Kabanata XXVI: Hagupit ni Demiera

342 18 3
                                    


Nang makaalis ang mga diwani ay lumapit na sila Pirena sa kapatid na Hara.

"Ayos ka lamang ba Pirena?" tanong ni Alena. Tumango si Pirena at nagpasalamat kay Danaya sa pag gamot sa kanyang mga sugat.

Pinaltan naman ni Azulan si Mira sa pag-alalay sa asawa. Habang si Mira ay tumabi na muli kay Lira.

"Muros" pagtawag ng hara sa kanyang mashna "pag-igtingin ang pagbabantay sa mga moog at lagusan ng lireo" utos ni Alena dito "hindi ko nais na may makapasok dito na hindi ko nalalaman"

"Masusunod Hara" nagbigay bugay ang mashna at tsaka umalis para sundin ang utos nito.

Bumaba naman si Alena at pumunta sa kanyang mga kapatid. "Kailangan natin lagyan ng pananggalang ang Lireo, Hathoria at Sapiro" wika ni Danaya.

Sabay-sabay nagtungo ang mga tagapangalaga ng brilyante sa Azotea, bumitiw pansamantala si Pirena sa asawa na sinigurado na kaya na niya.

Nang umalis sila Pirena, umalis na rin si Azulan at nagbalik sa Hathoria.

Tinignan nalamang ni Mira ang ama-amahan na umalis at nagtaka kung bakit ito nagmamadali "Saglit lamang lira" pagpapaalam nito sa pinsan at sinundan si Azulan.

"Ado" lumingon si Azulan nang marinig ang boses ni Mira "Saan ka patutungo?"

Tumingil siya sa paglalakad at humarap kay Mira "Babalik lamang ako sandal sa Hathoria, may kailangan lamang akong asikasuhin" ngumiti si Azulan at siya'y nagpatuloy na sa paglalakad.

Pagdating sa Azotea ng mga tagapangalaga ng brilyante, inilabas nila ang mga brilyante ng lupa, apoy, tubig at diwa "Mga brilyante ng encantadia, inuutusan natin kayong bigyan ng isang pananggalang ang lireo" panimula ni Pirena.

"Walang sino man ang makakapasok at makakalabas dito nang walang pahintulot mula sa aming apat" dagdag ni Danaya

"sundin ang aming nais" pagkasabing iyon ni Alena, sabay-sabay nagbato ng kapangyarihan ang mga brilyante sa kalangitan at na bumagsak din at pumalibot sa buong lireo.

Nang makita nila ang pananggalang na mayroon ang Lireo ay kaagad sinabi ni Alena na sila ay kailangan nang magtungo sa Sapiro "Dama, tawagin mo si Rama Ybrahim" wika ni Alena.

*

*

*

Kadarating lamang ng mga sanggre mula sa Hathoria nang lumapit si Mira sa kanyang yna.

Tumingin naman si Pirena sa mga kasama at sinabing mag-uusap lamang silang mag-ina kung kaya't nauna na ang mga ito sa bulwagan.

Sabay na binaybay ng mag-ina ang pasilyo patungo sa isa sa mga azotea ng lireo.

"Ano ang iyong nais sabihin Mira?" pagtatanong ng hara sa anak.

Bahagyang napatigil si Mira sa paglalakad, kaya't medyo nauna si Pirena. Nang kanyang mapansin na hindi na niya kasama ang panganay ay lumingon siya at tumigil sa paglalakad.

"Anong problema?" nag-alala naman kaagad ito dahil mukhang seryoso ang nais sabihin ni Mira.

"Yna" inaral niyang mabuti ang mukha ni Mira "buhat nang pumasok si Serena sa kanyang silid ay hindi siya tumigil ng kakaiyak"

"At bakit?" mas nag-alala naman si Pirena para sa anak "nasaktan ba siya kanina? May sugat ba siya? Anong nangyari sa iyong apwe?" sunod-sunod na tanong ng hara.

"Wala yna, walang ano mang sugat o gasgas ang aking apwe" nakahinga naman ng maluwag si Pirena sa narinig ngunit gayon pa man nagtaka siya kung bakit iiyak ng ganoon ang anak.

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon