Kabanata LIV: Unang Hakbang

334 15 11
                                    


Malalim na ang gabi nang lumabas ng kanyang silid si Pirena. Tumingin siya sa paligid upang tignan kung may ibang nilalang na gising pa ng mga oras na iyon.

Ikinatuwa niya na tanging siya at ang mga bantay na kawal nalamang ang nasa pasilyo at wala na ang mga dama, na maaring magkalat ng mga balita.

Naglakad siya tungo sa tagpuan nila ni Alipato, isang silid sa kadulo-duluhan ng palasyo "Pirena" napalingon siya nang may mahinang nagsabi ng kanyang pangalan. Nakita niya ang mga apwe na naglalakad patungo sa kanya.

"Nagbalik na ba si Alipato?" tumango siya at sila ay sama-samang naglakad patungo sa silid.

Pagdating nila doon, nakita nila si Alipato na nakatayo katabi ng isang sako, na batid nilang naglalaman ng isa sa mga masha ni Demiera.

"Avisala mga sang'gre" pagbati ni Alipato.

"sa aking nakikita mukhang nagtagumpay ka" nakangiting wika ni Danaya.

Tinanggal ni alipato sa sako ang nilalang kaya naman bumagsak itong nakasubsob sa sahig. Nakagapos ang mga kamay at paa nito at may busal sa bibig. Dahil sa pagbagsak, naharangan ng buhok nito ang kanyang mukha kaya naman lumapit si danaya at iniayos ito ng upo kasabay ng pag-alis ng busal ng encantada.

"Mga pashneya! Anong gagawin niyo sa akin?" galit na sabi nito. Hinawi ni Danaya ang buhok na nakaharang sa mukha nito.

"Kilala kita" napatingin ang encantada sa nagsalita at laking gulat niya nang makita si Sang'gre Pirena na nakatayo sa kanyang harapan "Ikaw ang encantadang iniligtas namin noon"

"Buhay ka?!" nanlalaki ang mata ng encantada habang nakatitig sa sanggre ng apoy. Sapagkat akala nila tuluyan na itong namayapa.

"Oo Pirena, siya si Khalida. Isa siya sa mga iniligtas natin noon, na buong puso natin tinanggap sa Lireo. Na ang tanging iginanti sa atin ay pagtataksil" dugtong ni Danaya.

"Kung gayon, Khalida, humanda ka na. sapagkat ikaw ang magiging daan upang mabawi naming muli ang Lireo" nakangising sabi ni Pirena, na inilabas ang kanyang brilyante.

"A-anong gagawin mo sa akin?" tanong ni Khalida, na unti-unti nang nawawalan ng lakas.

Bumagsag sa sahig si Khalida, na wala nang init ang katawan. Binawi ito ng brilyante ng apoy, "Danaya" pagbibigay daan ni Pirena sa bunsong kapatid.

"Aking brilyante" pagtawag dito ni Danaya "Inuutusan kitang itago mo ang katawan ng encantadang ito sa pader ng silid na ito, nang sa gayon ay walang makakita sa kanya at makahadlang sa aming mga plano" iyon ay ginawa ng brilyante, kaya naman unti-unting nilamon ng lupa ang katawan ni Khalida.

Hindi patay ang encantada, bagkus siya ay napasailalim sa malalim na pagkakahimbing, tulad ng ginawa ni Pirena noon kay Mira. Iyon ang nilinaw ni Pirena sa kanyang mga apwe.

"ngayon Malaya na natin magagawa ang ating mga plano." Wika ni Alena sa mga kapatid.

"Hindi pa alena, may isa pang hakbang" ani ni Danaya kaya naman siya ay tinignan ng mga kapatid at ni Alipato.

"Ano ang hakbang na sinasabi mo sanggre danaya?" tanong ni Alipato.

"Kailangan natin makisigurado na hindi malalaman ni Demiera na ikaw ay isang huwad. Kaya kailangan mong malaman ang pamamaraan ng pananalita, pagkilos at mga nalalaman ni Khalida" wika ni Danaya.

Ngumiti si Pirena "Mukhang alam ko na ang nais mong mangyari".

Kinabukasan, maagang ipinatawag ng magkakapatid si nunong imaw sa tanggapan ni Pirena. Kanilang ginamit ang balintataw ng adamyan upang alamin ang nakaraan ni Khalida upang ito ay kanilang mapag-aralan at magawa nila ng maayos ang kanilang pinaplano.

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon