Inaayos ni Pirena ang mga gamit na kakailanganin ni Azulan sa kanilang paglalakbay ni Aquil; nang dumating si Azulan mula sa kanyang paliligo.
Niyakap niya si Pirena na nakatalikod sa kanya at humalik sa pisngi nito. “ang bango naman ng aking asawa” binitawan ni Pirena ang mga hawak na damit at hinarap ang asawa. “Mag-iingat ka, at siguraduhin mong uuwi ka dito ng ligtas!” natawa si Azulan sa tinuran ng asawa, kahit kalian talaga ay pala-utos ito.
Sumang ayon nalamang siya sa tinuran ng asawa at hinalikan ito sa labi. “bago ka humalik ng humalik ay magsuot ka muna ng damit aking asawa” tumingin si Pirena sa asawang tanging saplot pambaba lamang ang suot. “Dalian mo bago pa tayo pasukin ng iyong anak” bumitaw na sa yakap si Pirena at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit ng asawa samantalang nagbihis naman si Azulan.
Inihatid ng kanyang mag-iina si Azulan patungo sa kanilang gagamiting saksakyan. “Ado Azulan, mag-iingat ka” wika ni Mira, niyakap naman ni Serena ang ama, at nagpabuhat dito upang mahalikan niya ito sa pisngi.
Di nagtagal ay dumating narin si Danaya at Aquil kasama si Aria. “sige na kami ay lilisan na” ibinaba na ni Azulan ang kanyang anak at yumakap sa kanyang mag-iina.
Gayon din naman si Aquil na nagpaalam na sa kanyang pamilya.“pagpalain nawa ni Emre ang iyong paglalakbay” wika ni Pirena habang sumasakay ang kanilang mga asawa. “E correi diu” mahinang bulong niya habang kumakaway sa asawang papalayo na sa lireo.
***
Ilang araw na ang nakalipas mula nang lumisan sila Azulan ng Lireo, ngunit patuloy parin ang buhay para sa iba. Ang magkapatid na sanggre Pirena at Danaya ay naglilibot sa mga tribo upang ihanda ang mga encantado sa paparating na taglamig.
Ang mga diwani, ay abala sa kanilang mga aralin at pag-eensayo. Habang si Hara Alena ay namahala sa paghahanda ng Lireo at Hathoria sa nalalapit na pagpapalit ng panahon. Umaasa siya na hindi ito matuloy at magtagumpay sila Aquil na alamin ang tunay na pinanggalingan ng problemang ito.
Si Danaya ay nagtungo sa ascano samantalang si Pirena naman ay nagtunog sa isang tribo na namamalagi kanluran ng gumuhong etheria. Kasama si Mira at ang ilang kawal ng hathoria, namahagi sila ng mga damit panlamig at nagpaalala sa mga encantado na maghanda sapagkat mabilis ang nagiging pagbaba ng temperatura sa buong lupain.
Habang kinakausap niya ang pinuno ng tribo ay dumating ang isang paslit na tila may importanteng sasabihin sa kanilang pinuno. Pinaunlakan ito ng pinuno kasama ng pagsang-ayon ni Pirena. “Kanina lamang aldo kami ng aking apwe ay naglalaro sa may lumang etheria, nang bigla nalamang po nagliwanag ang isang lagusan kung kay-“ hindi na tapos ang sinasabi ng bata dahil sa biglaang pagtatanong ni Mira. Inutusan niya ang paslit na dalhin sila sa lagusan na siyang ginawa naman nito.
Nag-evictus sila patungo sa sinasabi ng paslit, at tama nga ang hinala ni Pirena, ang lagusan ng nakaraan. “Paano ito nabuksan gayon wala naman dito ang orasan?” bahagyang lumapit si Pirena dito, habang sila Mira, ang mga hathor at ang ilang mandirigmang pinasama sa kanila ay nanatili sa kanilang kinatatayuan.
Pinagmamasdan lamang ng lahat ang lagusan nang may biglang lumitaw na encantado sa kanilang harapan. Suot nito ay isang puting kalasag na nagtago sa katauhan nito. “yna!” sigaw ni Mira upang balaan ito, ngunit huli na ang lahat, sapagkat pinatamaan ng encantado ng kanyang kapangyarihan si Pirena, dahilan upang mawalan ito ng malay.
“Pashneya!” sumugod si Mira, na kaagad naman napigilan ng encantado, tulad ni Pirena ay pinatikim rin niya ng bangis ng kanyang kapangyarihan ang batang sanggre at mga kaanib nito. At tulad din ng kanilang Hara, nawalan rin sila ng ulirat.
Lumapit ang encantado sa tagapangalaga ng brilyante ng apoy "Tunay ngang kay ganda ng mga anak ni Mine-a " Pinagmasdan niya ang wangis ni Pirena at bumuntong hininga "sayang nga lang at kailangan mo nang mawala Hara. Sapagkat alam kong isa ka sa magiging hadlang sa aking mga plano".
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanficSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...