Saglit na namahinga si Pirena sa kanilang silid. Hindi niya ito ginusto, ngunit pinilit siya ng asawa dahil sabi nito ay kailangan ito ng hara.
Habang ang hara ay pansamantalang natutulog, ipinagutos ng hari ng hathoria sa kanilang mga mashna na siguraduhin na mahigpit ang pagbabantay sa mga moog at lagusan sa Hathoria.
Nang makapag-ulat ang mga mashna niya na maayos at mahigpit ang kanilang pagbabantay, nagtungo si Azulan sa kanilang silid.
Nakita niya doon si Pirena na nahihimbing nang suot ang baluti nito "Tignan mo, pagod na pagod ka ni hindi mo nga pinaltan ang iyong suot" lumapit ang hari sa kanyang reyna at hinalikan ito sa noo.
Sa pagdampi ng kanyang labi sa noo ng asawa ay iminulat ni Pirena ang kanyang mga mata "Azulan, nandirito ka na pala" umupo si Pirena kaya napaurong nalamang si Azulan "may problema na? ayos lamang ba ang Hathoria?" tanong nito sa asawa.
"Ayos lamang ang lahat, binibisita lamang kita" umupo si Azulan sa kama at hinawakan ang pisngi ng asawa "Mukhang pagod na pagod ka mahal kong reyna"
"Na hindi ko dapat iniinda sapagkat mas kailangan ako ng encantadia ngayon" patayo na sana si Pirena nang pigilan siya ni Azulan.
Tumingin nalamang ang hara sa kamay ng asawa na nakahawak sa kanya "Pirena, magpahinga ka muna... paano mo magagawang ipagtanggol ang Hathoria kung maging ikaw ay wala nang lakas tulad ng iyong mga apwe"
Pansin niya na napaisip din ang hara sa kanyang sinabi "Kaya sige na bumalik ka na sa iyong pahinga, ako na muna ang bahala dito"
"Magpapalit muna ako ng aking kasuotan" wika ni Pirena bago tumayo upang gawin ang sinabi.
"Gusto mo bang samahan pa kita?" tanong ni Azulan, kaya naman tinignan siya ng masama ni Pirena.
"Baka ano pa ang magawa natin kapag sumama ka" nakangiting sagot ni Pirena at tsaka ito umalis.
Naiwan naman si Azulan na nakangiti sa kanilang kama; hindi pa nakakablaik si Pirena nang maisipan ni Azulan na silipin sila Serena sa silid ng mga ito.
Dahil malaki ang silid ni Mira, doon na muna namalagi ang mga diwani. Ngunit dahil narin hindi sila kasyang lahat sa iisang kama ay nagpadagdag si Mira ng isa pang kama para sa kanilang dalawa ni Lira.
Ninais ng dalawang sanggre na samahan nalamang ang mga diwani sa iisang silid nang sa gayon ay sigurado sila na ligtas ang mga ito.
Nang dumating si Azulan sa silid ng mga ito, nakita niyang nahihimbing ang mga diwani, siguro ay pagod sa mga naganap kanina. Lumabas na siya at inutusan ang mga kawal na higpitan ang pagbabantay sa mga ito.
Sa kanayang pagbabalik sa kanilang silid, dinatnan niya si Pirena na nagbabasa ng kalatas sa kanilang kama "hindi ba sinabi kong magpahinga ka na?" sabi ng hari na lumakad patungo sa asawa.
"Tambak ang aking gawain, ano ang-" pinutol ni Azulan ang sinasabi ng asawa sa pamamagitan ng halik sa labi. Kasabay ng kanyang paglayo ay ang pagkuha niya sa kalatas na hawak ng hara.
"Magpahinga ka na, mamaya na ito. Sige na isang mahimbing na pagtulog mahal kong hara" humalik siya sa noo ng hara at kinumutan ito.
Inilabag niya ang kalatas sa mesa malayong sa kanilang kama upang hindi ito maabot ni Pirena; at tsaka naman niya pinatay ang ibang kandilang nagbibigay liwanag sa kanilang silid nang sa gayon ay maging masarap ang paghimbing ng asawa.
"E correi diu" mahinang sabi ni Pirena bago ito pumikit.
"Mahal na mahal din kita" sagot naman ni Azulan bago tuluyang lumabas ng silid.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...