Kadarating lamang nila Pirena at Azulan sa Lireo at kaagad nila hinanap sa mga dama ang kanilang mga anak.
"Poltre Hara, ngunit wala dito si Sanggre Mira" wika ng damang kanilang napagtanungan "Sapagkat hinahanap nila ni Sanggre Lira ang mga diwani"
"At nasaan ang mga diwani?" mabilis na tanong ni Azulan.
"Hindi po naming alam sapagkat sila'y tumakas kanina habang sila'y nagsasanay"
"Mga ashtadi!" inis na wika ni Pirena.
"May pinagmanahan naman hindi ba?" napalingon si Pirena sa nagsalitang rama.
Natawa naman ang rama sa itsura ni Pirena na halatang mas nabwisit sa sinabi niya.
"Maari mo na kaming iwan" sabi ni Azulan sa dama at hinarap narin ang rama.
"Kanina pa ba wala dito sila Mira?" tanong ng punjabwe
"Kani-kanina pa sila umalis ni Lira" sagot ng rama "Sa katunayan ay susundan ko ang mga sanggre"
"hayaan mong sumama ako Rama" pagboboluntaryo ni Pirena, sasama pa sana si Azulan ngunit sinabi ng kanyang asawa na dito nalamang siya at maghintay sa pagbabalik ng kanilang mga anak dahil baka magkasalisi pa sila.
Sumangayon naman si Azulan sa sinabi ng asawa. Tumabi si Pirena kay Ybrahim at sabay silang naglaho.
"Pashneya!" sigaw ng rama paglitaw nila sa dalampasigan, sapagkat sinikmuraan siya ni Pirena habang ginagamit nila ang evictus.
"para sa pang-iinis mo sa kin" nakangising sambit ni Pirena.
"Nagbalik ka na nga Pirena" muling pang-aasar ng rama.
Ngumiti nalang ng pilit si Pirena at sinabing simulan na nila ang paghahanap sa mga diwani.
Una silang pumunta sa pinagdarausan ng pagsasanay doon nakita nila si Muros na kausap ang mga kawal.
"Magsama pa kayo ng iba pang kawal. Kailangan makita kaagad ang mga diwani" Kanilang narinig na wika ng mashna.
"Muros" nang sila'y makita ng mashna ay kaagad itong nagbigay pugay. Itinanong nila kung saan huling nakita ang mga diwani "Sa kubol na iyon Hara" itinuro ni Muros ang kubol.
Nilingon ni Pirena ang itinuro ni Muros at siya'y napabuntong hininga "May pinagmanahan nga" sabi niya at siya'y nag-evictus.
Hindi naman mapigilan ni Ybrahim na pangangiti sa itsura ni Pirena "Anong nakakatawa Rama?" tanong ni Muros
Ngunit hindi siya sinagot ni Ybrahim, imbis ay lumakad ito palampas sa kanya.
*
*
*
"Ang bagal mo talaga Aria!" natatawang sabi nila Adamus sa pinsan.
"Maabutan ko rin kayo!" tumatawang wika ng diwani.
Nagpapaunahan sa pagtagpo ang mga diwani na ngyaon ay nasa dalampasigan. Lagi nila itong ginagawa kapag sila ay tinatamad mag ensayo.
Ang nanalo sa kanilang maliit na paligsahan ay si Adamus na tumalon pa sa tuwa dahil siya muli ang nanalo at pinakamabilis sa kanilang apat.
"Laban pa!" tumatawang asar ng lalaking diwani.
"Ngayon ka lamang muli nanalo Adamus, huwag kang mayabang" derechong sabi ni Aria "Mauunahan din kita"
Sa sinabing iyon ni Aria ay natawa ang iba pang diwani "Kung gayon ay kailagan mo pa ng madaming ensayo" sagot ni Cassandra.
"Tayo na at magbalik... baka galit na naman si Mashna Muros" salita ni Serena.
Pabalik na sana ang mga diwani nang biglang magpakita sa kanila ang isang encantadong nakasuot ng putting baluti, "Vedalje!" sigaw ni Aria.
Patakbo na sana ang apat ngunit nakuha ng vedalje si Cassandra. Binuhat ito ng encantado naka puti kaya't nagtatatadyak sa hangin ang diwani ng sapiro "Bitawan mo ko!" sigaw ng diwani ng sapiro.
"Narinig mo ang sinabi niya!" lumingon ang encantado sa nagsalita at na kaagad siyang sinuntok kaya niya nabitawan ang diwani.
"Pirena" wika ng encantado, narinig niya ang isa pang tinig kaya lumingon siya at kanyang nakita ang mga batang sanggre.
"Mira Evictus!" sigaw ni Pirena sa mga ito at siya ngang itinakas ang mga diwani.
"Pashneya!" ginamit ni Pirena ang kanyang sandata upang sugatan ang kalaban, na kanyan naman nagawa.
Nasaksak ito ng siklab sa tagiliran, ngunit sabay nito ay nasaksak din si Pirena sa tagiliran.
"Tanakreshna!" sabi ng encantado, na pilit inaayos ang tindig at binabalewala ang sakit na nadarama.
"Sa pagkakataong ito sisiguraduhin kong magwawakas na ang iyong buhay" hinarang ni Pirena ang sandata na dapat ay itatarak nito sa kanya, ngunit sinipa siya nito, at kumuha muli ng bwelo para siya ay saktan.
"Ashti!" pinatamaan ni lira ng kanyang kapangyarihan ang encantado kung kaya't tumalsik ito.
"Yna!" lumapit si Mira sa yna at sabay-sabay silang nag-evictus pabalik ng lireo.
Nadatnan ng tatlo sa bulwagan ang mga diwani kasama si Ybrahim; Magkakatabi ito at kaharap ang hara alena.
"Pirena!" kaagad tumakbo si Danaya sa tabi ni Pirena na nakaupo sa sahig at inaalalayan nila Mira. Napatingin naman ang lahat sa mga bagong dating na sanggre
Marahan niyang hinawakan ang sugad ni Pirena "Anong nangyari sa iyo?"
"Aray!"sigaw ni Pirena nang makaramdam ng sakit dahil sa paghawak ni Danaya "Warka!" pinandilatan ng mata ni Pirena ang kapatid na kaagad naman humingi ng patawad sa kanyang apwe.
Inilabas na ni Danaya ang kanyang brilyante at inutusan itong pagalingin ang sugat ng apwe.
Nang maghilom na ang sugat ni Pirena ay muli siyang tinanong ng kapatid sa nangyari.
"Nasa kanlurang parte ng dalampasigan ang mga diwani nang magpakita ang encantado at binihag si Cassandra, kaya't pinatakas ko sila Mira nang madala sa ligtas na lugar ang mga diwani" Unti-unting tumayo si Pirena, na inaalalayan ng kanyang panganay na anak.
"Ang nais ko lamang malaman, ay bakit naandoon ang mga diwani" lumingon ang mga sanggre sa noon ay mga nakukunsensyang diwani.
"yna" wika ni Serena.
"Ssheda" salita ni Ybrahim "binigyan na ba kayo ng pahintulot magsalita?" galit na turan ng rama.
"Dahil sa tigas ng inyong ulo, ay muntik pa kayo mapahamak at nasaktan pa ang iynong ashti" wika ni Danaya.
"Sino ang pasimuno ng inyong pagtakas?" tanong ni Azulan na katabi ni Serena.
Sabay-sabay na yumuko ang mga diwani at ni isa ay walang nais na magsalita. Nagkatinginan ang mga sanggre kaya't nagsalita na si Alena "Kayong apat ay hindi pinapahintulutan lumabas sa inyong kanya-kanyang silid; at gagawan niyo ng sanaysay ang lahat ng kalatas na iyong binahasa buhat nang kayo ay magsimulang magbasa" wika ni Alena.
Napanganga naman ang mga diwani sa parusa nang kanila ng Hara "ngunit ashti gaano kadami iyon?" tanong ni Serena.
"Kung mahilig kayo magbasa, maipapayo ko na magsimula na kayo ngayon" Ngumiti si Alena sa mga diwani.
"Mga dama, dalhin niyo na ang mga diwani sa kanilang mga silid at simulan na ang kanilang parusa" utos ni Danaya.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...