Chapter 7: They Meet

4K 131 0
                                    

Isang buwan narin ang nakaraan ng nagplanuhan nila nanay Migs na paaralin ako sa isa sa mga sikat na unibersidad dito sa cebu na pagmamayari ni dad. At hindi narin ako tumututol total para naman sa kabutihan ko yung ginawa nila. Malaki nga ang pasalamat ko sa kanila dahil napag-isipan pa nila na papaaralin sa kabila ng kahirapan sa buhay.

Business ad yung kinuha ko dati sa manila kaya nagpasyahan namin na ipagpatuloy ang nasimulang kurso dito sa cebu. At tatlong araw nalang ay magsisimula na ako bilang isang mag-aaral.

....

....

Nandito ako ngayon sa kwarto at minabuting isinuot ang eyeglass at wig na ibinigay nila sa akin. Mukhang malayo talaga sa dati kung mukha ang kaanyuhan ko ngayon. Hindi narin ako matatawag bilang isang napakagwapong lalaki na si Tyler James Pielago dahil pinalitan narin ang kaanyuhan at pangalan ko bilang Kent Alexander Andulana.

Ilang besis narin akong lumabas sa bahay at maramirami narin akong nakilala sa labas. Mabuti naman makikitungo ang mga tao dito sa Baranggay Ermita kaso ang iba ay mga chismoso at chismosa. Sila kasi ang type na mga tao na pinakaayaw ko.

"Oh anak mukhang spooting ka ngayon. Saan ang punta mo?" Tanong ni nanay migs sa akin.

"Sa mall lang po nay, may bibilhin lang." Sagot ko nito sabay posisyon ng wig sa ulo ko.

"Nak mag-ingat ka sa mga tambay dyan ha. Maraming mga adik ngayon na hindi pa natukhang baka mapagtripan ka. Mabuti kaya kung isama mo si Aaron sa kanto para may kasama ka." alalang sabi ni nanay habang abala sa paghiwa ng ampalaya.

"Wag na nay kaya ko naring protektahan ang sarili. Alam mo naman marunong akong magkarate at maga-arnes. Isang suntok ko lang sa kanila baka tumba sila kaagad." pabiro kung sabi sa kanya sabay himas ng aking braso.

"Hahhah.... Ikaw talaga anak. Sige na umalis ka na. At wag mong hubarin yang suot mung buhok baka may makakilala sayo. Ingat anak" huli nitong saad sa akin.

Umalis narin ako sa bahay at sinimulan ang paglalakbay papunta sa colon. Palingalinga ako sa tabi ng daan at nakita ko duong ang mga batang naglalaro. May mga tao rin na nagtitinda ng pagkain na masayang inalok sa akin ang tinda nilan. Pasikot-sikot ang daan na aking binaktas. Eskwater kasi ang ermita kaya minabuti kung matandaan ang dinadaanan ko.


May ilan-ilan ring mga tao ang tumititig sa akin. Hindi ko narin sila inintindi sapagkat baguhan ako dito kaya ganun sila makatitig sa akin.


Nang makalabas ako ng baranggay ay sa wakas nakahinga narin ako ng maluwag.

Pumara ako ng jeep papunta ng SM. Sumakay narin ako at tumabi sa isang lalaking besi sa pagswipe ng google map. Habang paandar yung jeep ay kumuha ako ng pera upang ipamasahe. Ngunit naiilang ako sa lalaking katabi ko. Kanina pa kasi ito nakatingin sa akin.


Ngunit laking gulat ko ng makita ang kabuohan ng kanyang mukha. Dahil kilala ko ang lalaking katabi ko ngayon at hindi ako nagkamali. Bakit sya nadito? Syet!!

"Manong dito lang ako" Madaling sabi ko sa driver sabay bigay ng pamasahe ko.



Mabilis akong lumabas at hindi na lumingon pa. Kahit malayo pa ang mall ay lalakarin ko nalang total alam ko naman tamang lokasyon. Sumunod parin sa akin si Zach. Tangna!! Wag muna ngayon Zach. Kailangan ko munang magpakalayo sa inyo.

"Tyler!! Alam kung ikaw yan?" sigaw nito sa akin kaya bumilis ang aking paghakbang.



Syet!! Ang tanga ko!! Ang sakit ng paa ko. Bakit pa kasi paharang-harang ang bato na yan!!





"Tyler naman!! Nandito ka lang pala." ngising salita nito at tinulungan akong tumayo.


"Pasinsya na sir pero hindi kita kilala. Nagmamadali kasi ako dahil importante ang pupuntahan ko." kunwari kung salita sa kanya.

"Pa.sinsya na!!! Mag.kamukha kasi kayo ng kai.bigan ko kaya sinun.dan kita" utal nitong sabi sa akin.


"Ganun po ba sir. Sige alis napo ako. Ingat po kayo." huling sabi ko sa kanya habang paika-ikang lumakad.


"Sandali!! Hindi lang magkamukha. Magkaboses rin kayo." takang salita niya.

"Ha? Nagkakamali kayo sir. Hindi ako ang taong hinahanap mo. Hindi kasi kita kilala." pikit balikat kung salita sa kanya.

Sunodsunod na buntong hininga ang binitawan niya. Patawarin mo ako Zach! Ayaw ko kayong madamay sa problemang meron ako. Susuluhin ko lang muna ito.



"So.rry!" ikling sabi nito kaya madaling umalis ako sa harap niya.




Dumating ako sa mall saktong alas nwebe y medya. Hindi narin ako nagpatumpiktumpik pa kaya linibot ko ang aking sarili sa kaluoban ng mall. Bibili sana ako ng bag at iba pang mga materyales pam-paaralan kaso hindi ko alam kung saan. Kaya nagpasyahan kung magtanong nalang.

Saktong may dumaang isang lalake kaya doon nalang ako nagtanong sa kanya kung saan ang school supply section.

"Kuya saan po ba dito ang school supply section" tanong ko sa kanya.

Tumingin ako sa kabuhan ng kanyang mukha at bigla akong natulala dahil gwapo rin ang mukong. Ang ganda kasi ng kanyang mga mata, at makapal ang kanyang kilay na nababagay sa kanyang matangos na ilong. May manipis syang mga labi at tila perpekto ang kanyang mukha.

"Ambot! (Hindi ko alam)" supladong sagut nya.


"Akala ko kasi alam mo kung saan. Kaya nagtanong ako. Di bali nalang magtatanong nalang ako sa iba." Ako.

"Hindi ako staff dito kaya sa kanila ka magtanong. Mukha ba akong promodiser?" inis na sabi nito sa akin.

"Masama bang magtanong?" irap kung sagot sa kanya.

"Hindi naman!!" ngising salita nito at umalis narin ako sa harap niya.



Tang-ina!! Sino namang kutong lupa na to ang nabangga ko. Pambihira!! Ang malas ko naman ngayong araw nato.

"Danghag!! (Tanga)" diing sabi nito kaya inangat ko ang tingin sa kanya para pantayan ito ng tingin.

No? Kilala ko ang taong nasa harap ko. Ang laki ng mundo pero dito ko lang pala siya makita.




"Pa-pasin.sya kana. Hindi ko sinasadya." utal-utal kung sabi sa kanya habang madiin ang pagtingin sa kanyang mapupungay na mga mata. Hanggang ngayon hindi parin nagbago ang kulay ng mata niya.



He look at me straightly. Pareho ang naging reaksyon namin. Malalim na buntong hininga ang ibinitaw ko habang gumuhit ng malapad na ngiti.


"Jerk!! Umalis ka sa harapan ko." irap na sabi nito at tinulak ako.

"So.rryy" utal kung salita sa kanya.


"Oh pre bakit kasi ang tagal mo. Kanina pa ako paikot-ikot dito. Saan kaba galing"magkaibigan pala ang dalawa. Kaya magkaugali rin.



Ang laki ng pinagbago mo Tristan Cruise. Sa sampong taon ang nakaraan ay hindi parin kita nakalimutan.







Umalis ako sa harap nila at hinanap ang aking pakay. Buntong hiningang lumingon ako ulit sa kanya habang mariin din ang pagtingin niya sa akin. Hindi nagbago ang kanyang ekspresyon. Ganun parin ang ipinakita nitong reaksyon sa unang pagkikita namin dito.
Pero ngumiti ako ulit sa kanya kaya mas lalo itong nainis.


















ITUTULOY

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon