Chapter 1: Ang Magulo kung Buhay

9.2K 224 1
                                    


TYLER POV

Naalimpungatan ako dahil ang ingay sa labas. Rinig ko ang boses ng aking ama na yumayanig sa buong mansyon. Hindi ko mapigilang makisusyo kaya tumayo ako upang puntahan sila.

Nang narating ko ang silid ay nakita ko ang namumutlang mukha ni nanay Mig. Nanginginig itong nakayuko habang madiin ang paghinga niya.

Hindi narin kaya ng konsensya ko na halos araw-araw nalang niya pinagalitan si nanay Mig kaya tuloy naisumbat ko kay dad ang maling ginawa niya.

"Dad? Ano po ba ang nangyari bakit napasigaw kayo? Palagi nyo na pong pinagalitan si nanay Mig at halos araw-araw na yata. Sana po tigilan na po ninyo na sigawan siya. Alam nyo naman pong nerbyuso si nanay." kalmado kung salita sa kanya.

"Tang-ina!! Wala akong paki-alam kung nerbyuso yang nanay-nanayan mo!! Ang tanga!! Ilang taon ng naninilbihan dito pero ang bubo parin. Simpling pagtimpla ng kape! Palpak parin!!" galit nitong sabi habang dinuduro ito.

"Dad? Wag nyo naman pong gawin yan kay nanay!! Kung galit ka sa kanya idaan nyo naman po sa mabuting usapan." seryuso kung salita sa kanya habang patuloy ang paghimas sa likod ni nanay Mig.

"Bwesit!! Wala akong paki-alam sa matabang hampaslupa na yan!! Bugok at ang tanga-tanga!! Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit tanga ka rin! Dahil puro kagaguhan ang itinuro niya sayo! Mga walang kwenta kayo!! Mas mabuti pang umalis kayo sa aking harapan baka maibato ko sa inyo tung coffee maker sa pagmumuka niyo!!" galit nitong sabi kaya tahimik kaming umalis sa harapan niya.

Masakit para sa akin ang mga binitawang salita ni Dad. Simula kasi nuon ay ganito na ang pakikitungo niya sa amin.

Matagal ng may galit si dad sa akin dahil nabastos ko ang kompare niya sa neguyso na si Henry Gokengwei. Nang dahil sa aksidente ay nagbago ang pakikitungo nito sa akin. Malaki rin kasi ang dagok ng negusyo niya dahil nawala ang taong tutulong sana sa kanya na mas lalong palaguin ang negusyong itinayo nito.

Nang dahil sa isang basong juice na aksidenting nabuhos ko sa suit ng matanda ay ikinancel lahat ng mga transaksyong may kasangkot sa negusyo ng ama ko. Kung hindi sana ako nag-volunteer na pagsilbihan ang matanda ay hindi sana nangyari iyon. Kasalanan rin naman kasi ng kapatid ko na si Chad dahil sinadya niyang tampalin ang paa ko kaya nangyari iyon.


Malaking dagok para kay daddy ang pangyayaring iyon kaya nagtatanim ito ng galit sa akin.

A moment later.....


Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ni nanay Mig. Ubos ang dalawang basong tubig na ininom niya dahil sa ilang ulit nitong pag-iyak.

Dalawampong taon narin ang paninilbihan ni nanay Mig sa mansyon. Sa dalawampung taong paninilbihan niya ay tiniis niya ang mga masasakit na salita ng aking ama. Napamahal narin kasi siya sa amin kaya nahihirapan siyang umalis.


"Nay, Ako na po ang humihingi ng paumanhin sa ginawa ng ama ko kanina. Alam kung subrang sakit ng mga sinabi niya sayo pero wag nyo nalang po intindihin baka na-estress lang po yun sa negusyo niya" nakangiti kong sabi sa kanya sabay himas sa malapad nitong likod.

"Anak, Patawarin mo ako dahil nadamay ka kanina. Gusto ko na sanang umalis dito kaso mamimiss ko kayo ng kuya mo at hindi ako mapakali basta hindi ko kayo kasama. At salamat pala kanina ha dahil iniligtas mo ako sa talim ng bibig ng iyong ama. Nagkamali kasi ako sa pagtimpla ng kanyang kape kaya napagalitan ako tuloy. Akala ko kasi puting asukal yung nalagay ko sa kape niya. Yung asin pala na mukhang asukal ang nalagay ko." buntong hiningang salita nito habang pinunasan ang mga luhang umuuga sa kanyang mga mata.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon