Chapter - 58

1.9K 81 11
                                    

Tyler POV

Isang maliwanang na ilaw ang bumungad sa aking harapan. Naging komportable rin ako sa lugar kung saan ako ngayon. Dama ko ang malambot na higaan at unang nagsisilbing sandalan sa masakit kung ulo.

Napamura ako dahil sa hilo at hapdi na naramdaman. Maging ang katawan koy pagod at di kayang ikilos ang mga balakang. Tiniis kung ilinga ang aking ulo upang ibaling ang aking tingin sa mga taong nag-uusap ngayon.

"Nasaan ako?" hina kung salita sa mga taong nag-uusap.

Gulat at kagalakan ang rumerihistro sa kanilang mukha ng naramdaman nilang gumising ako. Madali silang pumunta sa harapan at niyakap nila ako ng mahigpit.

"Arayy!! Wag nyo namang masyadong higpitan ang yakap. Ang sakit ng katawan ko" reklamo ko sa kanila.

Mabilis silang umalis sa pagyakap sa akin dahil sa naging reaksyon ko. Kita ko ang mukha ng tatlo kung kaibigan na nag-alala para sa akin.

"Kanina pa ba ako dito?" tanong ko sa kanila habang bumitaw ng pilit na ngiti.

"Tatlong oras kana dito mula nuong may nangyari sayo sa basketball court. Buti nalang rumesponde ang mga sport's medic kaya nadala ka kaagad dito. Subrang nag-alala kami para sayo Tyler. Akala namin may nangyari sayong masama dahil wala ka talagang malay." luha-luhang salita ni Angela sa akin.

"Halos hindi kami mapakali at sa bawat segundo ay iniisip namin ang kalagayan mo lalo na ang nag-iisa mong kapatid." dagdag sabi nito.

Hindi na ako nagulat pa sa sinabi niya dahil sa pagkakataong iyon ay hindi na talaga ako makakalusot pa sa pagbabalat kayo ko. Sa mga naging reaksyon ng mga dati kung kasama kanina ay masasabi kung kilala talaga nila ako.

"Nasaan si Kuya?" tanong ko sa kanila.

Sasagot sana sila pero biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang taong hindi ko inaasahan na makita dito. Luha-luha siyang pumunta sa harapan ko at madiing niyakap ako.

Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa pagkakataong ito ay nakita ko ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Hagulhul akong niyakap siya at kahit masakit ang katawan ko ay taos pusong tinanggap ko ang yakap niya

"Salamat sa dios dahil nakita kita ulit anak. Limang buwan kang nawala at halos araw-araw kitang iniisip. Sa wakas ay makakapiling na kita ulit." hagulhul na salita ni mama sa akin.

"Sa tutoo ay alam  ko kung ng nasaan ka at hindi ko sinabi sa iyong ama at kay Chad na nandito ka. Simula nuong gumising ako sa pagkahimatay ay tinawagan ko na kaagad si yaya migs. Sinabi niya lahat ang nangyayari kaya binigyan kita ng ilang buwang magpakalayo muna dahil alam kung hindi kayo magkasundo ng kapatid mo lalo na sa ama mo. Pero nung nawala ka ay labis silang nagsisi sa kamalian nila at sana mapatawad mo sila." ngiyak-ngiyak na sabi nito.

"Halos araw-araw akong tumawag kay yaya Migs kung okey lang ba ang kalagayan mo dito. Nuong nalaman kung nasunog ang tinitirahan mo ay labis akong nag-alala sa kondisyon niyo lalo na sayo. Buti nalang to the resbak ang bestfriend mo kaya napag-utusan ko syang doon muna kayo maninirahan sa villa nilang binili ko." emosyonal nitong salaysay sa akin.

"Actually, Ako ang nagsabi sa kanila na nandito ka kaya pumunta sila dito upang besitahin ka sana. Hindi ko alam na magtatagal pala sila dito at dito na rin mag-aaral." nakangiti nito salaysay na nakatingin sa dalawa kung baliw na kaibigan.

Ngisi lang ang naging reaksyon ng dalawa sabay peace sign. Mga sinungaling talaga!! Hindi nila sinabi sa akin na alam na pala ni mom na nandito ako.

"Sa limang buwang nawala ka anak ay naging mabait ang iyong ama sa iba. Nagbago na yata ang loko kaya masaya ako dahil sa pagbabagong iyon. Ilang ulit rin niyang sinabi sa akin na subra ang kanyang pagsisi sa mga nagawa niya sayo nuon. Kaya di kalaunan ay inaamin ko sa kanya na nandito ka sa cebu at maayos ang kondisyom mo." patuloy nitong salaysay sa akin.

"Si Chad naman ay bumaba ang pagkamainitin ang ulo simula nuong umalis ka. Buti nalang nakilala niya sina Angela at Zach kaya mas nagbago ito ng tuluyan. Naging inspired narin ito simula nuong naging sila ni ahemmm" ngiting sabi ni mom sa akin kaya di ko mapigilang mapatingin kay Angela na subrang pula ang mukha.

"Kahapon ko lang sinabi sa kanya na nandito ka at sinabi ko rin na sa buong limang buwang nawala ka ay alam ko kung nasaan ka. Medyo nagtatampo nga yun dahil nagsisinungaling kami sa kanya lalo na sa dalawa mong kaibigan." dagdag sabi nito sa akin.

"Nasaan sila ngayon?" ngiting tanong ko sa kanya.

"Nasa labas. Hinihintay ang signal ko kung pwede na ba silang pumasok."seryusong sabi nito sabay himas ng buhok ko.







Secret Obsession-1: The Secret Billionaire (bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon