Chapter 54: His Feeling

2.1K 79 4
                                    


Tristan POV

Dalawang linggo na ang nakaraan buhat nuong hinalikan ko si Kent. Mas lalo yata akong nahulog sa kanya na wari bang hinahanap-hanap ko ang banayad niyang halik.

Napangiti nalang ako habang inisip yung pagdampi ng labi niya sa labi ko. Nuong mga panahong iyon ay para bang lumipad ako sa alapaap dahil iyon ang kauna-unahang passionate kiss na nangyari sa akin.

Sa labing apat na araw na ang nakaraan ay di ko maiwasang maging dakilang stalker kay Kent. Naging mailap narin kasi ito sa akin kaya puro tingin at pagmamasid lamang ang tangi kung magagawa.

"Tristan!! Kanina ka pa nakatingin kay Kent? Pwede bang dito ka magpokus sa akin!! Nakakapagod magturo sa harapan tapus hindi ka nakikinig!! Ilang besis mo nang ginawa yan.. " sumbat na salita ng guro namin kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya.

Nakatingin rin sa akin ang mga kaklase ko at ganun rin sina Kent. Halatang namumula ito kaya hindi ko ka mapigilang mapangiti dahil sa naging ekspresyon nito.

"Pasinsya na po mam. Inspire lang po ako sa kanya" ngiti kung sabi sa kanya habang nakatingin parin kay Kent.

Naghihiyawan ang mga kaklase ko at ang iba naman ay di makapaniwala sa sinabi ko. Wala akong paki-alam sa sasabihin nila dahil iyon naman ang tutoo.

Walang nagawa ang aking guro kaya ipinagpatuloy ang nasimulang pagturo.

Ilang sandali pa ay natapos narin ang mahaba naming leksyon. Excited akong pumunta sa court dahil may insayo kami para sa parating na interschool competation.

Simula kasing naging miembro siya sa team namin ay tumaas ang aming determinasyon para manalo. Magaling rin naman kasi si Kent kaya lalo kaming ginaganahang mag-ensayo.

Nuong tinanggap niya ang alok ay labis itong ikinasaya ni Coach. 99.9 percent ang tyansang manalo kami sa basketball dahil sa ipinakita nitong galing lalo na sa aming pag-iinsayo.

Nakalaban ko narin ito minsan at kahit tinanghal ako bilang isang pinakamgaling na manlalaro ng basketball dito sa unibersidad ay di kaya ng powers ko ang talunin siya.

Speaking to Goerge and Fretz ay naging tagahanga ang dalawa kay Kent. Pinatawad narin niya ang dalawa kaya labis nila itong ikinasaya.
Tuloy nainggit ako sa kanila dahil sila ang palaging kasama nito tuwing may insayo kami.

Di rin naman mawala ang suporta ng dalawang kaibigan ni Kent. Kahit nag-ensayo kami ay tudo parin ang suporta ng dalawa sa kaibigan nila. Minsan ay sinama rin nila iyong lalaking kalaro nila Zach at ni Kent nuon. Nagtataka nga ako kung bakit ang sweet nila ni Zach tuloy di ko maiwasang manghinala.

Nang dumating ako sa luob ng court ay nakita ko ang dalawa kung kaibigan na sina Goerge at Fretz na masayang kinausap si Kent. Hindi ko mapigilang mainis dahil subrang close nilang tatlo kaya padabog akong pumunta duon habang nainis na nakatingin parin sa kanila.

Ang torpe ko!! Di ko masabi sa kanya ang nga katagang gusto kung isambit sa kanya. Kahit man lang paghingi ng patawad sa kanya ay hindi ko magawa.

"Bakit ang lungkot mo ngayon Tristan? May problema ka ba?" nagtatakang tanong ni Trecks sa akin at tinabihan ako.

Hindi ako umimik at patuloy akong nakatingin kay Kent.

Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon