Kabanata XVI: Bagong suliranin

361 19 9
                                    


Kasalukuyang nagbabasa si Alena ng kalatas sa kanyang tanggapan nang pumasok sa silid si Aquil at Muros. Matapos magbigay pugay ay kaagad iniulat ng dalawa ang mga napag-alaman nila sa kanilang pag-iikot.

"Mahal na Reyna, ikinalulungkot naming sabihin na hindi pa namin nakikita ang encantadong nakaharap ni Sanggre Lira noong nakaraang araw" pag-uulat ng mashna.

"Ngunit may nakapagsabi sa amin ni Muros, na may nakakita sa Encantado sa isang parte ng kagubatan kanluran ng adamya" ibinalumbong ni Alena ang kalatas na hawak at iniabot sa dama.

"Nasiyasat niyo na baa ng parteng iyon ng kagubatan?" tanong ng hara.

"Oo hara, ngunit wala kaming nakita na hindi ordinaryo sa lupaing iyon kung kaya't nagbalik na kami dito sa Lireo" paliwanag ni Aquil.

"Nais ko na tawagin ninyo si Danaya pupunta kami sa sinasabi niyong lugar" pansin ni Alena ang pagtataka sa mukha ng mga mashna kaya siya'y nagsalit muli.

"Hindi sa minamaliit ko ang inyong pasisiyasat aking mga mashna, ngunit sa tingin ko ay ikinubli ng ating kalaban ang kanyang sarili gamit ang kanyang kapangyarihan"

*

*

*

Ginamit ng magkapatid na Sanggre ang kanilang evictus patungo sa parteng iyon ng kagubatan. Sa ulo ni Alena ang parteng ito ng gubat kung kaya't batid niyang tama ang ulat nila Aquil- wala nang mali sa lugar na ito.

Ganoon pa man may hindi tama sa kanyang paningin, lumakad siya patungo sa kanluran nang makaramdam siya nang enerhiya nang gagaling sa kalayuang hilaga mula sa kanyang kinatatayuan.

"Danaya" mahinang tawag niya sa kapatid, lumapit si Danaya at sabay nilang inilabas ang kanilang mga brilyante "Brilyante ng Tubig at Lupa, ipakita niyo sa amin kung anong lihim ang itinatago ng pananggalang na sa amin ay humahadlang"

Tama nga ang hinala ni Alena, dahan-dahang nawala ang pananggalang na gawa ng encantado at kanilang nasilayan ang isang kweba na ngayon lamang niya nakita.

"Kailan pa nagkaroon ng kweba dito?" tanong ni Danaya sa kapatid na Hara, ngunit miski si Alena ay walang sagot sa katanungang ito ng apwe.

Pinasok nila ang kweba lumakad lamang sila ng lumakad sa gitna ng kadiliman, napatigil sila nang makaaninag ng isang liwanag mula sa kadulo-duluhan ng kweba.

Ito'y kanilang pinuntahan, nang malapit na sila dito, ay pinakiramdaman nila ang paligid at ginamit ni Danaya ang brilyante ng lupa upang malaman kung naroon ang encantado, ngunit hindi ito maramdaman ng kanyang brilyante kung kaya't maingat nilang pinasok ang silid.

Doon tumambad sa kanila ang silid na kapwa pamilyar sa kanilang dalawa "Bakit ito katulad ng silid sa-"

"Lireo" pagtatapos ni Danaya sa sinasabi ng kapatid na hara.

Lumapit si Alena sa mesang nakatindig sa isang sulok ng silid, binuksan niya ang isa sa mga lalagyan nito. Kanyang nakita ang isang payneta na may gayak na mga rubi at gemante.

Lumipat ang atensyon ni Alena nang tawagin siya ni Danaya, "tignan mo ito" hawak-hawak nito ang isang kalatas.

Tinignan ito ni Alena "paanong..." naguguluhang tanong ni Alena nang makita ang mga nakalagay dito "iyan ay..."

"ang mga diwani" ang laman ng kalatas ang ay mga guhit ng mukha ng mga munting diwani na sila Serena, Cassandra, Adamus at Aria.

Biglang kinabahan si Alena nang hawakan niya ang kalatas. "Ang uri ng papel na ginamit dito ay iyong madalas gamitin noong panahon ng mga etherian" inalala ni Alena ang mga itinuro ni Imaw sa kanya noong siya isang paslit palamang

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon