Malakas ang hiyawan ng mga tao dahil sa intense naming labanan ng Green Python. Sila ang mahigpit naming kalaban sa tuwing may interschool compitation kami. Magaling rin naman kasi sila kaya nahihirapan kaming talunin sila.Sa apat na kalaro namin nuong nakaraan ay natalo namin lahat. Malakas kasi ang depensa namin kaya undefeated kami at nakaabut sa semi finals.
Taon-taon ipinagdiwang ang founders day ng unibersidad. Ngayon lang yata nangyari sa kasaysayan ng unibersidad ang maghu-host sa nasabing event. Kaya puspusan ang insayo ng mga pambato namin upang kalabanin ang iba pang atleta na galing pa sa iba't-ibang lalawigan ng bansa. Lahat kasi ng mga branches ng Monton University ay binigyan ng pag-asang makipaghalubilo sa pamagitan ng sports.
Isa rin ako sa mga atleta sa larangan ng basketball. Kung manalo kami ngayon ay tiyak na kakalabanin namin ang pinakamagaling na manlalaro ng Monton University, ang Makati, Campus. Sila kasi ang nanalo sa Luzon Division at natalo rin nila ang Mindanao.
Kaya ngayon ginalingan namin para manalo sa larong ito.
"Pasa mo kay kent pre!!" sigaw ni Trecks sa akin at ginawa ang utos niya.
Matinding depensa ang ginawa namin. Nagtutulungan rin kami upang harangan ang mga kalaban para di nila makuha ang bola. Ang higpit rin kasi nilang dumepensa at si Kent ang pinunterya nila dahil magaling talaga itong humawak ng bola.
Naghihiyawan ang mga tao sa court ng na-ishoot na naman ni Kent ang tatlong puntos. Pang-apat na lima na niya itong puntos kaya mas lalo kaming humahanga sa kanya. Ang galing talaga niya. Kahit mahigpit ang depensa ng kalaban ay nalulusutan parin niya ito.
Narinig namin ang malakas na tunog na nagsasabing tapus na ang laro. Masaya kaming lahat dahil for the first time natalo namin ang Green Python.
Malakas ang hiyawan ng mga kasama ko habang buhat ang taong gusto ko. Ganun rin ang buong gymnasium na nag-iingay rin at hiniyaw ang numero ni Kent.
Hindi mapigilang mapa-iyak si Coach Noel dahil sa panalo namin. Ito kasi ang kauna-unahan naming masali sa Grand Final.
"Congratulation nating lahat. Kung wala ang kooperasyon niyo ay hindi natin maipanalo ang larong ito. At salamat rin sa bago nating kasama na si Kent dahil kung wala siya ay di maging posible ang imposible." ngiti nitong salita habang nakatingin kay Kent.
Ngiti lang ang tanging sagot nito habang inayos ang magulo nitong buhok. Nakaakbay sa kanya si Fretz habang si Goerge naman ay pinunasan ang mga namumuong pawis sa nuo ni Kent. Di ko mapigilang mainis sa dalawa dahil ilang ulit na nila itong ginawa kay Kent. Naging sweet narin sila sa kanya simula nuong napatawad sila ni Kent.
Simula kasi nuong hinalikan siya ay iyon ang kahulihang magkasama kami ng matagalan. Nakausap ko naman siya minsan pero puro kaswal lang. Ang torpe ko kasi kaya di ko maamin ang naramdaman ko para sa kanya.
Nagdiwang ang buong unibersidad dahil sa kapanalo namin. Marami naring humahanga kay Kent dahil sa ipinakita nitong galing sa paglalaro ng basketball. Di rin naman mawawala ang tagahanga ko kaya masaya parin ako kahit papaano.
Ilang araw nalang ay grand finals na. Tudo ang insayo namin para sa parating na labanan. Magaling rin naman kasi ang kalaban namin kaya kailangan namin ang puspusan na pag-insayo.
Pabuntong hininga ako pumasok sa luob ng court. Maaga akong pumunta dito kaya walang katao-tao ang luob. Excempted rin naman kami sa lahat ng subjects kaya hindi ako pumasok. Kaya nakapagdesisyon akong dito ako
sa court tumambay.Umupo ako sa bench at pinagmasdan ang buong lawak ng court. Wala narin akong ibang magawa pa kundi ipahinga ang sarili sa bench habang hinihintay ang iba ko pang kasama.
Nakahiga ako ngayon habang idinampi ang dalawa kamay sa batok ko. Ipinikit ko ang aking mga mata upang iidlip ang sarili kahit sandali lang.
Napamulat ako dahil sa mainit na hiningang dumampi sa aking mukha. Hawak din nito ang labi ko kaya di ko mapigilang imulat ang aking mga mata dahil sa ginawa niya.
Nanlake ang aking mata dahil sa taong kaharap ko ngayon. Nanginginig akong tumingin sa kanya habang malakas ang pagkabog ng aking dibdib. Naging slomo ang buong paligid ng nakita ko siya.
Umiwas sya at mabilisang tumayo sa kanyang pagka-upo. Wala akong sinayang na oras kaya hinawakan ko ang kamay niya at sapilitang pina-upo katabi ko.
