Chapter 30: Selos

2.5K 92 6
                                    

Note: Hindi pa na-edit

*TYLER POV*

Takot ang namumuo sa aking sarili ngayon. Hindi ako makahinga dahil sa subrang higpit ng kanyang pagkasakal at pagdampi ng likod ko duon sa pinto ng refrigerator. Kita ko ang kanyang mata na nanlilisik sa galit kaya nagtataka ako kung bakit siya nagkaganito.

"Ple.ase Tristan.. Bitawan mo ako. Hin..di ako maka..hinga." pagmamakaawa kung salita sa kanya. Hindi parin nya ako binitawan sa pagsakal kaya napaimipit nalang ako sa sakit dahil sa kanyang ginawa.

"Ang hindi ko gusto sa isang tao ay walang ibang gawin kundi ang maglandi. Hindi ka ba nahihiya sayong sarili. Bestfriend ko pa iyong linalandi mo! Isa kang taong walang dignidad at rangal sa sarili kaya kung ako sayo layuan mo iyong kaibigan ko. Kasi bakla ka at higit sa lahat isa kang lampa na panget! Wag mung biktimahin iyong kaibigan ko sa kalandian mo baka mapaano pa kita."mahinang salita nito sa akin habang diniin parin niya ang pagsakal. Kita ko sa kanyang mata na nanlilisik sa galit pero ibinaling nito ang tingin sa ibabang parte ng aking mata.

Bigla nalang nya akong siniil nang halik na syang ikinabigla ko at sapilitang ipinasok nya ang dila sa bibig ko. Sinakal nya parin ako kaya wala akong magawa kundi nagpahalik sa kanya kahit tutol sa kaluoban ko. Parang tuod akong nakatayo ngayon habang patuloy parin sya sa kalaswaang ginawa nya. Gusto kung magmakaawa na itigil nya ang ginawa nya pero hindi ko kaya dahil lalo nyang diniin ang halik nito sa labi ko. Ilang saglit pa ay bumitaw narin ito sa pagsakal at tumigil narin ito sa paghalik sa akin.

Hindi ko sya tiningnan at kusang yinuko ang aking sarili upang itago ang iyak ko. Nasasaktan ako sa ginawa nya dahil hindi lang pisikal na pasakit ang ginawa nya sa akin kundi emosyonal narin.

"Diba iyan ang gusto sa mga taong malandi. Gusto nang mapupusok na halik. Nagustuhan mo ba o gusto mo pa?" mahinang sabi nito sa akin. Galit parin ito base sa boses nya.

Itinaas ko ang aking ulo at tumingin sa kanya. Nabigla ito nang nakita nyang umiyak ako pero nangibabaw parin ang galit na ekspresyon nito. Pinahiran ko ang aking mga luha gamit ng braso ko.

"Alam mo Tristan ikaw yata ang pinakagusto kung tao na maging kaibigan. Wala akong ibang pangarap kundi iyon kahit ilang besis mo akong ipagtaboy at sabihing walang kwenta. Kahit ilang besis mong sabihin sa akin na bakla ako, panget, malandi, lampa at duwag pero iyon ang ninais ko na maging kaibigan sayo. Masakit sa akin Tristan ang mga iyon pero bakit? Bakit ang lupit mo sa akin? Bakit sa taong gusto kung maging kaibigan ay mas inilayo pa ng tadhana na hindi kami palapitin sa isa't-isa. Okey lang iyon sa akin Tristan. Kahit patayin mo pa ako at saktan ng ilang besis basta gusto kita. Gusto kitang maging kaibigan." hagulhul kung sabi nito sabay punas nang aking mga luha.

"Gusto kitang maging kaibigan dahil alam kung may bakante pa ako dyan sa buhay mo. Kahit pilit kung isik-isik ang aking sarili sayo na sana magbago iyong pakitungo sa akin. Na sana balang araw matutunan murin akong kaawaan kahit ilang besis akong magmakaawa sayo. Pero alam mo kahit tarantado ka gusto kitang protektahan kasi nangako ako sayo."

Yumuko nalang ako at hindi parin mapigilang umiyak. Walang sabi umalis ako sa kusina at pumunta sa sala upang kunin ang bag na naiwan ko. Nakita ko duon si Fretz na may halong pag-alala sa kanyang mukha habang tumingin sa akin. Bumitaw ako ng pilit na ngiti sa kanya at kusang inilayo ang aking sarili sa sala.

Lumabas narin ako sa bahay na walang paalam sa mga taong nakatira duon.

*TRISTAN POV*

Napamura nalang ako sa aking sarili habang sinuklay ang sariling buhok gamit ang kamay ko. Paikot-ikot ako sa kusina at iniisip ang nangyari kanina.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon