid ay Hindi pa muli nagbabalik galing sa ascano" pag-uulat ni Mayca.
"At Anong ulat paukol sa Arjantao?"
"Ikinalulungkot ko Rama, ngunit tulad Ng ibang pashneya na nakita sa paligid Ng sapiro, sila ay nanigas narin dahil sa sobrang lamig"
Kita ng Mashna ang inis sa mukha ng kanyang Rama "bilisan niyo ang pagpunta sa iba pang tribo, at Kuta malapit sa Sapiro at kaagad ninyong anyayahan ang lahat na manatili muna sa loob ng kaharian" utos ng rama.
Umalis na si Mayca at kaagad ginawa ang inuutos ng rama. Lumapit si Ybrahim sa mapa Ng Encantadia na nakalahad sa kanyang mesa.
Pinagmasdan niya ang malawak na lupaing nakapaligid sa apat na kaharian "gabayan nawa ni Emre ang mga encatado sa labas ng mga pananggalang ito"
Nag evictus ang mga Hara sa harapan ni Ybrahim "mga sanggre..avisal" bati ng rama "batid niyo na ba ang nagaganap sa ibang Encantado?"
"Avisala Rama" pagbati ni Danaya.
"Oo Ybarro kaya kami nagtungo dito sa Sapiro upang malaman ang inyong kalagayan" sagot ni Alena sa Rama.
"Kanina ay may ipinasok na sila Mayca Dito na mga Encatado na pawang nanigas dahil sa lamig" panimula ni Ybrahim "kasalukyan silang inaasikaso Ng mga babaylan sa hilagang Moog"
"Maari mo ba kaming dalhin sa kanila?" Tanong ni Danaya. Tumango si Ybrahim at sila'y sabay-sabay na nagtungo sa kinaroroonan ng mga Encantado.
Nang makarating sila sa kinaroroonan ng mga Encantado, nakita nila na nakahiga ang mga ito sa paligid ng malaking siga na nasa gitna ng silid.
"Rama, mga sanggre" nagbigay pugay ang punong babaylan sa kanila. Itinanong ni Ybrahim kung ano na ang lagay ng mga encantado "mula noong sila ay dalhin dito, kakaunti pa lamang ang ipinagbabago ng kanilang kalagayan, dahil narin siguro na maging ang kanilang mga dugo ay tumigil na sa pag-agos gawa ng lamig"
"Hayaan niyo kaming tumulong" wika ni Pirena at inilabas ang kanyang brilyante. Sinundan naman nila Alena at Danaya ang ginawa ng apwe at muli nilang ginamit ang mga ito upang pabutihin ang kalagayan ng mga encantado.
Pinasalamatan sila ni Ybrahim sa tulong na kanilang ginawa, nag-uusap ang Rama, si Sanggre Alena at Danaya nang magpaalam si Pirena.
"Saan ka patutungo?" tanong sa kanya ni Danaya.
"Kailangan ko magtungo ngayon sa Hathoria at intindihin ang aking mga nasasakupan" nagbigay siya ng isang maliit na ngiti
"Ako ay magbabalik mamaya sa Lireo sa oras na matapos ko ang aking gawain sa Hathoria" at tuluyan na ngang naglaho si Pirena at nagtungo sa kanyang nasasakupan.
*
*
*
Pumasok si Mira sa silid ng apwe at kanya itong nakitang nag-aaral, at ginagawa ang kanilang parusa.
Bumaling ang tingin ni Serena sa kapatid; unang pagkikita palamang ng kanilang mga mata noong oras na iyon batid na ni Mira ang kalungkutan ng bunsong kapatid.
"Ano't ikaw ay malungkot?" tanong ni Mira na tumayo sa likod ng apwe. Hinawakan niya ang balikat nito at marahan siyang nilingon ng kapatid.
"Galit ba sa akin si Yna?" tanong ng paslit.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...