Kabanata XLI: Sang'gre

313 19 4
                                    

Mula nang magkahiwa-hiwalay ang mga sanggre at diwani ay marami nang nangyari sa Encantadia. Ang Lireo ay nanatili sa ilalim ng pamumuno ni Demiera. At kahit na labing dalawang taon na ang nakalipas, namamayani parin sa puso ng mga tao ang kabayanihan ng mga sanggre, na taon na buhat nang kanilang makita.

Pitong taon matapos ang sinasabing pagkawala ni Sanggre Pirena nagkaroon muli ng isang malaking digmaan sa pagitan ng mga sanggre at ni Demiera. Ngunit sa kasamaang palad, natalo ang mga sanggre at hindi na muli pang nakita sila Danaya at Alena.

Marami ang nagsasabing patay na ang mga sanggre, isang patunay na daw nito ay nang mapunta na sa pangangalaga ni Demiera ang brilyante ng tubig na noon ay nasa pangangalaga ni Alena. Ito ay kanyang ginamit upang mas palakasin ang kanyang hukbo at ang kanyang kaharian.

Maging ang sapiro ay kanya nang nasakop kaya ang Hathoria nalamang ang nag-iisang Kaharian na nagsisilbing tahanan ng mga Encantadong hindi sunod sa pamumuno ni Demiera.

Ang hathoria ang naging tahanan ng mga Hathor, Diwata, sapiryan, punjabwe, ascano at iba pang tribo sa Encantadia na hindi nanumpa ng katapatan kay Demiera. Sapagkat batid ng iba ang ginawang sumpa ni Danaya noon sa kasalukuyang Hara ng Lireo; na sino mang manumpa ng katapatan kay Demiera ay mawawalan ng buhay sa oras na gamitin nito ang kanyang kapangyarihan.

Si Azulan at Ybrahim ang nagmistulang pinuno ng lahat buhat nang mawala ang dalawang sanggre. Katulong nila ang konseho na binubuo ng mga pinuno ng mga tribong naninirahan sa kaharian.

"May balita na ba paukol sa mga itinakda?" tanong ni Likban na nagmula sa tribo ng mga Buyao.

"Oo nga mahal na hari?" tanong ni Eara na prinsesa ng mga punjabwe at kapatid ng namayapang prinsipe na si Manik.

"Hanggang ngayon ay wala parin tayong komunikasyon sa mga sanggre, ngunit ginagawa na namin nila Rama Ybrahim ang lahat upang makausap ang mga diwani"

"Nasaan ba kasi ang mga sanggre at hindi niyo sila magawang kausapin? Hindi ba't may basbas kayo ng mga brilyante upang mag labas pasok sa Hathoria?" tanong ni Tecai sa Hari ng Hathoria at Rama ng Sapiro. Si Tecai ay galing sa Ascano, siya ang ipinalit ng mga ito kay Wahid na kasabay namayapa noon ni Gilas.

"Ssheda Tecai" turan ni Aquil "Alam mong hindi ligtas malaman ng lahat ang kinaroroonan ng mga diwani." Wika ni Aquil na siya naman kinatawan ng mga diwata.

"Tama si Aquil, mas magiging ligtas ang mga diwani at sanggre kung iilan ang nakakaalam sa kanilang kinaroroonan. Sa ngayon dapat natin pagtuunan pansin ang pangangailangan ng mga encantadong narito sa Hathoria."

Kanilang pinagpulungan ang mga pangangailan ng mga encantadong kanilang nasasakupan, lalo na ang pagkukunan nila ng pagkain.

Dahil sa pansin ni Danaya noon na hindi gaanong maraming puno sa Hathoria, kanya itong pinarami gamit ang brilyante ng lupa, habang binigyan nutrisyon naman ito ni Alena gamit ang brilyante ng tubig. Gumawa narin si Hara Alena ng malinis na pagkukunan nila ng inumin.

Naglalakad palabas si Azulan patungo sa kanyang silid nang marinig niya ang pagtawag ni Eara "Mahal na hari tila nagmamadali ka?" tanong nito.

"May kukunin lamang ako sa aking silid para sa gagawin naming pag-iikot ng rama" tutuloy na sana si Azulan sa paglalakad nang magsalita muli ang prinsesa ng mga punjabwe.

"Nais mo bang sumama mamaya sa maliit na pagsasalo na ginawa ng mga punjabwe? Parang dati lamang" pagtukoy nito sa panahon noong nasa tribo pa si Azulan at Ariana, at silang apat nila Malik ay matatalik na magkakaibigan na laging magkakasama.

"titignan ko kung ako ay makakasama" wika ni Azulan.

"Sige na Azulan. Para naman wala tayong pinagsamahan. Minsan lamang ito maganap, bakit hindi mo pa puntahan" wika ni Eara. Nakangiti siyang nakatingin kay Azulan at hindi niya ito tinigilan hangga't sa hindi pumapayag ang Hari.

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon