Lumabas si Mira sa kanilang silid upang maglakad-lakad sapagkat hindi pa siya dinadapuan ng antok.
Nagpunta siya sa azotea malapait sa kanilang silid. Tanaw niya ang kalangitan, at ang hardin na pinagawa ng kanilang yna para sa kanilang magkapatid.
Dumantay si Mira sa pasimano ng azotea at napangiti nalamang siya nang maalala ang dating itsura ng Hathoria kumpara sa ngayon.
Dati na puno ito ng kadiliman at tila hindi niya nanaising mamalagi dito. Ngunit ngayon, halos maari mo na ito ihalintulad ang ganda nito sa Lireo.
Sa tulong ng kanyang mga ashti, at ng mga brilyante itinayo muli nila Pirena ang Hathoria at ibinalik ang dating ganda nito bago pa man isumpa ni Mine-a.
Kasabay nito ay tinanggal narin ni Pirena ang sumpa ng kanyang yna sa mga hathor kung kaya't lalong dumami ang umanib sa bagong Hathoria
Ang mga pasilyo ng Hathoria ay napuno na ng liwanag, lalo na ang punong bulwagan, dati ay mukha lamang itong minahan na nilagyan ng isang trono; ngunit nang umupo si Pirena ay dinaig pa nito ang bulwagan ng Lireo.
Ang madilim na bulwagan noon ay napuno ng liwanag, ang mga haligi at pader ay kininis at nilagyan ng mga bintana nang sa gayon ay mas maraming liwanag ang pumasok at magpaganda dito.
Nakatindig man sa isang bundok, ay sinigurado ni Pirena na ligtas ang hathoria para sa kanyang mga anak. Inayos niya ang kinaroroonan ng palasyo, nang minahan at gawaan ng mga sandata.
Kaya naman lubos ang pasasalamat ni Mira sa kanyang yna sa ginawa nito para sa kanilang magkapatid.
Nakaramdam na ng antok si Mira at siya ay nagpasya nang bumalik sa kanilang silid, paalis n asana siya sa kinatatayuan nang makita niyang lumabas sa hardin si Azulan at tila hindi ito Masaya.
Nakatalikod man ang kanyang aldo Azulan, batid ni Mira na may problema ito "Sinabi na kaya ni yna?" tanong niya sa sarili.
Umalis siya sa Azotea at nagdesisyon na pumunta sa silid ng yna upang malaman nito kung ano talaga ang nangyari.
Nasa may pinto na siya ng silid ng mga magulang nang marinig niya na tumatangis si Pirena. Doon palamang ay alam na niya ang naganap, kung kaya't hindi na niya itinuloy pa ang kanyang balak.
Umalis doon si Mira at nagdesisyon na sa kanyang aldo nalamang magtungo. Nakatayo siya sa may labasan patungo sa hardin ng marinig si Azulan na kausap ang sarili.
"Pashneya Azulan! Bakit ka nagseselos sa isang encantadong matagal nang namayapa!" bwisit na sabi nito sa sarili.
"Wala nga sa sarili hindi ba? Bakit ba hirap na hirap ka tanggapin?" dagdag pa nitong sermon.
"Ado" biglang napalingon si Azulan at nakita si Mira na may maliit na ngiti sa kanya. Ngayon ay para na niyang pinagsisihan na kinakausap niya ang kanyang sarili.
"Mira ano't gising ka pa?" sinabi sa kanya ng sanggre na hindi pa siya dinadapuan ng antok "Ah ganoon ba sige, mauna na ko" nilagpasan na ni Azulan ang batang sanggre nang magsalita ito.
"sinabi na sa iyo ni Yna ang nangyari sa nakaraan" tumigil si Azulan sa kanyang kinatatayuan at lumingon kay Mira.
"Ado, noong maalala ni Yna ang lahat, lubos siyang nagsisi sa kanyang nagawa noon limot niya tayo. Kaagad siyang nakipaghiwalay sa aking ama..." lumingon na si Mira sa kanyang ado Azulan.
"Ngunit mapaglaro ang tadhana, sapagkat hindi pumayag si Ado Gamil dahil narin sa pagdadalang diwata ni Yna." Lumapit siya sa kanyang ado
"Hindi alam ni Yna na narinig ko ang kanilang naging pag-uusap noon. Nang sabihin sa kanya ng aking ado na hindi niya hahayaan ibang ama ang kilalanin ng aking apwe"
"anong kanyang sinabi?" tanong ni Azulan
"Na iiwanan sa kanya ni Yna ang sanggol bago kami bumalik" hindi man gusto ni Azulan ang tinuran na iyon ni Gamil, naiintindihan niya ito sapagkat isa rin siyang ama.
"hindi man sabihin ito sa akin ni Yna, batid ko ang lungkot at pangamba sa kanyang mukha. Hindi man niya gusto iwanan ang sanggol, ay wala na siyang ibang magagawa... nais niyang makabalik dito, para sa ating pamilya"
"ngunit hindi ba namatay ang sanggol?" muling tanong ni Azulan
"Na ikinadurog ng kanyang puso. Ngunit kilala mo si yna, hangga't kaya niyang sarilinin ay gagawin niya. Simula noong nalaman niya na ang lahat, wala siyang ibang inisip kung hindi sa papaanong paraan niya aaminin sa'yo ang lahat"
Hinawakan ni Mira ang kamay ni Azulan "Ado mahal na mahal ka ng aking yna. Pakiusap, wag mo hayaan sirain kayo ng isang pagkakamaling lubos niyang pinagsisisihan"
Hinigpitan niya ang hawak sa kanyang ado "tunay ang pagmamahal niya sa iyo. Hindi tulad ng kay ado Gamil na kaya niyang talikuran kaagad para sa iyo. Ado ikaw ang pinili ni Yna kaya pakiusap ko hayaan mo ang iyong puso na magpatawad" Ngumiti si Mira at bumitaw na sa kanyang ado Azulan.
Nagpaalam na siyang matutulog at nagsimula nang maglakad pabalik ng kanyang silid.
Iniwan niya si Azulan upang makapag isip-isip sa kung ano man ang kanyang dapat gawin. Bumalik sa hardin ang rama ng Hathoria, at umupo sa damuhan.
Tumingala siya at tumitig sa dalawang buwan ng encantadia. Kanyang naalala ang hiniling niya dito dati...
Kakukuha lamang ng mga retre noon sa mga nasawi sa isla ni Cassiopeia, kanyang napagmasdan kung paano gumuho ang mundo ng hara ng hathoria sa pagkawala ng anak.
Masyado siyang nabagabag nang makita niya si Pirena na halos mawalan ng hininga kakaiyak sa bangkay ng anak. Tunay ngang makikilala mo lamang ang isang tao kapag siya'y lubmok na lubmok.
Hindi maintindihan ni Azulan ang kanyang nadaramang pag-aalala para sa hara. Nais niyang yapusin ito baka sakaling maibsan ang sakit na nadarama, ngunit ano nga naman karapatan niya?
Lumabas siya ng lireo nang gabing iyon at pinagmasdan ang payapang kapaligiran. Isang kapayapaang handog ng pagluluksa ng mga diwata; tumingala siya sa langit at kanyang nasilayan ang mga buwan ng encantadia.
"Sana kahit papaano ay maiparamdam ko sa kanya ang aking pagmamahal" tumigil siya pagsasalita nang maisip niya ang kanyang sinabi.
Mahal? Mahal na nga ba talaga niya ang hara ng Hathoria? Ang encantadang kay taas ng tingin sa sarili, ngunit matapang at walang inuurungan.
Hindi niya alam kung ano ang nadarama, sapagkat ito ang unang beses na nangyari ito sa kanya. "hindi ko alam kung ito nga ba'y pagmamahal na kung ituturing, ngunit wala na akong ibang hangad kung hindi ang kahit paano ay mapagaan ang bigat na kanyang dinadala" pagpapatuloy niya sa kanyang sinabi.
"Sana tulad ng buwan ay mabigyan ko kahit kaunting liwanag ang kanyang buhay, maging maliit na parte lamang ako nito ay sapat na sa akin"
Ngumiti si Azulan nang maalala niya kung paano niya hiniling sa mga bathala na maging parte ng buhay ni Pirena; na mas higit pa ang iginawad sa kanya ng mga bathala, hinayaan siya ng mga ito na maging kabiyak nito at ama ng kanyang anak.
"Avisala Eshma Emre dahil ibinigay niyo sa akin si Pirena"
Tama si Mira, hindi dapat ito ang maging dahilan kung bakit masisira ang kanilang pamilya. Madami-dami narin silang pinagdaanan ni Pirena at hindi sapat na dahilan ang gamil na iyon para mawala ang pamilyang kanyang pinahahalagahan.
"Hindi mabubuwag ng iisang pagkakamali ang pagmamahal ko para sa kanya" Muling ngumiti si Azulan habang nakatingala at nakatitig sa langit.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...