Magkakausap ang magkakapatid nang pumasok si Azulan kasama si Aquil, Hitano at Muros.
"Nandito na pala kayo" lumapit si Azulan sa asawa na nakaupo sa kabisera, humalik siya sa sentido nito at umupo na sa kanyang upuan.
Si Aquil naman ay tumabi kay Danaya na katabi ni Alena. Habang sila muros at hitano naman ay umupo nalamang kung saan libre.
Nang dumating na si Imaw ay nagsimula na nag pagpupulong. Tumayo si Muros "Kahapon, inutusan kami ni Rama Azulan na magmanman pansamantala sa Lireo. Upang alamin kung ano ang susunod na hakbang ng ating mga kalaban.
Matapos natin umalis doon, nagkalat na ang mga alagad ni Demiera sa loob at labas ng lireo. Nakakita din kami ng mga encantadong bihag ng mga ito. Ngunit hindi iyon ang ating malaking suliranin" pag-uulat ni Muros.
Tumayo si Hitano at siyang nagpatuloy ng pag-uulat "Habang kami'y nakatago sa kagubatan labas ng Lireo, ay yumanig ang lupa; di kalauna'y isang makapal at mataas na pader ang pumalibot sa lireo. Ito ay gawa sa yelo at sa tingin naming ni Muros ay hindi basta-basta matitinag ang ginawa nilang pader"
Nagkatinginan ang mga sanggre, "Hindi niya kayang maglagay pananggalang sa Lireo kaya't isang pader ang kanyang ginawa" wika ni Alena.
"Matalino" sagot naman ni Pirena kaya kaagad siya tinitigan ng mga kapatid "bakit?" tanong nalamang niya sa mga kapatid. Napailing nalamang si Alena bilang tugon sa apwe.
"ang brilyante ni amihan?" mabilis na tanong ni Danaya nang maalala nasa kamara ng mga brilyante.
"Hindi mo na kailangan alalahanin pa yan Danaya" ipinakita ni Pirena ang brilyante sa kanyang mga kapatid.
"Paano sumama sa iyo ang brilyante?" tanong ni Danaya.
"Hindi ko rin batid kung paano sumama ang mailap na brilyante ng hangin. Ang tanging ginawa ko lamang ay pakiusapan ito na sumama sa akin" wika ni Pirena.
"Ngayon sigurado tayong nasa atin parin ang lahat ng brilyante, kailangan na natin pagtuunan pansin kung paano natin makukuha muli ang Lireo" saad ni Alena.
Sa kalagitnaan ng kanilang pagpupulong, pumasok si Lira sa tanggapan ng reyna. Nakasuot ito ng gayak pandigma kaya naman naalarma ang lahat.
"Lira anong nangyayari? Bakit suot mo ang iyong-" hindi na pinatapos ni Lira ang kanyang ashti Danaya.
"Ang sapiro! Sinasalakay nila Demiera sila itay. Kailangan namin ang iyong tulong mga ashti" napatayo kaagad ang mga sanggre, at nagtabi-tabi upang silang tatlo ay magpalit ng pandigma.
*
*
*
Sa gitna ng kanilang pakikipaglaban sa mga vedalje na sumalakay sa Sapiro, ay naramdaman ni Pirena ang presensya ni Demiera, ito ay kanyang sinundan.
Kanya itong sinundan hanggang sa makarating sila sa tuktok ng isa sa pinakamataas na moog ng sapiro "Anong iyong binabalak Demiera?" bulong ni Pirena sa sarili.
Nakita niyang itinaas ni demiera ang kanyang mga kamay at nagsimula nang lumabas ang kanyang kapangyarihan "Kung ano man ang iyong binabalak, itigil mo na ngayon palang" wika ni Pirena sa kaaway.
Napatigil sa kanyang ginagawa si Demiera at lumingon sa sanggre "Ikaw na naman Pirena. Masyado ka nang nagiging sakit ng aking ulo" at tsaka niya binato ng kpangyarihan ang sanggre.
Umilag naman kaagad si Pirena, ngunit kailangan niya mag doble ingat sapagkat isang maling hakbang ay maari siyang mahulog sa mataas na lugar na ito.
Kaaayos palamang ni Pirena ng tindig nang sumugod si Demiera sa kanya; kaagad niya ito nasalag ng kanyang sandata, ngunit hindi tumigil si Demiera sa pagsugod sa kanya.
Sa tangkang pagtatanggol ni Pirena sa sarili hindi niya namalayan na isang hakbang nalamang palikod ay mahuhulog na siya sa moog. Kaya nang umatake muli si Demiera, siya ay tuluyan nang nahulog.
Iyon ang nasaksihan ni Danaya nang makarating siya moog- ang kanyang edea na pinatamaan ni Demiera ng kapangyarihan kaya ito nawalan ng malay at nahulog. "Pirena!" sigaw ni Danaya at tsaka nito malakas na binato ng kapangyarihan si Demiera.
Nang tumalsik ang kalaban sa kabilang sulok ng moog, kaagad tumakbo si Danaya upang tignan ang apwe, ngunit wala na ito. Pinilit niya itong tanawin ngunit hindi na niya makita si Pirena, sa dami ng encantadong naglalaban sa baba.
"Pirena!!" sigaw niya muli, nagbabakasakaling marinig siya ng panganay na kapatid ngunit hindi, wala sumagot o nagpakita man lang sa kanya.
Lumingon siya nang marinig ang pag unggol ni Demiera na ngayon ay nagsusumikap umupo, "Pashneya ka!" galit na galit sumugod si Danaya sa sinaunang diwata na sinakal ito sa leeg gamit ang kanang kamay.
Habang ang kaliwa niyang kamay ay inilabas ang brilyante ng lupa "Isinusumpa ko! Sa bawat pagkakataon na gamitin mo ang iyong kapangyarihan, ay magiging bato ang mga nilalang na sumumpa sa iyo ng katapatan, hanggang sa sila ay maubos! at tuluyan kang mag-isa!" pasigaw na sumpa ni Danaya sa kalaban.
Yumanig ang lupa sa sumpa ni Danaya, kaya naman pansamantalang napatigil ang labanan, sa pagsusumikap ng bawat isa na manatili sa kanilang mga kinatatayuan.
Maging si Alena ay nagtaka kung bakit yumanig ang lupa kaya kaagad niyang hinanap si Danaya, dahil narin sa pag-aalala.
"Maghanda ka na sa iyong kamatayan!" itinago ni Danaya ang brilyante at sinakal na ang vedalje gamit ang dalawang kamay "Para sa aking kapatid!"
Ngunit sa galit ni Danaya hindi niya nabatid na nakuha na pala ni Demiera ang punyal na nakatago sa kanyang bota. Itinarak niya ito sa tagiliran ni Danaya kaya ito napabitaw sa kanya.
Sinaktuhan naman ito ni Demiera ang tulak sa sanggre at siya ay nag-evictus palayo dito.
"Pashneya!! Demiera bumalik ka dito!" galit na galit na sigaw ni Danaya.
*
*
*
Magkakasama si Azulan, mira, paopao, hitano, muros, Aquil at ang mga mashna ng Hathoria sa tanggapan ng reyna. Kanilang pinag-uusapan kung paano pa mas pahihigpitin ang seguridad sa Hathoria, lalo na ngayon kay daming encantado ang naninirahan sa kaharian.
Nakatayo silang lahat sa paligid ng bilog na mesa, kung saan nakalatag ang mapa ng encantadia.
"Sakaling tama ang ating hinala na ang hathoria na ang isunod ni Demiera, dito natin sa likod ng hathoria idadaan ang mga diwani" itinuro ni Mira ang isang lihim na lagusan na ipinagawa ni Pirena noong unang taon niyang umupo bilang hara ng hathoria.
"Saan ang labas ng lagusang ito?" tanong ni Aquil.
"Sa hangganan ng Hathoria, malapit sa sapiro" sagot ni Azulan "Sakaling mailabas natin dito ang mga diwani, Mira... alam mo na ang iyong gagawin" tumingin si Azulan sa kanyang panganay.
Malungkot na tumango si Mira sa kanyang ado, "susunod ako sa nagpagkasunduang plano ado. Hindi ko hahayaang may mangyari sa mga diwani"
"Maging ako mahal na hari. Ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat maproteksyunan lamang ang mga diwani" wika ni Paopao na kaharap ni Mira.
Tumango si Azulan "Mga mashna" pagtawag pansin ni Azulan sa mga ito "Kagaya ng sinabi ng mga sanggre, siguraduhin na hindi makakapasok sa loob ng hathoria ang mga vedalje. Batayan lahat ng lagusan papasok at palabas ng Hathoria, at siguraduhin na handa ang ating mga kawal sa maaring mangyari.
Muros, ihanda ang mga pulutong at iposisyon mo na sila sa kanilang dapat kalagyan. Aquil, ikaw na ang mamuno sa paglikas ng encantado, sakaling makapasok sa pananggalang ang mga alagad ni Demiera.
Hitano, habang wala ang mga sanggre, tayo ang sasalubong sa mga vedalje sa labas ng Hathoria. Hindi na natin sila hahayaan makapasok o makalapit man lang dito. Paopao, mga sanggre, alam niyo na ang inyong gagawin?"
Nang sumang-ayon ang lahat sa tinuran ng hari ay tinapos na nila ang pagpupulong at naghanda para sa ipagtanggol ang hathoria.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...