a/n: Sana makatulong ang background music nato... *play the vid above*
Natagil ang digmaan, dahil sa pag-urong ng mga kawal ni Demiera. Hindi batid ng mga sanggre kung anong dahilan, at umatras ang mga ito ngunit ipinagpapasalamat na nila ito kay Emre.
Pagbalik nilang lahat sa palasyo ng Hathoria, muling naalala ni Alena at Danaya ang ginawang encantasyon ni Pirena para sa kanyang kaharian.
"Kamangha-mangha ang ginawang iyon ni Pirena... ngunit nasaan siya at hindi niyo siya kasama?" pagtatanong ni Azulan sa mga kapatid ng asawa.
Nagkatinginan naman si Danaya at Alena, hindi niyla alam kung sino ba ang dapat magsabi kay Azulan paukol sa tunay na naganap kay Pirena.
"Azulan" bungad ni Alena. Magsasalita pa sana siya muli ngunit pinutol ni Mira ang kanilang pag-uusap.
"Anong nangyari kay yna?" tanong ni Mira na kapapasok lamang sa punong bulwagan. Napansin nila Azulan na umiiyak si Mira kaya naman nilapitan niya ito upang tanungin kung ano ang nangyari.
"Ashti sagutin niyo ko" iyon lamang ang sinabi ni Mira na nakatingin sa kanyang ashti danaya at ashti hara.
"Mira anong nangyayari at tila galit na galit ka?" tanong ni Azulan sa kanilang panganay.
"Mira aking hadia" lumapit si Danaya at hinawakan ang kamay ni Mira. Nagulat ang lahat nang masaksihan ang pagluhod ni Danaya sa harapan ni Mira at umiyak."Patawarin niyo ako sapagkat hindi ko nagawang ibalik dito ang iyong yna. Hindi ko siya nagawang iligtas. Sinisisi ko ang aking sarili dahil kung dumating lamang ako ng mas maaga ay sana hindi kayo magkakahiwalay ng inyong yna"
Maging si Alena ay napaluha na sa ginawang iyon ni Danaya. Nakita ni Azulan na itinayo ni Mira ang kanyang ashti "Ashti danaya, ano ba talaga ang nangyari?"
Tumingin si Danaya kay Alena, at ibinalik ang kanyang atensyon kay Mira at Azulan "Habang kami ay nakikipaglaban, napansin kong nawala si Demiera, kaya ginamit ko ang aking brilyante upang siya'y mahanap. Akin siyang natunton sa pinakamataas na moog ng sapiro, ngunit nang siya ay aking makita, pinatikim niya kay Pirena ang kanyang kapangyarihan na tumama sa dibdib ng aking apwe. Iyon ang dahilan kung bakit nawalan ng malay at nahulog si Pirena sa moog na iyon."
Umiiling lamang si Azulan, hindi niya nais maniwala sa sinasabing ito ng mga sanggre, hindi maaring mawala si Pirena. Hidni maaring mamatay ang kanyang pinakamamahal na asawa.
"Hinanap namin siya, ngunit hindi na namin nakita ang kanyang katawan"
"Katawan?" nagngingitngit na tanong ni Azulan "Naniniwala kayo na patay na ang aking asawa?" nakita nila Danaya sa mata ni Azulan na hindi nito matanggap ang ibinalita nila sa kanya.
"Azulan..." pagpapakalma nalamang ni Alena.
"Ssheda! Alena. Kung hindi niyo nagawang hanapin ang aking asawa, ako na mismo ang maghahanap sa kanya. at sinasabi ko sa iyo ibabalik ko siya dito ng buhay at ligtas" paalis n asana si Azulan nang pigilin siya ni Mira.
"Ado... wala na si Yna" umiiyak na turan ni Mira. Lumingon si Azulan sa kanyang panganay at lumapit dito.
"maging ikaw ay nawalan narin ng pag-asa na buhay ang iyong yna?" tanong ni Azulan dito. "Mira! Ano't pinanghihinaan ka na ng loob?"
"sana nga ay pinanghihinaan lamang ako ng loob ado. Ngunit hindi." Hinawakan ni Mira sa balikat ang kanyang ama-amahan "habang nakikipaglaban kayo kanina, lumitaw ang brilyante ng apoy sa kamara ng Hathoria." Sa sinabing ito ni Mira, at parang nawalan na ng lakas si Azulan at napaluhod nalamang sa sahig.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...