Tahimik!! Subrang tahimik naming dalawa. Wala akong salitang maibibuga dahil dinama ko ang nagtatakbuhang kabayo sa dibdib ko at mga paru-parong nagsisiliparan sa tiyan ko. Mahigpit ang aking paghawak sa kamay niya at madiin tumingin sa kanyang mga mata.
"Wala kang kawala sa akin ngayon. Hindi ako papayag na aalis ka kaya hihigpitan ko ang paghawak sa kamay mo." sabi ko sarili habang idiniin ang paghawak sa kanyang malambot na kamay.
"Pwe.de mo na ba ako.ng bi.tawan Tristan" utal na sabi nito sa akin.
"Kung sasabihin ko na ayaw ko! Magagalit ka ba?" ngiti kung sabi nito at linuwagan ang paghawak sa kamay niya.
Napa-iling siya sa sinabi ko. Di ko mapigilan ang sarili kaya niyakap ko siya at ibinuhos ang luhang nagbabadyang tumulo sa aking mga mata.
"Patawarin mo ako Kent sa na.gawa ko. Ang duwag duwag ko dahil sa nagawa ko sayo nuon. Pinagsisihan ko iyon lahat lalo na nuong nagsimulang iwasan mo ako. Di mo ba alam na ilang araw na akong hindi makatulog sa kaiisip sayo. Mas lalo akong nabaliw sa kaiisip sayo nuong hinalikan kita. Alam mo ba ikaw ang kauna-unahang tao na nahalikan ko. Pero hindi ako nagsisi dahil ibinigay ko ang kauna-unahang halik sa taong gusto ko. Tama ang narinig mo Kent.. GUSTO KITA." amin ko sa kanya at di parin ako humiwalay sa pagyakap sa kanya.
"Apat na pagkataong nahalikan kita. Yung unang halikan natin ay nangyari sa kanten. Katuwaan nga iyon pero nagustuhan ko. Sabi ko sa iyo nuon na nandidiri ako dahil hinalikan kita. Pero sa kaluob-luoban ko ay gusto kung maulit iyon. Pangalawa, nuong duon tayo sa bahay. Pilit kita hinalikan kahit nasaktan na kita dahil... dahil nagseselos ako sa inyo ni Fretz. Galit ako sayo nuon dahil masaya ka kasama siya. At Pangatlo iyong.. iyong nalaman mo ang taong inidolo ko. Nagpakamalan pa kitang ikaw si Tyler dahil kamukha mo siya. Iyong araw na iyon ay mas lalo akong nahulog sayo dahil nakita ko ang pagkatao niya sayo. At panghuli nuong hinalikan kita sa Hotel. Alam mo bang ang saya ko dahil tumugon ka sa halik ko. Nasabi ko sarili nuon ma may pag-asa ako sayo at napatawad mo na ako dahil sa halik mo. Lahat ng mga halik na iyon ay hindi ko pinagsisihan dahil ang taong hinalikan ko ay GUSTONG-GUSTO KO."
"Gusto kita kent!! Gustong-gusto kita!!!" dagdag diing sabi ko sa kanya.
Bumitaw ako sa pagkaakap sa kanya at hinawakan ang mukha nito. Nakatingin ako sa kanyang mata at ganun rin ang kanyang ginagawa.
"Kent? Gusto kita!! Pero unfair naman kung ako lang ang may gusto sayo. Ahmm.. May gusto ka rin ba sa akin?" deritsahan kung sagot sa kanya.
Hindi ito makapagsalita. Alam kung naguguluhan siya sa sinabi ko pero iyon ang tutuo. Blanko ang naging ekspresyon niya pero maghihintay ako kung ano ang kanyang sagot.
"Di ko alam." walang ka emosyon nitong salita kaya napabitaw ako sa paghawak sa kanya.
"Bakit mo ako hinawakan kanina at ang lapit pa ng mukha mo? Dahil sa ginawa mo ay di ko mapigilang manghinala na may gusto ka rin sa akin." diing salita ko sa kanya.
"Dahil.. dahil may dumi sa mukha mo kaya inihipan ko. At..at hindi kasi maalis kaya ayun kinuha ko." utal-utal na sabi nito.
"Cge alis.. alis muna ako.." dagdag sabi nito at nagmamadaling umalis.
Nakatingin ako sa kanya habang papalayo sa akin.
"Kent!!" sigaw ko sa kanya kaya napalingon ito.
"Gusto kita at maghihintay ako sa tamang panahon na sabihin mo ang mga salitang gusto rin kita." dagdag sabi ko.
Blanko amg naging ekspresyon nito at tuluyang umalis sa court.
ITUTULOY
Malapit napo itong matapos..
BINABASA MO ANG
Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)
RomanceHis ultimate crush pala ang kanyang sinaktan. Ano kaya ang reaksyon nya kapag malaman nya na ang binully at sinaktan nya ay ang idol pala nya. Tunghayan ang esturya nina Tristan at Tyler na magpa-iyak sa inyo at magbibigay leksyon. The Secret Billi...