Chapter 52: Muntikan na!!

2.1K 79 16
                                    

I promise I will edit the previous chapters that you read already. May mga event kasi sa esturya na hindi nagkatugma lalo na sa Panahon..

Intindin nyo nalang po..

================================================================

Tristan Pov


Gulat ang naging reaksyon naming lahat. Halos hindi kami makapaniwala sa rebelasyon niya.
Nakanganga kaming nakatingin sa kanya habang siya naman ay naiilang dahil sa naging ekspresyon namin.

Kinakabahan ako dahil katabi ko ngayon ang kapatid ng hinahangaan ko at hindi ko maiwasang manghinala na kasama niya ang kapatid nito.

"Kung ga..yun ay nan..dito rin ang kapa..tid mo..?" utal-utal na tanong ko sa kanya.

Wala akong respond na narinig sa kanya. Blankong ekpresyon lang ang naging reaksyon nito.

Halong kaba at excitement ang naramdaman ko ngayon at nagbabakasakaling makita ang inidolo ko kaya hindi maiwasang ilinga ang aking sarili sa paligid at hinanap ang taong inaasam kung makita.

Kahit madilim ang paligid at maingay dahil sa musikang jazz na ipantugtug nang Dj at mga sari-saring ingay galing sa iba pang mga besita ay makikita ko parin ang mukha ng ilan-ilan dahil sa ilaw ng party light.

Lahat ng mga bisita ay nagsasaya at sumasabay sa indayog ng musika maliban sa tatlong tao na ngayo'y nakatingin sa amin.

Bumilis ang tibok ng aking puso at mas lalo akong kinakabahan dahil ang tao na ngayoy nakatingin sa amin ay walang iba kundi si Kent kasama ang dalawang kaibigan nito.

"Kent!!" mahinang sambit ko.

Halata sa mukha nito ang pagiging emosyonal habang nakatuon parin ang kanyang tingin sa amin. Maging ang mga kaibigan nito ay nag-alala para sa kaibigan nila.

Naguguluhan ako kung bakit ganun ang naging reaksyon niya. At mas lalo akong nagtataka dahil ang taong tiningnan niya ay ang binatang kasama namin.

Nacurious ang iba kung kasama lalo na si Chad dahil ang atensyon ko ay nabaling kay Kent kaya napalingon rin ito at itinuon ang kanilang pansin sa tiningnan ko.

Ilang sandali pa ay mabilisang lumakad ang dalawang kaibigan ni Kent at pumagitna ito sa kanya. Mabilisan din ang kanilang paghakbang habang idinikit ang gilid ng kanilang katawan kaya nawala sa paningin namin ang mukha ni Kent.

"Chad? Anong ginawa mo dito?" gulat na sambit ni Angela.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Magkakilala pala sila.

"Angela? Zach? Ba..kit kayo nandi..to?" utal nitong tanong pero di parin mawala ang pagkabigla nito.

"Nandito kami para magbakasyon.. Oh iyon nga!! Yun ang pakay namin dito." hindi siguradong sagot ni Zach. Lalong naguguluhan si Chad dahil sa inasta ng dalawa kaya hindi ko maiwasang maghinala na may tinatagong lihim ang mga ito.

"Ha? Magbakasyon? Isang buwan na kayong nawawala tas sasabihin niyong nagbabakasyon kayo!! Ang taas naman ng bakasyon niyo!! At..at halos lahat ng mga guro sa MU ay tinatanong ako kung nasaan kayo. Nababaliw na nga ako sa kakamessage sa inyo pero di kayo nagrereply!!" galit na turan nito. Hindi kami makapaniwala sa nasaksihan namin. Tuloy naging interesado kami sa usapan nila

"At ikaw naman Zach. Ilang ulit kong sinabi sayo na ipaalam mo sa akin kapag hinahanap mo si Tyler!! Hindi rin naman ikaw ang nag-alala sa kalagayan ng kapatid ko!!! Ako rin naman!!" dagdag sabi nito na ikinabigla ko.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon