Nang marinig nila Pirena at Danaya ang boses ni Demiera sa labas, mas minadali nila ang pagtunaw sa yelo na siyang kinaroroonan ng kapatid "Tanakreshna! Wala nang ibibilis to?" tanong ni Danaya sa panganay niyang kapatid.
Inilabas ni Pirena ang kanyang brilyante, at tinawag si Alipato, sabay nilang tinunaw ang kinaroroonan ni Alena. Kaagad nasambot ni Danaya ang kapatid na walang kamalay-malay sa nangyayari "Alena..." pilit niyang pang gising dito.
"Danaya, wala nang panahon kung hihintayin pa natin magkamalay si Alena, halika na" kumapit sila sa isa't-isa at sabay-sabay na nag evictus paalis ng kweba.
Lumitaw sila sa isang bakanteng kubol sa adamya, "Maari ka nang magbalik sa akin ipinapapagawa" wika ni Pirena sa gabay diwa ng brilyante. Tumango si alipato at siyang naglaho na paalis.
"Anong iyong iniutos kay alipato?" tanong ni Danaya sa kanyang apwe.
"mamaya ko na sasabihin sa iyo, sa ngayon kailangan natin pagtuunan pansin si Alena." Iniayos nila ang higa ng kapatid at sabay nilang inilabas ang kanilang mga brilyante "aming mga brilyante, inuutusan namin kayong ibalik ang init at sigla ng aming apwe. Ibalik ninyo siya sa amin"
Kaagad sinunod ng mga brilyante ang utos ng dalawang sanggre, unti-unting bumalik ang sigla at kulay ni Alena. Hanggang sa imulat niya ang kanyang mata.
Una niyang nakita si Danaya na siyang nakangiti sa kanya "Apwe" hinawakan ni Danaya ang pisngi ng kapatid na halatang kinikilala pa siya.
"Danaya?" tanong ni Alena dito, lubos naman ikinatuwa ni Danaya nang marinig na magsalita ang kanyang kapatid. Umupo si Alena at kaagad siya niyakap ni Danaya. Ipinikit ni Alena ang mga mata habang yakap-yakap ang bunsong kapatid, ninanamnam ang bawat Segundo na sila ay magkasama.
Sa kanyang pagmulat tumama ang kanyang paningin sa beywang ng isang encantadang na suot ang kalasag ni Pirena. umakyat ang tingin niya hanggang sa mukha nito at laking gulat niya nang makita si Pirena na may malaking ngiti sa kanya.
"Pirena?!" bumitiw sa yakap si Danaya na tinignan ni Alena sa mata. Nakita ng hara ng lireo ang ngiti at pagtingin ni Danaya kay Pirena. Ibig sabihin, hindi siya namamalikmata, totoong naandito si Pirena.
"Ako nga apwe" mas lalong nasiguro ni Alena na totoo ang mga nagaganap nang marinig na magsalita si Pirena. Lumapit si pirena sa kapatid at yumakap dito "Masaya ako at kasama ka na namin" humiwalay si Pirena sa kanyang pagkakayakap "Kamusta ang iyong pakiramdam?"
"Maayos naman ang aking nadarama, at masaya din akong malaman na buhay ka apwe, at magkakasama na tayo" niyakap muli ni Alena ang kanyang edea, at inanyayahan si Danaya na sumama dito, na masayang yumakap rin sa kanyang mga kapatid.
*
*
*
Nagpahanda ng isang maliit na pagsasalo sila Ybrahim at Azulan para sa pagdating ng kanilang mga mahal na diwani. Isang umagahan na tanging pamilya lamang ang dadalo at ilang parte ng kunseho.
Silang lahat ay nakaupo sa palibot ng isang malaking mesa, at masayang nakukuwentuhan, liban kay Adamus, na lubos parin nalulumo dahil sa nalamang pagkawala ng kanyang yna.
Maging si Aria, ay hindi gaano ngumingiti dahil hindi parin nakikita ang kanyang yna, o hindi man lamang nila alam kung buhay pa ito. Siguro nga pare-pareho ang kapalaran nilang magpipinsan, hindi man lamang nila naiburol ang kanilang mga pinakamamahal na yna.
"Aria anak, adamus, kumain na kayo" wika ni Aquil sa mag pinsan nang makitang hindi pa ito nagsisimulang kumain. Tumingin at matipid na ngumiti si Aria na sinimulan, nang kumuha ng pagkain. Ngunit bago siya kumukha para sa kanya, sa plato ni Adamus niya ito inilagay.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...