Chapter 42: I slept with him

3.5K 113 39
                                    

Note: Hindi pa na.edit

Hirap palang umiwas sa taong nais ko sanang iwasan. Tadhana yata ang nagbigay sa amin ng pagkakataon na ipagtagpo kami kahit tutol yung sarili ko.

Naging mas maalap narin ako sa kanya pagkatapos nang pangyayari kanina. Tudo iwas ang aking ginawa upang hindi ko sya makita. Iniwasan ko sya dahil sa naramdaman kung hindi makontrol kapag malapit sya at may galit parin ako sa kanya dahil sa mga ginawa nya sa akin kaya bumaba ang kompyansa ko sarili.

Alas otso na ng gabi pero hindi ko alam kung paano ko harapin si Tristan. Pagud na kasi ako kaya kailangan ko naring magpahinga.

Nandito sya sala ngayon at nanunuod ng TV. Akay nya yung pusang ipinangalan ko. Nais ko sanang sabihin kay Tristan na gusto ko ng matulog kaso pinangunahan ako ng hiya at kaba.

Umupo ako sa kaliwang bahagi ng upuan sa sala. Nasa kanan kasi sya pero naasiwa parin ako sa presinsya nya.

Ngunit ibinaling nya ang tingin sa akin na nouy nakafocus sa pagpanuod ng TV. Ngumiti ito habang inalis nya ang pusa na natutulog sa paa nya. Tumayo sya at kusang hinakbang ang kanyang mga paa papunta sa kinaruonan ko.
Tatayo sana ako ngunit hinarang nya ang sarili sa harapan ko.

"Iniiwasan mo ba ako?"nagtatakang tanong nya sa akin.

Panuyong tingin ang kanyang ginawa pero umiwas ako at kusang iniyuko ang aking ulo. Nakaramdam ako ng ibayong kaba ng idinampi nya ang kanyang dalawang kamay sa pisngi ko kaya magkapantay narin yung tingin naming dalawa dahil inangat nya ang mukha ko. Nangungusap ang kanyang mata ng tumingin ako sa kanya.

"Wag na wag mong ilayo yang tingin mo sa akin dahil magagalit ako. At wag mo ding ilayo ang sarili mo sa akin dahil alam kung kanina mo pa ako iniwasan." malakas na tuno nitong salita sa akin.

Hawak parin nya ang mukha ko pero pabaling-baling ng deriksyon ang tingin ko. Nahihirapan kasi ako lalo na't kung makita ko yung mata nyang nangungusap at may ipahiwatig.

Idiniin nya ang paghawak sa pisngi ko para magkapantay narin yung tinginan namin pero ang mas ipinagkaba ko ng inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko kaya natungko nya ang tip ng ilong ko.

Dama ko ang hininga nya na dumampi sa balat ng mukha ko. Amoy ko rin yung pepperment candy bawat paghinga nya.

Inalis nya ang kamay sa mukha ko pero hawak na naman nya ang batok ko. Inilapit nya ang aking sarili sa kanya at buntong hiningang hinalikan ako sa nuo.

"Tama nga ang sinabi nila. Hindi madidiktahan ang puso kung sino ang tinibok nito." pabulong na sabi nito.

"Ngayon alam ko na ang tunay na kahulugan ng pag-ibig." dagdag sabi nito kaya mas lalo akong kinabahan dahil sa mga binitawan nitong mga salita.

Hindi ako umimik. Wala rin akong maisasalita sa kanya at kusang linukob ang aking sarili sa pagtataka. Ilang besis narin nya akong sinaktan pero ngayon umamin sya sa kanyang naramdaman. Hindi ko alam kung seryuso ba sya sa mga sinabi nya pero tagus sa puso lahat yung binitawan nyang salita.

Binitawan narin nya ang paghawak sa batok ko pero inilapit nya ang kamay nya sa kamay ko. Ilang saglit pa ay dama ko yung mainit na malambot nyang palad na dumampi sa kamay ko.

"Matulog na tayo. Alam kung pagod ka na kaya kailangan mo ng magpahinga." pag-alalang sabi nito. Hahakbang na sana sya papunta sa taas pero pinigilan ko. Magkahawak parin yung kamay namin pero kusang inalis ko ito sa pagkahawak nya.

"Dito lang ako sa ba.ba Tristan. Baka hindi ka komportable kapag nandun ako sa kwarto mo." nakayuko kung sabi sa kanya. Nahihiya parin ako sa kanya at nanibago rin kaya idiniin ko ang pagyuko.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon